Kabanata 9
May the best horse racer win!
Vincenzo Lodovico's P.O.VKunot-noo kong pilit na iminulat ang aking mga mata nang maalimpungatan ako sa pagtunog ng aking telepono. Susuray-suray pa ang kamay ko na animo'y lasing ako nang abutin ko ang cellphone ko mula sa bedside table.
"H-hello?" I asked using my husky voice. Hindi ko na rin pinag-abalahang tingnan kung sino iyong caller dahil inayos ko ang pagkakahilata ko sa kama habang nakapikit, pilit na ginigising ang diwa ko para sa taong tumatawag.
["Good morning, sir!"] Isang maingay na bungad ng tao sa kabilang linya at alam ko na kung sino iyon. Tsk. Anong karapatan niyang gisingin ako nang sobrang aga? Madilim palang ata ang langit sa labas eh.
"Bakit?" Tamad na aniko, halatang natutulog pa.
["Ah, sir, magpapaalam sana ako na mamayang hapon na lamang ako papasok at may urgent na bagay na kailangan kong puntahan."] Mahabang aniya pero ni isa ay wala akong naintindihan sa sinabi niya dahil ang iniintindi ko lang sa mga oras na ito ay ang pagtulog ko.
"Sige." Tanging saad ko kahit na hindi ako sigurado kung saan ako nag-agree. Basta ang gusto ko ay makatulog nang muli kaya matapos kong um-oo kay Vin ay hindi ko na pinatay pa ang tawag niya dahil basta ko na lamang ibinaba sa gilid ko ang aking cellphone saka ko muling ipinagpatuloy ang mahimbing kong pagtulog.
"SON." Narinig kong pagtawag sa akin ni Dad pero hindi ko siya pinansin, ipinagpatuloy ko lamang ang aking pagtulog. Like the f*ck! Bakit ba lahat ng mga tao sa paligid ko ay ginigising ako ng sobrang aga! "Son!" Inalog-alog niya ako kaya sa inis ay kunot-noo kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan siya.
"Y-yes, dad?" Inaantok pang pagtatanong ko.
"Get up and wear some clothes, at pumunta ka sa rancho." Pag-uutos niya na mas lalo kong ikinakunot-noo.
"Anong gagawin ko sa rancho, dad?" Pagtatanong ko, pilit na iniisip kung anong bagay ang ipagagawa niya sa akin sa may rancho. Malabo kasing ako ang pagpaliguin niya ng mga kabayo dahil may mga tauhan naman kaming gumagawa nu'n.
"Tingnan mo kung maayos na iyong kabayong gagamitin mo mamaya sa karera." Litanya niya na ikinatango-tango ko habang humihikab-hikab pa. Matapos kong humikab ay tatlong beses akong napapikit-pikit saka muling tiningnan si dad. "Oh, bakit?" Pagtatanong niya dahil marahil ay mababasa sa pagmumukha ko ang pagkagulat.
Pagkagulat nang magpagtanto ko ang sinabi niya kanina. "Dad, ako ang makikipagkarera mamaya?" Muli na naman akong napakunot-noo, umaasang mali lang ang narinig ko mula sa kaniya pero parang mali na umasa pa ako dahil tinanguan na niya ako bilang tugon sa aking tanong!
"Kaya tumayo ka na riyan, may limang oras ka pa para maghanda, mauuna na kami mamaya sa El Caballo de Carerra Leisure Park para idala ang kabayong mapipili mong gamitin." Mahabang litanya niya na tila ba ayaw rumihistro sa utak ko!
"Dad, wala pa akong praktis sa pakikipagkarera! It's been a while since my last game, baka pumalya ako---"
"Then do your best to win. Kapag natalo ka ay may consequences." Marahang aniya, buong-buo na talaga ang kaniyang desisyon na pasalihin ako!
"A-anong consequences, dad?"
"Hindi kayo matutuloy ng team mo sa Batanes kapag natalo ka. Walang mangyayaring February MonteMag publishing." Marahan kong tiningnan ang kaniyang mukha kung seryoso ba siya sa mga sinasabi niya kaya halos magpantay ang balikat ko nang makitang seryoso nga siya.

YOU ARE READING
YOU'RE THE ONE
RomanceIn the bustling metropolis of Bonifacio Global City, Vincenzo Lodovico Montealegre, a successful and charismatic executive, thrives in his high-powered corporate world. With an ego as towering as the city's buildings, he prides himself on his discer...