Kabanata 1

23 2 0
                                        

Kabanata 1
Pahabaan ng Pasensiya


Vincenzo Lodovico's P.O.V

"Good morning, SIR VINCENZO!" Maingay na pagbati nu'ng sekretarya ko, iyong ipinasok ni Dad kahapon.

"Morning." Walang buhay na pagbati ko sa kaniya saka ako nagtuloy-tuloy papasok sa opisina ko na kaniya ring ginawa habang nakasunod sa likuran ko.

"Sir, mayroon kang meeting with the photographers mamayang 9 o'clock at doon na rin nila itatanong sa'yo kung anong designs ang ilalagay mo ngayong buwan para sa i-pu-publish nilang mga magazines. Kasama rin sa meeting ang creative team," Mahaba niyang litanya saka inilapag sa lamesa ko ang mga papeles na kailangan kong basahin at pirmahan para sa araw na ito.

"Mukhang alam mo na agad ang takbo ng kumpaniya ko ah?" Nakataas ang kilay na pagtatanong ko na kaniya namang ikinangiti ng pagkatamis-tamis, abot hanggang tainga pa kasi ang kaniyang ngiti at halos lumabas na ang kaniyang gilagid. Kitang-kita tuloy iyong chocolate na nadikit sa ipin niya. Tsk. Ang aga-aga, tsokolate agad ang kinakain niya.

At dahil wala akong pakialam sa kaniya ay hindi ko sinabing may tinga siya. Bahala siya sa buhay niya, ano.

"That's part of my job, sir, ang alamin ang takbo ng kumpaniya mo para alam ko kung paano ka matutulungan." Proud na aniya that's why I just momentarily looked at her, then continued signing the papers in front of me.

Bago sana niya inalam ang takbo ng kumpaniya ko ay inayos muna niya ang sarili niya, ano! Psh! Napaghahalataang workaholic siya, ah!

"Nalibot mo na rin ba ang kabuuan ng kumpaniya?" Pagtatanong ko. Malay ko ba kung pumasok siya ng 4 a.m at naglibot sa kumpaniya hindi ba? Psh.

"Hindi pa, sir, pero naaral ko na ang blueprint na ibinigay ni Sir Venturo kagabi," pagsagot niya.

"I see..." Komento ko saka siya muling tiningnan mula ulo hanggang paa at masasabi ko na iyan siguro talaga ang taste niya sa fashion!

She looks like "Ms. Minchin" from the movie "Princess Sarah." Her hair was tangled in a low bun, as she was wearing a circular eye glasses and her face was like Ms. Minchin—laging nakakunot-noo at mataray tingnan. Then for her clothes, she was wearing an old-fashion, colorful long sleeves na ang luwag-luwag naman sa kaniya. Nakatuck-in pa ito sa oversize niyang kulay brown na trousers, tapos ang sapatos niya ay kulay black na vintage shoes. Ang baduy lang.

"Are you done, scanning MY WHOLE BEING, SIR?" May diin ang bawat salitang binibitawan niya kaya naiiwas ko ang tingin sa kaniya. "If you're done, then let's proceed with the other meetings you need to attend this morning." Parang nang-uutos na aniya.

"Cancel all of my meetings this morning. Masama ang pakiramdam ko, alam ko naman na maayos na mahahawakan ng creative team ang paggawa ng mga designs para sa January MonteMag." pag-uutos ko sa kaniya pero tinaasan niya lamang ako ng kilay. "I said---"

"I said, may meeting ka with the photographers mamayang 9 o'clock kasama ng creative team and may meeting ka sa mga models mamayang 11 o'clock," dahan-dahan na aniya na ikina irita ko. Hindi dahil pinutol niya ang sinasabi ko, kundi dahil tila inuutusan pa niya ako ngayon.

"Hindi ba't sinabi ko na i-cancel mo?" Pagkontra ko sa kagustuhan niya.

"Hindi rin ba't sinabi ko na a-attend ka?" Mapilit na aniya na mas lalo kong ikina-inis.

YOU'RE THE ONEWhere stories live. Discover now