Kabanata 6

6 1 0
                                        

Kabanata 6
Naguguluhang Damdamin

Vincenzo Lodovico's P.O.V

"Ah, sir!" Hinabol ako ni Vin kaya tumigil ako't hinarap siya. "I just want to clarify everything. Last night, I wasn't crying because of your situation but because of my allergic reaction-I'm allergic to any kind of flower, sir, so I'm sorry if you misinterpreted me last night." Mahabang litanya niya na ikinatuod ko sa aking kinatatayuan.

Oh lupa, kainin mo na lamang ako!

Nakakahiya! Buong akala ko ay umiiyak siya dahil sa nangyari sa akin!

"A-ah, I-I see...I-I'm sorry, then, for saying those things to you. A-ayoko lang kasing nagmumukhang kaawa-awa sa ibang tao dahil kapag gan'on ang nararamdaman ko, parang ang dating nito sa akin ay minamaliit nila ako." Nahihiyang paliwanag ko dahil kung tama ang pagkakatanda ko ay kung ano-anong mga salita ang sinabi ko sa kaniya kagabi!

"It's okay, sir. I understand where you're coming from. I hope you're okay now, though I know you're not." Isang matamis na ngiti ang iginawad niya saka siya nagpaalam. "Sige, sir. Kita na lang tayo sa opisina." Pagpapaalam niya na ikinatango-tango ko na lamang saka siya awkward na nginitian.

Nang tinalikuran niya ako ay dali-dali na rin akong tumalikod at naglakad patungo sa sasakyan ko habang naka kagat-labi, nakakahiya talaga 'yung ginawa ko!

Ako na ba ang dakilang asumero ng taon?

NANG makarating ako sa opisina ay hindi na kami nag-abala pa sa anumang gawain dahil agad na naming inumpisahan ang aming takdang proyekto para sa araw na ito.

"Rico, may
I see your edits?" Pagtatanong ko sa kaibigan na kaniya namang sinagot nang iabot niya sa akin ang Ipad na kaniyang gamit-gamit sa pag-e-edit.

Matapos kong matingnan ang mga litratong kaniyang in-e-edit ay agad ko ring ibinalik sa kaniya ang kaniyang Ipad, tinapik ko pa siya sa balikat at sinabing, "Nice, I like it." Papuri ko na ikinangisi niya, iyong ngising proud na proud sa kaniyang ginawa.

Sumunod ko namang tiningnan ang photoshoot na nangyayari sa loob ng aming personal photoshoot studio (PPS).

"Sir Montealegre, akala ko ba sa Batanes tayo!" Nakasimangot akong sinalubong ni Rachel.

"Oo nga, Mr. Pogi! Akala ko naman makakabyahe ako na kasama ka!" Nakalabi namang komento ni Love na akala mo ay nagpapasuyo sa akin. Buti na lamang ay kasalukuyang nililitratuhan si Sab dahil kung hindi ay isa pa 'yun na sisimangot sa harapan ko.

"I'm so sorry, ladies. Hindi naman kasi ako nagdedesisyon ng ating location, but if we will have another shoot together ay sisiguraduhin kong sa Batanes na iyon." Pampalubag loob na aniko kahit na wala namang katotohanan ang mga iyon.

Ang kailangan ko lang gawin ay makipagplastikan sa mga taong ito dahil kung susungitan ko sila ay para ko na ring hinukay ang lilibingan ko.

Bakit?

Dahil once na makagawa ako ng pagkakamali sa kanila-iyon bang masaktan ang damdamin nila ay i-c-call out na agad nila ako sa kanilang social media accounts upang pagpiyestahan ng mga supporters nila. Gan'on kasi lagi ang ginagawa nila sa kanilang mga socmed-nangba-bash gan'on. Well, hindi naman na iyon bago para sa mga celebrities and vloggers na katulad nila, karamihan kasi sa kanila ay clout chaser na lang ang ginagawa para kumita. Wala namang talent.

YOU'RE THE ONEWhere stories live. Discover now