Prologue

166 13 0
                                    

♥╣[-_-]╠♥

~~~long time ago~~~

"Lumayas ka!"

"H-huh?"

"Kapal ng mukha mo!"

"Teka Vicenta! Makinig ka muna! Pag-usapan natin ito ng mahinahon at maayus!"

"Usap? Mag-usap kayo ng kamao ko!"

PAKKK!!! (Lol sound effect)

"Aray! My loves naman eh"

Cringe.

Malakas na suntok ang natanggap ni Papa. Saktong tumama ang kamao ni Mama sa mata nya.

Madalas may mga alitan talaga sa buhay mag-asawa pero ito yung pinakamalalang alitan nila. Unang beses ko nakita si Mama na sobrang galit at unang beses ko rin nalaman na si Papa ay isang lowkey babaero pala?

For everyone sakes itinago ko ang mga pwede maging deadly weapon dito sa bahay. Syempre, concern ako sa mag-asawa na ito. Sila kasi ang nagpalaki sa akin, malaki ang utang na loob ko sa kanila.

"BABOY!"

TINGGG!!! (Low budget sound effects)

Hinampas ni Mama ng kaldero si Papa! Ang naging tunog ay yung naririnig na kampana sa simbahan. Ayyy mali... baka imagination ko lang?

Andami ba namang kaldero dito sa bahay! San galing?!

Kawawa si Papa na muntik ma-knock-out! Nahilo sya ng kunti pero standing pa rin! Ang tibay! Okay, mukhang aabot ito sa round 12. Stay tune, readers!

"LUMAYAS KA! LAYAS! LAYAS"

"Teka! Teka! Let me explain!"

"Explain mo mukha mo!"

Si Ekong at si Vicenta ang tinaguriang Romeo and Juliet ng Roots.

"Anong nangyari sa dalawa?" ang kadalasang natatanong ng mga kapitbahay. "Ba't napunta sa ganito ang dating kay tamis na pag-iibigan? Dati rati.. its them against the exuniverse."

Lovebirds sila dati.. pero... ngayun? Birds pa rin naman pero... manok pangsabong na.

"ANG KAPAL NG MUKHA! WALANG HIYA!"

"Bebe Vicenta naman.. *kyut eyes* uwu..."

(・o・) What the-

"WAG KANA MAGPA-KYUT 'DI BAGAY SAYO!"

"Ay ang harsh..."

"PAPASLANGIN KO MGA ALAGA MONG MANOK!"

"MY LOVES!😱 WAG MONG GAWIN YAN!"

Kahit sobrang cringe may mga naiingit pa rin sa pagiging lovely-dovey nila. Kahit pagmasdan mo lang masisira na ang ngipin mo sa sobrang sweet. Minsan di mo inaasahang may kakagat na langgam sayo... Yung iba nagsa-sana all na lang.. Ganyan sila dati... sobrang corny. Ang tanong anong nangyari?

"Vicenta! Huminahon ka! 'Wag mo idamay pati yung... mga alaga nyang manok!" pakiusap ni Aleng Elizabeth.

"Sino ang babaeng yan?" Bulong ng mga chismosa't chismosong audience.

Sya si Elizabeth Grimony, isang Solar Power. Siya ang diyosa ng River Side dahil sa sobrang ganda nya.

Hindi natuwa si Mama, nagalit sya ng todo at hindi napigilang hindi ihampas ang kaldero sa babae. Gigil na gigil si Mama! Aba? Sinong hindi?

"Aray! Aray! Ano ba!" Ginamit ni Aleng Elizabeth, tawagin nalang nating Aleng Liz, ang kanyang exskill para proteksyonan ang sarili. Ang nangyari.. pilit na sinisira ni Mama ang shield gamit yung kaldero.

ALVAACAD: Boiling Point ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon