'◔‿ゝ◔')━☞ the next dayISH MOTRANGA's POV
"May program sa school nyo?"
"Opo"
"Mabuti!"
"Mabuti?"
"Wag ka pumasok. Tumulong ka nalang dito sa karinderya"
"Pero mandatory po kas-"
"At sa tingin mo hindi mandatory dito sa karinderya?!"
"......................."
"Ang daming customer ngayung araw, Ish!" Tunuro nya ang mga nakalinyang trabahador.
Bumugtong hininga ako. "Tyang, kapag hindi ako pumasok baka..."
"Baka ano?!"
Natahimik ako.
Umirap si Tiya yung mukha nya parang naghahamon. "Baka nakakalimutan mo na ako ang nagpapakain sayo?"
"Hindi naman sa ganun, Tyang" pinipigilan ko ang pagtaas ng aking boses.
Umirap siya. Sobrang sungit talaga! Hindi mapakiusapan?!
Kung hindi lang 'to pinsan ni Mama baka ano na ang nagawa ko sa babaeng 'to! Kung tratuhin ako eh parang ako yung bida sa mga dramaserye!
Maya-maya dumating si Tiyo na galing sa plaza.
"Kapag minamalas ka nga naman.." bulong ko.
"Ano ano? Program? Hay.... Sus! Noong highschool ako? Hindi ako pumapasok kapag may program. Wala naman talagang klase kapag may program-program eh!" pinagyabang nya ang kanyang highschool life. Proud na proud sa sarili.
Pokerface ko syang tinignan. "Ah.. kaya po pala yung grades nyo noong highschool kayo ay 75"
Sya ay natigilan sa ginagawang paglista ng mga taya.
Ang trabaho nya, if matatawag bang trabaho yun, ay ang pagkolekta ng mga numerong tinaya ng mga tao dito sa Area. Wala namang masama sa trabaho nya dahil legal naman ito. Minsan nga tumataya din ako at kahit minsan hindi pa nananalo. Minsan tinataya ko din yung mga numero na napapaginipan ko pero 'di pa rin nananalo. Malas talaga.
"H-hoy! Half day lang yun! Naawa ako sa 1st honor kasi kapag full day pa edi 150 na! Kung nangyari yun.. ako na ang first honor!" Tumawa sya sa kanyang joke.
Umirap si Tiya. "Ganyan tayo eh? Tawa-tawa lang? Anong nakakatawa?!"
Napahinto sa pagtawa si Tiyo at nag-pout.
"Kung tumulong ka kaya dito sa karinderya, hah?! Tapos kana sa ginagawa mo, diba?" Namewang si Tiya at halos magdugtong na ang dalawang kilay. Parang angry birds!!
Oo nga pala.. Hindi ko pa sya napapa-Oo. Pano ba 'to? Mag-isip ka, Ish!
Talagang hinding-hindi ka papayagang pumasok ng Tiyahin mong masama ang ugali, yun ang sigurado! Kahit anong gawin mong excuse hindi makikinig sa'yo yan lalo na't madami talagang customer.
Anong dapat gawin?
Napakamot ako sa ulo bago ko hinugasan ang mga pinagkainan ng customer. Karamihan sa mga customer namin mga nagtratrabaho sa bagong project na Solar Power Supply dito sa Area. Pabor sa negosyo ni Tiya. Yung ibang taga Roots nagsimula na rin mag-negosyo dahil demand.
May nadagdag pa sa business ni Tiya dahil sa mga workers na taga-kabilang syodad. Malayo ang pinagmulan nila at gagastus sila kapag uwi sila ng uwi kaya naghanap sila ng matutuluyan dito. May vacant na bahay kami at yun ang ginawang paupahan ni Tiya.
BINABASA MO ANG
ALVAACAD: Boiling Point Arc
RandomA world where extraordinary people exist! People with superhuman abilities... Is it magic? A science? Mix? Who knows? But, they call it ExSkill. Fire, Gravity, Petrification, Solar, Float... and more extraordinary skills that Extraordinary Human Bei...