DY GRIMONY's POV
👊 Sol
✂ Me
"HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA"
Tumawa si Sol dahil talo ako. "WINNER SOL GRIMONY! HAHAHA! THE BETTER TWIN"
Sanaol... The Better Twin?
"Okay. Okay. Since natalo si Ish at Dy silang dalawa ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin" - conclude ni Seth
"Ano?! Ba't naman ako?" - Ish
"Oo nga naman! Ba't sya?" - me
"Wag kayong magreklamo. Malinaw yung usapan, diba?" - si Azure.
"Hindi ito makatarungan! Kayang durugin ng bato ang papel! Ang bigat kaya ng bat-"
"Ish, kayang balutin ng papel ang bato"
"In reality hindi mananalo yang papel m-"
"Kahit na, Is-"
"According to scie-"
"Wag na matigas ang ulo!"
"Wag kana mag-worry tutulungan ka naman ni Dy" - Maye
"Per-"
"Wag ka na din magsatsat ng madami dyan.." - si Azure.
Sinubukang e-justify ni Ish ang bato nya pero pinagtulungan sya ng lahat. Hindi na lang sya umimik kasi wala syang kakampi. Umirap sya saka may binulong na hindi ko maintindihan.
"Wait lang kami sa labas hah" paalam ni Sol.
Lumayas na sila at kami nalang ni Ish ang naiwan dito sa table kasama ang madaming hugasin. Haaaaay. Para tuloy kaming mga pasaway na hindi nakabayad.
"Bakit.. pa.. kasi.. ano..."
"Huh? May sinasabi ka?" Plastik akong ngumiti.
Umirap siya tas tumayo at deadma lang ako. Isa-isa nyang kinuha ang mga hugasin. Napataas ako ng kilay. Snob?
Tumulong na lang ako sa paglilinis sa table. Sabay naming tinungo ang sink hall.
Madaming naghuhugas ng kamay dun at may naghuhugas din ng mga plato.
"Sir, Ma'am, kami na ho dyan" saad ng washer.
"Ah, wag na po. Medyo madami kasi" - Ish
"Hayaan mo si Manang. Sya naman nag-offer eh"
Bumugtong hininga si Ish saka pinaalis si Manang.
"Akala ko pa naman sina Fallen lang ang minalas pati ba naman ako?" Bulong ko. Sumimangot si Ish.
Sino bang mag-aakalang may ganitong rules pala sa ALVAACAD?
Ang rules ay: kapag nag-order ng madami at madami ang hugasin hindi ang mga washers ang maghuhugas kundi ang mga gumamit nito.
Nangyari ang batas na yan ng may mga pasaway na estudyante na nananadyang bumili ng maraming order para madami din ang hugasin para pahirapan ang mga washers. Trip lang nila. Ayan tuloy naging rules na dito.
Naghuhugas lang ako ng tahimik dito ng aksidenteng natalsikan ng bula si Ish. Natigilan sya sa ginagawa at pokerface na hindi kumurap pagkatapus tumingin sya sa akin tas sa bula na nasa kanang pisngi nya.
Oooooppppsie.
Naglabas sya ng stressful na hangin mula sa kanyang ilong. Alam nyo ba ang init ng hangin! Parang steam! Imagine nyo yung umuusok na ilong ng toro (bull), oo, parang ganun!!
Hinatak nya ang lace ng I.D ko at ginawang pamunas sa bula. Sa bilis ng pangyayari hindi ako nakareact........ agad.
"HOY!" Sa gulat ko, late reaction na pala, nasampal ko sya at alam nyo ba? Nagmark sa pisngi nya yung palad ko at nadagdagan pa ng bula ang pisngi nya ngayun. "Hala!" nagulat ako sa ginawa.
Ang mga bystander natigilan. May worry silang look. Worry ba talaga o gusto lang maki-chismis?
Si Ish naman na-shock sa ginawa ko. Hawak nya pa rin yung lace ng I.D at napansin ko na umuusok ito.
Teka? Umuusok? (・∀・)
UMUUSOOOKKKKKKKKKKK!!!!!!!
"AHHH!" Dali-dali kung hinatak yun.
HALAAAA!! NASUNOG NG KUNTIIIIII!!!!
(✿☉。☉) ‼️❕
"Hoy! Ba't mo sinunog?!" Umatras ako sa kanya baka kasi makaganti sa sampal ko kanina.
Dahan-dahan syang lumingon sakin na may pokerface.
"Wow" Umiiling sya. Sinabi nya ang word na yan na walang ka-tono tono at walang ka-emosyon-emosyon. Sobrang nakakabahala 'to.
Ewan pero may napadaan na estudyante tas nag-offer sa kanya ng tissue sabay sabing 'I feel you, bro' tas umalis din. Lol? Sino yun? Nevermind.
Ginamit nya yung tissue para punasan ang bula sa pisngi.
"Ganyan ba talaga kayong mga babae?!"
Sa statement nya napa-gasp lahat ng babae sa hallway maski ang mga feeling babae napa-gasp din.
Hindi ako makapaniwala sa kanya. Siya pa 'tong may ganyang klase ng tono after nya gawin sa akin yun?!
"Kasalanan mo!"
"Kasalanan ko? ikaw kaya 'tong nananakit!"
"Hoy! Hindi ko sinasadya yun!"
Tinanggal ko yung I.D ko tapos itinago sa bulsa yung picture ko na may info about me tas itinapon kay Ish yung may sunog na lace nasalo nya naman. "Ayusin mo yan!"
"Ayusin?"
"Sinunog mo kaya ayusin mo!"
"Napaka-demanding mo! Ako pa talaga ang nagmukhang kontrabida dito eh ikaw tong OA na napakaingay pa!"
"Dapat lang! May atraso ka sa'kin!"
"Atraso!? Ikaw ba ang nasampal?"
"Alam mo nakakainis ka talaga! Hindi ko sinadyang masampal ka!"
"Ang sabihin mo gusto mo talaga akong sampalin!"
Nanggigigil na ako. Pigilan nyo ko guys! Pigilin nyo ko!
"Oo! Kasampal sampal kasi mukha mo!"
"Ayan! Atlast! Umamin din!"
Nakita ko ang nakakairita nyang smirk saka sya nagpatuloy sa paghuhugas.
Yun na yun? End of convo na?
Inabut nya sa akin yung lace pero hindi ko sya pinansin. Hindi ko tatanggapin yun! Walangya sya! Kailangan nyang palitan ang sinunog nya! O di kaya wag nya nalang ibalik.
Pinakalma ko ang aking sarili tas bumalik nalang sa paghuhugas.
As I mumble, "Sabing hindi sinasady-Hah!" (⊙o⊙) I gasped.
"BUTI NGA SAYO! HAHAHAHA! ANO KA NGAYUN?"
Dali-dali syang tumakbo after nya ipunas sa mukha ko yung may bula nyang kamay.
"ARGH! LETCHENG FLAME-THROWER KA!" Rinig sa buong sink hall ang sigaw ko.
Teka....?
Iniwan nya ako???
Ako lang ba maghuhugas lahat ng 'to?!
"MAGKA-SUNBURN KA SANAAAAAAA!!"
***
Susunod: Deception
Don't forget to..
vote, comment, share, and smile...
BINABASA MO ANG
ALVAACAD: Boiling Point Arc
AcakA world where extraordinary people exist! People with superhuman abilities... Is it magic? A science? Mix? Who knows? But, they call it ExSkill. Fire, Gravity, Petrification, Solar, Float... and more extraordinary skills that Extraordinary Human Bei...