DY GRIMONY's POV
"Paki-pass na lang ng papel ko hah? Salamat"
"So wala kang kamay ganun? "
"FYI! Pupunta ako sa CR! Total ikaw naman ang Class President kaya ikaw na ang mag-pass!"
"1 hour ka talaga dun?"
"Mabuti ng advance mag-isi-"
"Tch"
"A. B. A. ? Alam mo badtrip ka talaga! Akin na lang yung 'salamat' ko!"
"Sayo na yang 'Salamat' mo! Hindi ko kailangan yan!"
"Ma-karma ka sana! Yawasap!"
Sa huli si Senon ang iniwanan ko sa aking mga sagot total sya naman secretary. Nag-excuse ako sa kanya, nililista nya kasi ang attendance at ang mga noisy, pagkatapus pumunta na ako sa banyo.
Tama.
Nagtungo lang ako sa banyo hindi ko inasahan na magiging ganito pala ang sitwasyon. Anong sitwasyon? Ito basahin nyong mabuti..
"Ikaw si Dy Grimony?"
Pamilyar ba sa inyo ang linyang yan?
"Uh.. Oo? Bakit? Anong kailangan nyo?"
Tinitigan ako ng babae mula ulo hanggang school shoes.
Wait... Parang familiar ang eksenang 'to. Saan ko ba nakita ang ganitong eksena?
"So, ikaw pala yun?" May mataray na attitude ang babae pero yung mukha nya mukhang anghel.
"Huh?"
"This is a warning. Don't you dare repeat your awful actions against Ish! If ayaw mo ng gulo & enemies here sa campus!"
"Anong pinagsasabi mo? Paalisin mo yang mga friends mo, pwede ba? Nakaharang sila hindi ako makalabas!"
Embes umalis sa pinto ng CR hindi sila gumalaw sa kinatatayuan instead namewang lang sila. Yumuko ako at napaisip. Aba, aba, aba. Eksena 'to galing teleserye!
"Hey! Witch, look at me!"
Napatingin ako sa babae. "Witch?!" Ang lakas ng loob para tawagin akong witch?! Nakaka-offend ah! Ako? Witch?!
Ngumisi sya saka nag-cross arm.
"Yup! You're a witch! You're the one who hurt Ish! How dare you?! Ang lakas ng loob mo sampalin sya! I'm warning you! Kapag inulit mo ang pang-aaway sa kanya ako ang makakalaban mo. Remember that!"
"Well.. well... well... excuse you? A bit of advice, don't bother me or else... you'll be bothered" I said with a smirk.
Nagtaas sya ng kilay at ngumisi rin. "Oh? Really? If that's the case then.. be friends with fear"
Itinulak nya ako ng mahina sa sobrang hina 'di man lang ako napaatras. Lol. Pagkatapus gumamit sya ng exskill para takutin ako. May lumabas sa katawan nya, mga umiilaw na moving creatures! Projectiles ang mga ito na somewhat anyo ibon at nagpro-produce ng tunog. Yung tunog? Huni ng mga ibon. Nilibutan ako ng mga ibon. Nakakasilaw ang liwanag nila pero immune na ako dyan.
"Know that if you made a move that displeases me.. this school will be your Gehenna. That's all! I just hope I won't be seeing your ugly face often! Bye! "
Umalis sya pagkatapus mang-away. Sumunod yung mga alalay nya.
Sino ba sila?
Inaakala ba ng mga fangirls na yun na masisindak ako? No way! Umulit lang sila at talagang makakatikim sila sa akin.
BINABASA MO ANG
ALVAACAD: Boiling Point Arc
RastgeleA world where extraordinary people exist! People with superhuman abilities... Is it magic? A science? Mix? Who knows? But, they call it ExSkill. Fire, Gravity, Petrification, Solar, Float... and more extraordinary skills that Extraordinary Human Bei...