Chapter 19: Ish

16 3 0
                                    


DY GRIMONY's POV

"Napansin ko lang Miss V.P...."

"Ano yun, Lila?"

"Panay ang tingin mo kay President Ish.. Hmmmm... type mo ba?"

"Gusto mo ng sunbur-?"

"Alam mo bagay kayo~ :> "

Binigyan ko sya ng 'displease' look pero wala lang yun sa kanya. Ganito ba talaga sya ka clueless? Hindi nya ba ramdam na gusto ko na sya prituhin?!

Nagsialisan na ang iba paalis na rin ako pero humarang si Lila. May death wish ang ibon na 'to. Gusto siguro maging fried bird.

"Ano ba ang nakain mo't naisip mo ang bagay na ya-?"

"Fried chicken?"

Aba! Inalala talaga kung ano ang nakain?!

Umirap ako tas nagsalita ulit. "Impossible ang sinasabi mo. Hindi ko sya typ-" pero pinutol nya na naman.

"Ano nga ba yung tawag sa ganitong estado ng love?"

"Estado ng ano?!"

"Haaaaay. Nakalimutan ko! Maalala nga.. Hmmm... Dial stage..? Dialing Stage? Ano ba.... Aha! Denial Stage! Yun yun! Ang galing mo, Lila! Hehe" sabi nya sa sarili at sumayaw sayaw pa.

Denial stage ?!!

Wait lang. Maiba tayo. Anong sayaw ang sinasayaw ni Lila? Yan ba ang bagong uso ngayun?

"Bahala ka sa buhay mo! Maiwan na ki-"

Bago pa ako makaalis humarang sya sa gate.

"At san ka pupunta?"

"Wala ka na dun"

"Why naman? Hmmm... Wag mong sabihin... pupuntahan mo ang Pangulo ng buhay mo?"

Pangulo ng buhay mo!?

"HUH?! Baliw ka ba?! Ang cringe!"

"Ayieeee~ kinikilig? Kinikilig na yarn~" mahina nya akong siniko sa tagiliran. "Ang haba ng blonde hair mo Gurl at talagang ang pogi ng magiging.. future boyfie mo"

Ako ba talaga ang kinikilig o sya?

Hindi ko nalang pinansin. I leave her with her theories and imagination.

"Ay.... deadma?"

Palabas na ako ng gate ng biglang lumakas ang ihip ng hangin. Tinangay ng hangin ang mga nalagas na dahon mula sa mga puno. Sinundan ko ng tingin ang mga dahon kung saan ito papunta.
Parang nagsayawan ang mga ito. Dinala ng hangin ang mga dahon sa pond.

"Teka? Si Ish ba yun?" Turo ni Lila sa figure na nakaupo sa ilalim ng punong may itim na dahon. "Si Ish nga!"

Nakatalikod si Ish sa aki- sa amin ni Lila. Basi sa position ng ulo nya hindi sya sa pond nakatingin kundi sa dagat. Sobrang ganda pagmasdan ng dagat lalo na kapag nasa mataas na bahagi ka gaya nalang dito sa school namin na medyo highland.

Ano kaya ang nasa isip ni Ish ngayun? Siguradong may gumugulo sa isip nya. Pano kasi.. ni hindi nya man lang inalis ang dahon, na nilipad ng hangin, na napunta sa ulo nya. Jeeez.


ISH MOTRANGA's POV

Aphrody.

Yun pala dapat ang name ni Dy? Ano naman kaya ang sa akin?

"Ngayung hapon magsusulat tayo ng isang sanaysay tungkol sa pinagmulan ng inyong mga pangalan. Isulat nyo ito sa inyong kuwaderno"

Wait--- Seriously? I'm having a flashback!? Fr?!

ALVAACAD: Boiling Point ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon