Kabanata 4
The leeches and crocodiles
Vincenzo Lodovico's P.O.VDAHIL sa naging usapan namin ni Patricia ay agad kong hinanap si Vin. Gusto kong magpabili ng flowers sa kaniya.
"Mary, " pagtawag ko sa lobby attendant ng kumpaniya ko.
"Yes, sir?" Agad niyang ibinaba ang teleponong nasa kaniyang tainga upang mas makausap ako ng mabuti.
"Nakita mo ba si Vin?" Pagtatanong ko.
"Ah nasa kitchen, sir, kasama po iyong Lola niya." Pagsagot niya sa tanong ko kaya agad akong nagtungo sa may kitchen ng aming kumpaniya.
Mula sa labas ng kitchen ay kitang-kita ko ang likuran ng isang matandang nakasuot ng floral long sleeve at trouser. Iyong buhok niya ay purong puti ang kulay at kulot na kulot ito. Her hair was like a fur ball dahil hindi ito mahaba at hindi rin ito shoulder length cut kundi iyong typical na gupit ng mga matatanda na parang men's hair cut. Habang si Vin naman ay iba ang pagkakangiti habang nakikipakwentuhan sa Lola niya. Iyon bang tila ang bait-bait niya kung titingnan.
"Vin," pagtawag ko sa kaniya mula sa pintuan ng kusina kaya pawa silang napalingon ng kaniyang Lola sa akin.
"Oh, sir!" Napatayo naman si Vin habang ngumunguya-nguya pa. "May kailangan po kayo?" Pagtatanong niya habang pinupunasan ng tissue ang kaniyang bibig.
"Ah, hihingi sana ako ng pabor sa iyo kung p'wede,"
"Ano po 'yun?"
"Mamayang 7:30 ng gabi ay p'wede ka bang bumili ng flowers?"
"Sige po...saan ko po dadalhin?"
"Ah, i-text mo na lang ako kapag nakabili ka na then kukunin ko na lang kung nasaan ka at ako na ang magbibigay sa pagbibigyan ko." Pagsagot ko sa kaniya.
"Ah sige po." Turan naman niya saka tiningnan ang Lola niyang kumakain nang magsalita ito.
"Iho, kain tayo," pag-aaya nu'ng Lola niya na tinanggihan ko pero pinilit pa rin ako kaya ang ending ay sinaluhan ko na sila sa kanilang tanghalian.
Iba ang aura ng Lola ni Vin. Para itong mayaman dahil ang bawat galaw niya ay may class, gan'on na gan'on kasi gumalaw si Lola Georgina, my grandmother, noon. Idagdag pang iyong tela ng suot-suot nitong long sleeve ay hindi habi rito sa Pinas, alam ko ito dahil inaral ko lahat ng uri ng mga tela na matatagpuan rito sa Pilipinas—it is part of my job to know those things para sa mga isinusuot ng mga modelo ko.
"Ayan, iho, kumain ka pa at mukhang nangangayat ka." Naibalik ako sa wisyo nang magsalitang muli 'yung Lola ni Vin kaya awkward na lamang na napangiti sa akin si Vin. "Huwag kang mag-alala, iho, masarap iyang luto ko. Siguradong hahanap-hanapin mo." Dagdag pa nito dahil nahalata ata niyang hindi ako kumakain ng alamang. Mabaho kasi!
Pero dahil sa mapilit siya ay sinubukan kong kainin iyong Kare-Kare na niluto niya. Sa unang subo ko ay mananam ko itong nginuya saka ako napakunot-noo kaya muli akong subo ng isa pa at sa pangalawang pagkakataon ay nalasahan ko ang kakaibang lasa. Ang sarap! Hindi siya lasang alamang!
"Lola, masarap nga po!" Komento ko na ikinahalakhak nu'ng Lola ni Vin.
"Sabi ko naman sa iyo, eh!" Natutuwa nitong aniya saka ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain.
"Iyan ang paboritong pagkain ni Vin. Buti na lamang ay hindi siya nagmana sa ama niyang allergic sa mani kaya nakakakain siya ng Kare-Kare." Wika nito habang ngumunguya na ikinailang ni Vin. "Ikaw ba, iho, anong paborito mong pagkain?" Pagtatanong niya. Siya lamang ang salita nang salita sa aming tatlo para hindi kami kainin ng katahimikan. Mukhang sanay na sanay siyang mag-entertain ng tao ah?
YOU ARE READING
YOU'RE THE ONE
RomanceIn the bustling metropolis of Bonifacio Global City, Vincenzo Lodovico Montealegre, a successful and charismatic executive, thrives in his high-powered corporate world. With an ego as towering as the city's buildings, he prides himself on his discer...