Kabanata 7
Ang mga bwisita sa bahay
Vincenzo Lodovico's P.O.VMaaga akong umalis ng kumpaniya at iniwan na sila Vin doon dahil naiintriga ako sa pagtawag ni Dad. Bakit may handaan sa bahay eh wala namang may kaarawan ngayon?
"Mang Diego, anong araw ngayon?" I asked out of nowhere baka kasi hindi nakalagay sa tamang date ang calendar ng cellphone ko, malay ko kung may okasyon nga talaga ngayon hindi ba?
"Miyerkules, ser." Pagsagot niya kaya tiningnan ko ang kalendaryo ng cellphone ko.
"January 18, 2023?" Dagdag na pagtatanong ko pa kaya napatingin si Mang Diego sa may rear view mirror, para bang tsi-ne-tsek niya kung ayos lamang ako. "Wala akong lagnat, Mang Diego." Sarkastikong aniko na ikinatawa naman niya.
"Pasensiya na, ser. For the per taym kasi ay hindi ka up-to-date sa araw ngayon." Litanya niya. "Pero, oo, ser. January 18, 2023 ngayon." Pandadagdag pa niya na ikinatango-tango ko.
So tama ang date ng kalendaryo ng cellphone ko. Wala ngang may kaarawan ngayon, so bakit nga may handaan? Tsk.
DUMATING ako sa bahay nang gulong-gulo ang isipan. Patuloy ko pa rin kasing iniisip kung anong meron ngayon.
"Hi, ser." Pagbati nu'ng kasambahay namin, hindi ko siya binati pabalik, tinanguan ko lamang kasi siya.
"Lodovico, my dear!" Maingay na pagsalubong sa akin ni Mom. Agad niya akong niyakap at hinalikan sa aking pisngi. Gusto kong magreklamo na huwag na niya akong halik-halikan sa pisngi dahil matanda na ako pero hindi ko magawa dahil malulungkot lang siya-sinabi ko na kasi sa kaniya 'yun noon, ang ending maghapon siyang hindi kumain. Psh!
My mom is the most precious yet vulnerable person I know because she always support and love me unconditionally. Pero madamdamin nga lang talaga siya. Idagdag pang si mom ang literal na depinisyon ng binibining hindi makabasag pinggan kahit na kasi isa na siyang ginang ay hindi pa rin nagbabago ang malumanay at mahinhin niyang paggalaw. A very elegant lady indeed. Well, she was born with gold spoon in her mouth kaya hindi maitatangging isinisigaw ito ng bawat galaw niya.
"Bakit ang aga mo ata ngayon, anak?" She accompanied me in our kitchen dahil mukhang nagsusuperbisa siya roon.
"Naiintriga kasi ako sa tawag ni Dad. Ano bang meron ngayon, mom?" I asked her pero sa isang bulto ng tao ako napatitig.
Why is she here? And why is she baking some cakes?
"Why are you here?" I asked her coldly na ikinatawa lamang niya.
"Bakit ayaw na ayaw mo ba akong makita, Kuya?!" Maingay na aniya pero sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.
Nasa United Kingdom kasi dapat sila ni Vinezio Levi dahil doon sila nag-aaral ng kolehiyo, kaya anong ginagawa niya rito kung dapat ay pumapasok siya ngayong araw?
"Pinauwi kami ni Dad." Simpleng saad niya habang ang tingin ay nasa cake na nilalagyan niya ng disenyo.
"Kailan? At bakit?" Kunot-noong pagtatanong ko, nangangapa sa kung anong nangyayari ngayong araw.
"Ang dami mo namang tanong!" Natatawang aniya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Fine!" She surrendered. "We arrived here in our mansion last night, sakay nu'ng private chopper natin. Lagi ka naman kasing wala kaya 'di mo kami nakita kaagad." Pagsagot niya sa una kong tanong.

YOU ARE READING
YOU'RE THE ONE
RomantikIn the bustling metropolis of Bonifacio Global City, Vincenzo Lodovico Montealegre, a successful and charismatic executive, thrives in his high-powered corporate world. With an ego as towering as the city's buildings, he prides himself on his discer...