Chapter 21: All Is Well

24 3 0
                                    


DY GRIMONY's POV

"Curfew?" Isang totoong chismis na bumabalot sa buong sulok ng Citadel.

Nakakatakot.

Nakakaginbal.

Nakakapanindig balahibo.

Ang dahilan kung bakit may curfew ay dahil sa mga nawawalang tao sa Calm.

Curfew. Kulto. Villains. Kidnappers. Mga bukambibig ng mga tao ngayun sa River.

Sana mahuli na sila at sana makauwing ligtas ang mga biktima. Mas dumagdag pa ang takot ng mga tao dahil palagi nilang pinag-uusapan ang tungkol sa mga 'yon.

Madaming 'what if'. Madaming bashers sa government at sa mga ProHeroes... bakit daw nila pinapatagal ang paghuli sa mga sangkot. Hindi mapakali ang mga tao. Natatakot na sila.

"Wala naman sigurong dapat ikabahala sa inyo, diba?" reassure ni Seth.

Nasa may ilog kami, sa mismong ilog, tambay, at nagpapahangin while umiinum ng kape. Sunday ngayun kaya lumalanghap kami ng fresh air. Maganda ang view sa ilog sobrang refreshing at super calming.

Madalas tambayan ang ilog dito kasi halos magpunta ang mga kabataan para maglaro, maligo o magpahangin. Malinis ang ilog namin unlike sa Roots.      :P

"Narinig ko yung exskills daw ng mga missings ay fire/heat base. Mag ingat kayong dalawa" - paalala ni Azure sa'min.

"Huh?! Bakit need nila mag-ingat? Light ang exskill nila, Azure" - Seth

"Nakalimutan mo ba? Hindi lang light ang category type ng exskill nila may heat din!" paalala ni Azure sabay irap. May naririnig akong kunting 'worry' sa tinig nya.

Naguhitan ng pag-aalala ang magandang mukha ni Seth ng ma-realize nya kung papaano namin nagawang painitin yung nilalamig nyang kape kani-kanina lang... -_-

"Alam kaya ng kidnappers ang exskills ng mga taong dudukutin nila?" - Maye

"I just wish na hindi" - Sol

"Starting tonight 10 pm may curfew na. Magro-roaming ang mga tanod at pulis. Humingi narin ng tulong ang Fae sa Crown-Imperial" pahayag ni Azure

Infairness.. mabilis sumagap ng balita ang isang Azure.

"Ibang level na ata ang pagka chismosa mo, Azure!" Exclaim ni Seth

Binigyan siya ni Azure ng look. "Alam mo minsan napapatanong ako sa sarili ko kung bakit kita gusto"

Whoa?! Direct confession?!

"Gusto?" - Seth

"Yup! Gustong tirisin!" - Azure

But as always.. dinudugtungan nya ng joke -_-

Isang genuine na amusing smile ang ipinakita ni Seth. "Ikaw? Titiris sa'kin? If yan ang plano mo better drink more milk and perhaps more vitamins para tumangkad ka naman ng kaunti.."

Booom! Natawa kami dun. (A/N: Wag gayahin si Dy)

"Shut up! If hindi kita matiris well then gagawin nalang kitang bato!" Banta ni Azure. "O ano?! Laban ka?!"

"Laban laban o bawi bawi" kanta ni Sol.

"Baka mabawian ka ng buhay, Sol, tumahimik ka nalang dyan" saway ko.

Tinignan ako ni Sol na may pokerface saka sya umirap.

Na-feel ata ni Maye ang tensyon kaya sumaklolo sya. "Guys! Wag naman kayong mainit! Dapat ang mainit eh yung kape lang"

Teka...! Kelan pa natutong mag joke si Maye?!

Kinuha ko ang baso ng kape tas ininum. Ang sarap ng kape kahit may kasamang langgam pa! Nilalanggam kasi.

Isang tunay na ngiti ang naguhit sa aking labi ng malasap ko ang paborito kong pampanerbyos.

"Mmm~ lasang lasa ko pa rin yung coffee... kahit... medyo maasim"

"Maiba tayo may curfew talaga? Paano na ang laro?" change topic ni Sol

"Oo nga noh? Paano na yun? Mahina pa naman ang signal sa mga bahay natin! Promo dias na ngayun sa ml!" - Seth

"Promo dias?" Clueless si Maye.

Umirap si Azure. "Maye, taga Neptune ka ba? Napaka-clueless mo sa ganap sa paligid"

"Pwede naman sa brawl. Mag-brawl lang muna tayo. Kahit mahina signal basta magawa lang natin yung task for promo dias" - Sol

"Hay! Bilib talaga ako sa mga ml players na 'to kahit grabi na yung tension nagawa pang mag laro" - Azure

" Since nandito nalang naman tayo... 1 game? " - Seth

Yung 1 game naging 10 games.

Sa dami ng lose streak namin nakalintaan namin ang oras.

Hindi inaasahan ang pagdating ng dalawang Regalias. Kaagad kaming tumakbo at nagtago. Muntikan pa ngang may tsinelas na maiwan at muntikan na rin na may mahulog sa kanal. Nagtago kami sa hidden spot sa likod ng higanting pader.

"Sol, Dy, squat over baka makita kayo!" Babala ni Azure.

Kami nina Mama at Sol umiilaw kami sa dilim.

Alam ko ang weird. Glow in the dark. Buti nalang talaga hindi gaanong bright ang glow pero hindi yun rason para hindi kami dapuan ng insekto kaya nag-spray kami ng isang uri ng organic repellant sa katawan para hindi kami lapitan ng mga insekto o lamok.

"May binubulong ang hangin..." yung tono nya from curiosity... " may nagtatago" to disappointment.

Halos huminto ang paghinga namin.

Kalokang hangin may bibig?!!

"Ano?! Tsk! Ayoko pa naman sana mag engage sa combat" ani ng isa.

Base sa boses; isang lalaki at isang babae.

"Show what's hidden!" Utos ng lalaking Regalia.

Mga ilang seconds lang ay itinulak kami ng hangin palabas sa pinagtataguan namin.

Kalokang hangin may kamay?!!!

Madilim na except sa faint glow naming magkapatid. Naglabas ng lampara ang Regalia at inilawan kami. Narinig namin ang pagbugtong hininga nila.

"Anong oras na? Hindi ba kayo aware sa curfew?" Tanong ng babaeng may hawak ng lampara.

"Tsk! Teenagers!" Sabi nung isa na may disappointed voice.

Nag double check kami. Ang gwapo at ang ganda nila at ang elegant ng kanilang Regalia uniforms. All black!

Oh well... maraming regalia sa Moss pero bakit itong dalawa parang nagiging iba ang dating kapag sila ang nagsuot ng regalia uniform? Mapapa-wow ka talaga!

Buti nalang medyo mabait ang dalawang Regalia na ito kundi.. baka pinarusahan na kami. First warning lang ang natanggap namin hanggang 3rd warning lang daw at kapag naulit pa ay mapaparusahan na talaga.

Kaagad kaming nagpaalam sa dalawa. Inilihim namin sa mga kapitbahay at sa mga magulang namin ang tungkol sa nangyari. Kilala ko ang mga taga-Ilog for sure pagchi-chismisan na naman kami.

So, binabantayan ng dalawang Regalia ang River Side Green Ville? I think, it's an assurance na diba?

***

I hope you enjoy today's chapter.

Remember you are important. Smile and live.

⊂⁠(⁠◉⁠‿⁠◉⁠)⁠つ Take care, everyone!

To be continued....

Susunod: Fireworks

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALVAACAD: Boiling Point ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon