Kabanata 10

2 1 0
                                    

Kabanata 10
Giovanni's Ex-Lover

Vincenzo Lodovico's P.O.V

Matapos kong kausapin si Nico ay nagtungo na ako sa kinaroroonan nila Dad upang magpaalam na rin, na aalis na ako.

"CONGRATS, SON!" Tuwang-tuwang papuri ni Dad nang salubungin niya ako habang marahan niyang tinatapik-tapik ang aking balikat. Isang matamis na ngiti na lamang ang aking naisagot sa kaniya.

"Napakalakas ng swerte ng anak mo, Venturo!" Komento ni Mr. Del Valle saka sila nagtawanan ni Dad.

"Aba, oo, naman! Mukhang dinasalan na kasi ng anak ko lahat ng Santo para lang manalo ngayong araw!" Pagkantiyaw naman ni Dad na ikinatawang lalo ni Mr. Del Valle kasama ng mga iba pang businessman na nasa paligid nila.

"Dad, I'll go ahead. " Pagpapaalam ko sa gitna ng kanilang usapan dahil kinakailangan ko nang mananghalian at saka pumasok sa opisina.

"Oh, aalis ka na? Aba, sabi ng iyong ama ay magkakaroon pa tayo ng munting salo-salo dahil sa iyong pagkapanalo, ah?" Pagkomento naman ni Mr. Lauchengco—ang tatay ni Giovanni.

"A-ah, eh, pasensiya na po at hindi ako makakasama dahil may emergency sa kumpaniya ko. " Pagrarason ko na ikinatikhim ni Dad saka niya ako pinanlisikan ng mga mata—marahil ay gusto niyang bawiin ko ang aking tinuran kaya't magrarason pa sana akong muli nang pumagitna sa usapan si Mr. Del Valle.

"Payagan mo na iyang anak mo, Venturo, talagang hindi mo maiaalis sa kaniya ang pagkadedikado nito sa kaniyang kumpaniya." Litanya ni Mr. Del Valle na talagang ikinatuwa ko ng husto, pasimple ko pa siyang pinasalamatan at isang ngiti at tango lamang ang kaniyang naigawad sa akin.

Matapos iyon ay bumaba na ako sa Grandstand at naglakad patungo sa parking lot na nasa likod nito. Sa aking paglalakad ay samu't saring mga kakilala ang aking nakakasalubong. Bati rito, bati roon, papuri rito, at papuri roon ang natatanggap ko hanggang sa isang bulto ng tao ang nakaagaw ng aking pansin. Tila ba mayroon itong kausap dahil animo'y nakikipagsagutan siya habang nagsasalita. Kasalukuyan din kasing magkasalubong ang kaniyang kilay at nakakunot ang kaniyang noo, habang ang kaniyang mga mata ay kakikitaan ng iba't-ibang emosyon—naroon ang titig ng pagkagalit, titig ng kalungkutan, titig ng nasasaktan at ang pinakanangingibbabaw sa lahat ay ang titig ng pagmamahal.

What the f*ck is he doing?

Halos mapamura ako sa aking isipan habang nasasaksikhan ang pagmumukha ni Giovanni. It's him. Hindi ako p'wedeng magkamali, si Giovanni ang taong iyon na animo'y broken hearted at pilit na nagmamakaawa sa kausap na magbalikan sila like...what the f*ck?! Really? For Pete's sake, he's wedded at may anak na sila ni Gracia. Hindi lang isa ah, kundi magiging dalawa na dahil sa ipinagbubuntis ni Gracia ngayon!

Sino iyong kasama niya? Tsk. Ba't ba kasi may malaking poste pa ang nakaharang d'un sa lugar na iyon! Hindi ko tuloy makita iyong pagmumukha nu'ng taong kausap ni Giovanni! Who is it? Is that his ex-girlfriend? Is it?

Dahil sa kinakain na ako ng aking kuryosidad ay tinangka kong lapitan si Giovanni pero naudlot ito dahil sa pagkagulat ko. Halos malaglag ang panga ko sa nasaksihan. Isang malakas at pulidong sampal kasi ang dumapo sa kaniyang pagmumukha dahilan upang pumula ito ng sobra. Matapos iyon ay isang bulto ng babae ang dumaan sa gilid niya at dali-daling sumakay sa black matte sports car na sakay nito.

I-is that Nico? W-what?! How come that they knew each other?

Hindi ako p'wede magkamali. Si Nico lang ang babaeng jockey sa karera kanina. S-so it means... ex-girlfriend ba siya ni Giovanni? Kung hindi naman ay bakit gan'on sila magsagutan ni Giovanni? Is that bastard trying to flirt with her even if he's married?!

YOU'RE THE ONEWhere stories live. Discover now