Mahigit isang linggo na rin mula noong umuwi ako at wala akong ibang ginawa kundi ang mamasyal, nagbabakasakaling makita ko rin si Tito. Ang daming bagay ang nagbago sa lugar na ito, halos maligaw na ako. Araw-araw nalang ako nagagala, katulad sa ibang bansa, ang pinagkaiba lang, commute lang ako saka hindi ako nakikipagpatayan-hindi katulad ng naka-sanayan ko, at hindi rin libre.Ngayon, hindi muna ako gagala dahil tumawag si Kuya Randel sa akin na tapos na daw ang sasakyan ko. Kaya naman titingnan ko ito, ang bilis ng paggawa nila, 11 days pala, tapos na.
Nang makarating ako, nakita ko ulit si Kuya Randel sa may counter, kaagad akong tumungo sa kanya.
"Kuya Randel!"
"Oh, Valk, nandyan ka na pala. Halika, ipapakita ko sayo yung sasakyan mo."
Pumunta kami sa pinaglalagyan ng mga sasakyan na tapos nang ayusin, at agad kong nakita ang sasakyan kong parang bagong-bago talaga. Sinabihan din nila ako na babaguhin nila ang kulay nito para magmukhang bago. Agad ko namang sinang-ayunan
"Heto na, tignan mo ang loob," sabi nito sa akin at binigay ang susi.
Kaagad kong binuksan ito at hindi mapigilan ang pagkamangha sa mukha ko nang makita nan tuluyan ang loob.
Tinuro naman sa akin ni Kuya Randel lahat ng kailangan ko malaman sa loob ng sasakyan. Sinubukan ko rin itong paandarin.
"Pwede mo na iyang maiuwi sa bahay mo, ipapa carrier truck ko nalang uli kung gusto mo."
"Sige po, Kuya Randel. Thank you po!"
Tumango ito. Tinanong ko ito kung saan ako puwedeng magbayad, tinuro naman nito at nagpaalam na kakausapin ang maghahatid ng sasakyan ko. Buti na lang puwede ang card sa kanila.
Nauna na akong umuwi sa bahay para intayin ang sasakyan ko. Wala pang isang oras ay dumating na rin ito. Nagpasalamat ako sa driver at sa kasama nito. Ako na lang din ang nag-park ng sasakyan ko.
Bukas ay mamimili ako ng ilalagay sa loob ng sasakyan. Sobrang laki din ng space nito sa car trunk sa likod na puwedeng-puwede kong paglagyan ng mga gamit o kaya mga pagkain.
Kinabukasan, gamit yung isang kotse na pinagawa ko rin, ang ginamit ko papuntang mall para makabili ng mga kagamitan sa sasakyan at ng mga grocery. Naghakot lamang ako ng isang sakong bigas, canned goods, noodles, saka mga tinapay, biscuit, at mga chips. Halos isang oras na ata akong namimili at nakaka-apat na malalaking cart na ako. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao. Laking pasasalamat ko rin dahil tinulungan ako ng dalawang staff na lalaki at babae sa pagtulak ng mga cart ko. Tinanong pa nila ako kung bakit sobrang dami, sabi ko nalang ay:
BINABASA MO ANG
Dark Awakening (Rise of the living dead)
Action"In a world devoured by darkness, survival is our only hope. Brace yourself for an apocalyptic journey through the land of the undead."