Chapter 14: White Lady

24 8 0
                                    

💡Formes - tawag sa namamahala bawat Area.

~~~~~

ISH MOTRANGA's POV

Pagdating sa River Side pinahiram ako ni Sol ng tsinelas at lumang damit. Nalaman namin na umalis ang Nanay nila. Nag-iwan lang ito ng mga instructions.

Sinamahan ko si Dy na bumili ng inihaw doon sa may plaza. Niyaya kasi kami ni Sol na dito nalang mag-dinner.

Grabi talaga mga tao noh? Basta may dayo talagang tititigan?

"Dy, kumusta? Bihira ka nalang lumabas, nga pala napag-isipan mo na ba yung offer ko sayo? Last year pa lang yung deadline" - lalaking naglalaro ng basketball, napahinto sya ng makita si Dy.

"Junjun, sya ba yung sinasabi mo? Infairness maganda"

"Ako pa! Kilala nyo naman ako diba? Hindi naman ako lowlife na kung sino sino lang ang o-offeran ko maging jowa" pagyayabang niya.

Huh?! Ano daw?!

Umirap si Dy, hinatak nya ako para umalis na kami pero pinigilan kami nang Junjun.

"Teka? San ka punta? Kinakausap pa kita ha"

"Hindi kita gustong makausap! Pwede ba lubayan mo ko!? "

Napa-ows ang mga kasamahan ni Junjun at nagtawanan. "Pinsan, under the saya ka pala? Hahaha! Akala ko ba nobya mo na yan? Niloloko mo lang pala kami eh"

Bumugtong hininga si Junjun, "Alam mo, Dy, hinahabaan ko lang ang pasensya ko sayo dahil gusto kita maging girlprend kaya pwede ba wag kana magmatigas?! Alam mo, lahat ng mga babae dito sa River gusto ako maging nobyo pero ikaw na nga itong ino-offeran ikaw pa may ganang tumanggi?!"

Napataas ako ng kilay.

Umirap si Dy. "Ang taas ng tingin mo sa sarili! 'Kala mo ba lahat ng babae magkakagusto sayo? Mag-decrease ka ng kunti sa pagiging assuming mo!"

Napa-ows na naman ulit mga kasama ni Junjun. Halatang napahiya sya. Akmang sasampalin na nya si Dy pero bago pa mangyari yun nasuntok na sya ni Dy sa mukha! Napa-ows kaming lahat. Bumagsak si Junjun sa lupa na may dugong ilong. Talagang masakit yun!

Tumayo si Junjun at akmang susugod ulit ng bigla umilag si Dy, namudmud tuloy si Junjun sa putikan.

"Oooowwwww!" - kaming lahat

Ngayun ko lang nakita makipag-hand to hand combat si Dy at masasabi kong... "Not bad"

Hindi sya yung talagang mahusay gaya ni Brace Lee at Jinky Chan pero masasabi kong may talent sya.

"Pre, ganito ba talaga si Dy sa River?" Kinalabit ko yung nagpupustahang tambay.

"Oo! Always ganito! Always nga dumadami pera ko kasi sa kanya ako tumataya"

"Huh.."

Labis na nagalit si Junjun at agad nagtransform!

"Iron Man?!" - Na shock ako sa transformation nya!

Mala-iron man ang exskill ni Junjun yun nga lang low budget kaya metal man na lang.

"Kaya mo yan, White Lady!" Cheer ng mga tambay na nag-iinuman

White Lady?!

"Go! White Lady! Go! Go! White Lady! Wooooo!" - tambay na nagche-cheer dancing.

Teka..... SAN GALING YUNG POMPOMS!?

Nakita kong disappointed na bumugtong hininga si Dy at maya maya pinaloob si Junjun sa isang dilaw na sphere.

Ikinulong nya ito! Dumaing sa sakit si Junjun! Nasaksihan naming lahat ang unti unting pagtunaw ng kanyang metal na balat.

Heat? Wait-- kaya rin nila mag radiate ng heat?! Hindi lang pala liwanag at heal ang exskill ng mga Grimony?!

Maya maya pa ay sumuko ito. Later dumating ang pamangkin ng Formes.

Formes - tawag sa namamahala bawat Area.

"Anong gulo to? Dy? Junjun? Kayo na naman?! Alam nyo hah halos araw araw nalang kayong nag-aaway!"

"Eh kasi itong si Junjun ayaw sumuko! Sabi ko wag na ako mahalin eh! Napaka-ambitious!"

"Dy, alam mo naman kung gaano kita kamahal!"

Oy?

Parang.... ang corny..

"Hiniwalayan ko ang trese kong nobya para lang sayo!"

"Pwede ba? Wag mo ko mahalin! Magmahal ka nalang ng iba!"

Umiyak si Junjun tapos sinamaan ako ng tingin. "Dahil ba sa kanya?!" Galit nya akong itinuro. Lahat ng tao napatingin sa akin. Agad akong nagtaas ng kamay. "Dahil ba sa lalaking to kaya hindi mo ko magawang mahalin?!"

Binigyan namin sya ng seryoso kaba look!  Ba't ako nasali? Grabi na ang imagination ng lalaking to.

"Hoy! Lalaki! Ano bang nagustuhan sayo ni Dy?!"

"Uh... nagkamal-"

"Naku naman! Hindi ba obvious?" - Mang 1

"Obvious ang alin?" - pamangkin ng Formes

"Ang gwafu nya kaya.. kyaaa~!"  - Mang 2

"Ow Em Jay! My new ship! Canon na yarn!" - Mang 3

"Huh? Anong canon2x?" - pamangkin ng Formes

Bumugtong hininga si Dy saka sinipa sa likoran yung tatlong mga Manong. "KIMIHAMUT! Hindi ko nobyo ang lalaking yan!"

Hindi ko napansin na madilim na pala, dun ko lang napansin na.. . ang buhok ni Dy .. umiilaw? Lumiliwanag?  Glow in the dark?!!

Bumugtong hininga ang pamangkin ng Formes. "Alam nyo, sinisikap ko ma-maintain ang peace and order dito sa River Side dahil wala si Tita para bantayan kayong lahat! Ayokong makarating sa Heran ang mga kaguluhan na 'to! Hinahabaan ko rin ang pasensya sa inyong lahat lalo na sa inyo Junjun at Dy! Kung ayaw nyong mahatulan sa District Hall mabuti pa tumigil na kayo sa kakaaway nyo! Alam nyo ba na ginagamit nyo na ang exskills nyo para makapaminsala at makasakit?! Nalimutan nyo ba na bawal sa batas yan?!! Kung nasa main city tayo malamang sa kulungan na bagsak nyo!"

"Pasensya na, Ling. Ito naman kasing si Junjun ang kulit! Hindi naman mangyayari lahat ng to kung hindi nya ako kinukulit! Pumunta lang ako dito para bumili ng inihaw hindi ko naman plano na makipagbasag-ulo eh! Kahit tanungin nyo pa si Ish!"

Napatingin na naman silang lahat sa akin at ulit napataas ako ng kamay.

"Oi! Wag mo ko isali!" Mahinang bulong ko.

Umirap ang pamangkin ng Formes. "Husto na! Last na to! Kapag naulit muli ang away na to talagang paparusahan na kayo! Sana ma-gets nyong dalawa" tiger look nyang tinitigan sa mata si Dy tas nilingon si Junjun, tinaasan nya ito ng kilay. "At ikaw naman, Junjun, wag mo pilitin ang babae na mahalin ka! Kapag nalaman ko muli na kinukulit mo na naman si Dy parurusahan ka ng District Hall! Gets mo?" Tumango ng mahina si Junjun.

Umirap ang pamangkin ng Formes saka kinuha yung mga pera na tinaya nila sa dalawa at pinagalitan ang mga nagpustahan.

Huminga ako ng malalim tas nilapitan si Dy. "Oi, okay ka lang?"

***

KIMIHAMUT means TUMAHIMIK..

Susunod: Dy & I

Check the chapter title INFO para sa mga title ng mga notable people sa aking story.

~vote, comment, & share. Appreciated! <3

~thank you >33

ALVAACAD: Boiling Point ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon