Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tuluyan nang sinakop nang dilim ang liwanag, nag handa na ako, at nang sa papalabas na ako nang pinto, nang mahagip nang mata ko ang katana na naka-sabit sa pinaglalagyan nito. Walang pagdadawalang-isip, ko itong nilapitan, at agad na kinuha. Bumaba na sa likod ako, dumaan, at umikot papuntang parking kung nasaan ang kotse ko.
Inihanda ko ang sarili ko sa pagbukas ng gate, ng dahan-dahan, at laking pasalamat ko nang wala akong makitang kahit isang zombie sa harapan ng bahay. Nang silipin ko, ay nasa malayo sila at nakatayo lamang. Mukhang totoo nga na hindi sila masyadong makakita sa dilim.
Mabilis akong pumasok sa sasakyan at pinaandar ito, pag labas ay agad Rin akong bumaba ng mabilis at sinarado ang gate. Nang lingunin ko ang mga zombie, nakita kong naglalakad sila. Mukhang sinusundan nila ang tunog ng kotse ko hanggang sa bumilis sila nang bumilis.
Nang matapos, agad akong pumasok sa kotse at agad na pinaandar ito patungo sa hospital. Habang nagd-drive, nagmamasid ako sa paligid. Madami rin akong nakitang mga sasakyan na naka-dumog sa iba pang sasakyan. Ang dating maingay at masayang sentro ng lugar na ito ay napalitan ng isang nakakakilabot na pangyayari. Mabilis ang patakbo ko ng kotse dahil maraming zombie ang pilit na humahabol sa akin dahil sa tunog ng sasakyan ko.
Inihinto ko ang sasakyan medyo malayo sa parking ng hospital kung saan walang mga zombie ang nasa paligid. Luminga-linga pa ako upang masiguradong walang nakahabol sa akin papunta rito.
Kinuha ko ang katana bago ako lumabas at isinakbit ito sa likod ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa parking ng hospital. Nang makapasok ako, agad akong nagtago sa isang kotse nang isang grupo ng zombie ang sasalubong sa akin. Patay-sindi ang ilaw rito sa parking. Umikot ako pakabila upang hindi sila masalubong at yumuko para hindi nila ako makita, lalo na at malayo pa ang isang sasakyan na pede kong pagtaguan.
Agad akong tumingin sa paligid, nagbabakasakaling meron akong magamit, pero isang lata lamang ng soft drink ang nakita ko. At ang malas pa, dahil nasa harap ito ng isang naka-tayong zombie na kagat labi ko ito inabot.
Untinalangunti na- fucking yes!
Nang maabot ko ang lata, unti-unti akong sumilip para tansyahin kung saan ko ito ihahagis. At inihagis ko ito sa isang lugar kung saan hindi nila ako makikita, at natatakpan ito ng mga sasakyan para kapag tumakbo ako ay hindi nila ako mapansin, kahit na sumindi ang ilaw.
Kaagad kong hinagilap sa parking malapit sa hagdan at elevator ang kotse ni Daddy, pero nang makarating ako doon, hindi ko makita ang sasakyan niya. Agad akong umikot para mahanap ang kotse niya na baka hindi ko lang napansin na hindi niya pala doon inilagay. Pero naikot ko na halos at anim na kotse at tatlong ambulansya nalang ang nandito, pero wala.
Dito yon, hindi ako pwedeng magkamali. Dito nakapark ang sasakyan namin, parehas kanina, paano naman nawala? Paano nawala ang sasakyan niya dito?
"Damn it! Nasaan ka na ba, Dad!" mangiyak-ngiyak na sambit ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, saan siya hahanapin?