Chapter 20: Thermal

24 4 0
                                    

ISH MOTRANGA's POV

Where: At Roots

Lumabas ako ng bahay balak ko tumambay sa 'kuwayanan'. Isa yung lugar sa Roots kung saan maraming bamboo trees, masarap ang ihip ng hangin, mainam tambayan, at gawing play ground ng mga bata.

Madilim na ang paligid.  Nakaka-shock na buong araw ko ginawa ang bagay nayun?! Ano ang bagay na yun? Secret~

Hmmm.. san kaya pwede tumambay dito? Marami rin kasing tambay dito. Kung sa may sapa naman okay... kaso walang magandang maupuan doom tas mabaho madaming hawla ng baboy. Kung sa may waiting shed naman sobrang open. Kung doon sa kabilang kalsada open din so naisip ko doon nalang sa may tindahan ni Mang Nestor na located lang din dito sa Kuwayanan, open area pero may pwede mapagtaguan. Nagtago ako sa likod ng truck, may malaking kahoy na mesa at upuan.

Nagscro-scroll lang ako pampalipas oras, hindi ko inasahan ang paglitaw ng isang newsfeed na nakakabahala.

1.43 Citadel Radio Page

"5 people in Calm City went missing!"

1k Comments

Sol Grimony: 😭
😢9

Fallen Sinclair: like i care?!
❤️3 😡124k

Gin Lobster: Pssst! Fall, mind your comment madaming netizens!
❤️2

Yang Emerald: Scary news! 😱
❤️3

Yin Emerald: 😴
❤️3

Dy Grimony:  😡
😢1

Maye Los Pobres: Mag-ingat ho lagi.
❤️1

Azure Mercantino: Stay safe.
❤️10

Seth Mikazuchi: Just be careful.. with my heart.. charr hehehe. Joke😅 peace
👍1 😠37

view previous comments...

"Nakita mo na rin pala? Yan ang bali-balita ngayun. Maging alerto ka" bulong ni Kuya Lito. Kararating lang nya at kasama nya si Kuya Rin.

Napahawak ako sa puso dala ng pagkagulat. "Hindi ba uso sa inyo ang 'privacy'?" Kung makasilip kasi sa cellphone ko 'kala mo sa kanya.

Nagkibit balikat lang sya tas umupo sa tapat ko at naglaro ng video games.
Tumabi si Kuya Rin sa akin at binasa ang trending sa social media.

"Nakakabahala!" comment nya.

As in literal nya talagang kinuha ang cellphone ko tas nag-comment sya sa comment section ng post.

Grabi sila :'(

"Kidnapan?" Tanong ng kararating lang na si Kuya Clen. Kumakain sya ng isaw at kasama nya ang kanyang nakababatang kapatid.

Daming dumadating ah. -_-||

"Kuya, sabi ni Teacher mag-ingat kami kasi yung mga kidnappers mga kulto raw"

Kulto?

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa snatcher saka siya binigyan ng masamang tingin pero hindi natakot ang troll.

Natawa si Kuya Clen. "Ang boomer ng mga teachers nyo! Naniniwala pa sila sa mga ganun? New age na ngayun. Pambihira!" Yung tawa nya tela ba may kaharap syang clown.

ALVAACAD: Boiling Point ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon