Kabanata 2
Yey! or Nay!Vincenzo Lodovico's P.O.V
WEEKS have passed and we all finished to prepare everything; the clothes, the design for pictorials, the cameras, the papers for publishing, and of course the social media pages that Vin created—umani na nga ito ng ilang milyong followers at likes sa loob lang ng ilang linggo. Dahil doon ay i-pinost na rin ni Vin lahat ng past pictorials na ginawa namin kasama na ng mga behind the scene videos na umani ng maraming papuri mula sa mga netizens.
Sa kaunting panahon pa ay sa tingin ko mababawi ko roon ang nailugi kong pera na ginastos namin for November and December MonteMag last year. Sana kumita ang January MonteMag namin ngayon at magboom sa masa para naman mapatunayan ko ang halaga ko, hindi lang kay Dad, kundi pati na rin sa mga kamag-anakan ko.
"Ang lalim naman ng buntong hininga mo, sir." Komento ni Vin sabay lapag ng jolly burger sa harapan ko. Tiningnan ko iyong burger saka ko siya tinaasan ng kilay. "Nauubos na kasi nila, sa pagkakaalam ko ay one burger for one person ang in-order mo kaya ayan na ang para sa'yo." Pagpapaliwanag niya.
"Thank you," pagpapasalamat ko.
"No worries, it's my job to feed my boss, right?" Mataray niyang aniya kaya nginiwian ko na lamang siya bago kinagatan iyong burger na ibinigay niya. Kahit kailan talaga ay napakataray nitong babaeng ito, kala mo laging may buwanang dalaw!
"Sir Vincenzo! Vin! Tara kanta tayo!" Tuwang-tuwa na pagtawag sa amin ni Eliseo kaya dali-daling lumabas si Vin ng opisina ko. Teka, marunong siyang kumanta?
Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko sila, nagtungo kami sa may conference room na siyang ikinakunot-noo ko. Wala namang karaoke rito ah?
"Ah sir, for now ay DIY karaoke muna! Pero maganda ang mic ah, free shipping galing TikTok!" Bungad na wika sa akin ni Hazel na mas lalo kong ikinakunot-noo.
"TikTok?" Naguguluhang aniko.
"It's a popular social media platform or app that allows users to create, watch, and share videos. And today, in there new update ay p'wede ka na rin maging seller at shopper online through that app. Free shipping din minsan." Pagsagot ni Vin habang ngumunguya ng kinakain niyang burger.
"I see..." Pagsagot ko sa kaniya.
Hindi ko man lang alam na may gan'on palang klase ng app. Masyado na ata akong pokus sa loob ng kumpaniya ko at hindi man lang ako updated sa mga nangyayari sa paligid ko.
"Sir, pangunahan mo ang pagkanta!" Wika ni Eliseo pero tinanggihan ko siya. Hindi sa pangit ang boses ko, hindi ko lang feel kumanta ngayon kaya ang ending ay kay Vin napunta ang kantiyawan na siya ang maunang kumanta.
"Okay, fine!" Mataray na aniya at nagsearch sa YouTube ng kantang kaniyang kakantahin. Let's see if she knows how to sing! At kung hindi siya marunong kumanta ay mayroon na namang bagong pambully sa kaniya! Ha-ha-ha!
"Woah!" Pagkantiyaw nila sa kaniya nang makapili siya ng kantang kakantahin. You're The One ang title ng kantang kakantahin niya, though I'm not familiar to it kaya hindi ko alam kung sino ang kumanta.
"May fee ang pagkanta ko ah, bayaran niyo ako after nito." Mahanging wika niya na akala mo ay maganda ang boses. Naku lang talaga kapag wala sa tono ang babaeng ito ay maiiyak na lang ako sa tawa!
At hindi nga ako nagkamali! Sa unang pagkanta pa lamang niya ay pumiyok na siya kaagad kaya napuno ng halakhakan ang buong conference room pero hindi pa rin siya tumigil sa pagkanta hanggang sa unti-unti nang nasa tono ang boses niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/346053475-288-k718375.jpg)
YOU ARE READING
YOU'RE THE ONE
Roman d'amourIn the bustling metropolis of Bonifacio Global City, Vincenzo Lodovico Montealegre, a successful and charismatic executive, thrives in his high-powered corporate world. With an ego as towering as the city's buildings, he prides himself on his discer...