ISH MOTRANGA's POV"I nominate myself for the position of Class President" - Dy Grimony
Wala sa amin ang nakapagsalita dala ng pagkagulat sa kanya.
Katapangan? Tiwala sa sarili? o sadyang makapal lang talaga ang mukha?
May ilan sa amin ang napabilid sa kanyang lakas ng loob. Lakas ng loob ba talaga yun? Narinig nya na may nag-nominate sa'kin kaya ni-nominate nya rin ang sarili.
Napataas ng kilay si Sir Tala. Inakala nya tuloy na ginawa yun ni Dy dahil mataas ang confident nito sa sarili. "Ang lakas ng loob mo Ms. Grimony"
Wala akong nagawa kundi bumugtong hininga nalang. Ba't ba ako na-nominate?!
Yesterday, nakauwi kami ng ligtas sa Roots. Ngayun, nag-e-elect kami ng class officers. Kaming mga na-nominate para maging Class President ay nakatayo sa harap ng klase. May kung sino lang ang nagnominate sa'kin.
"Everyone! Proceed to Gym Gama"
"Yes, Sir!"
Agad kami nagpunta sa nasabing gym. Malaki ang Gym pero wala kami sa loob kundi nasa labas. Malawak ang field dito sa labas mainam para sa mga practical activities.
"Ang mangyayari ngayun susubukin ko ang mga kakayanan ninyo. Sino ang karapatdapat maging President ng Class Tala ay naka-base sa magiging decision ko"
Ngayun lang namin napansin na may kasama si Sir. Isang babaeng estudyante na naglabas ng apoy sa kanyang palad saka nya ito winasiwas-siwas hanggang sa lumaki ito ng lumaki. Unti-unting nagkakaroon ng hugis ang apoy hanggang sa naging mga ibon ang hugis ng mga ito.
Fire power? Napaka-common talaga ng exskill ko.
"Whoa! Ano ang mga 'yan?!"
"Hindi ba obvious?!"
"Teka? Ano ang gagawin natin sa mga yan?"
"Kumuha ka ng timba na may tubig!!!"
"KIMIHAMUT! Wag ka nga mag-joke!"
"Naku.. masama ang kutob ko..."
"Thankfully, tayo-tayo lang dito..nakakahiya kasi.."
Ngumiti si Teacher. "Yan ay pagsubok para malaman ang nakatago nyong talento at mga kakayahan. Isa-isa nyong tatalunin ang mga yan. You can use your exskills. Base on how you perform ang magiging tadhana nyo and I will be the one to choose"
Napalunok ako. Anong gagawin ko sa mga apoy na yan?
Unang sumubok si Mirasol Zedlav. Bumuga sya ng hangin para mapaalis ang mga ito pero mas lumakas lalo ang apoy dahil sa hangin. Nga pala siya yung unknown classmate na tumulong dun sa klasmet kong unknown din na may cold wind. Si Mirasol yung isa sa mga kaklase namin na may nagawang helpful during sa demo so looking at her right now na nahihirapan ay talagang nakakabahala.
Sya nga nahihirapan pano nalang kaya ako?
Masasabing hindi patas ang sitwasyon. Depende sa exskill ang magiging resulta. Sadyang unfair na sa simula pa lang ang mundo. Well... It's not like gusto ko talaga maging President.
Sumunod si Lila Sotniuq. Bago pa nya simulan eh nag-back out na sya agad. Wala daw laban ang powers nya.
"Mag-ba-back-out nalang po ako Hehehe.. Ayaw ko po maging fried bird. Hindi pa ako ready" biro nya.
Sumunod si Gino Smith. Walang laban ang exskill nya dito. Nasunog lang ang mga dahon na pinang-ataki nya sa mga ito.
Sumunod si Senon Lowenthal. Madali nyang tinalo ang mga ito gamit ang kanyang yelo. As expected. Galing. Sanaol. -_-
BINABASA MO ANG
ALVAACAD: Boiling Point Arc
RandomA world where extraordinary people exist! People with superhuman abilities... Is it magic? A science? Mix? Who knows? But, they call it ExSkill. Fire, Gravity, Petrification, Solar, Float... and more extraordinary skills that Extraordinary Human Bei...