chapter 1

117 6 0
                                    

Sorry for grammatical errors and misspelled words and typographical errors

Please do not take it seriously
--
"Her broken book" (chapter 1)
--
"Nanay, hatid mo ako sa school po?" Kanina pa sya aligaga na feeling ko natatakot syang pumasok, kagabi lang kay excited sya sa first day of school nya ngayon parang natatakot na sya

"Takot ka?" Tanong ko at pinatayan sya

"Opo, iiwan mo ba ako dun?"

"Syempre kailangan kang iwan ni nanay eh, pero babalik naman ako pagkatapos ng klase mo, babalik ako kaya wala ka dapat ikatakot, just make friends there okay?"

"Okay" tinanggal ko yung kwintas na suot ko at sinuot sa kanya

"Bigay yan ni mamma before she left us, sabi nya pag suot ko yang kwintas na yan palagi daw syang nanjan sa tabi ko kaya dapat lang na hindi ako matakot, ikaw naman, ingatan mo yan ah? Tapos isipin mo na babalik at babalik si nanay sayo sa inyo okay?" Niyakap nya lang ako

"Thank you nanay"

"You're welcome, sge na kunin mo yung bag mo dahil mala-late tayo" inayos ko yung uniform nya inayos ko rin si gab sabay buhat ko kay eze, umalis rin kami agad dahil may trabaho pa ako pero kailangan ko parin syang ihatid sa school
--
"Babye nanay" hinalikan ko sya at ngumiti, nakatingin sya sa mga batang nagiiyak dahil iniwan ng kanya kanya nilang magulang

"Babalik si nanay mamaya okay? Enjoy your class okay? Make more friends anak okay? Wag kang gumaya dun sa nga umiiyak, promise babalik si nanay mamaya"

"Okay, i love you"

"I love you too, I'll be back later ate promise" pinagmasdan ko muna syang pumasok ng classroom tsaka kumaway sa kanya para umalis na, matapang naman talaga yan si sav eh basta nangako ka sa kanya, aasa sya, hindi ko naman talaga sya iiwan eh babalik naman talaga ako mamaya, agad akong nahlakad ng konte para dalhin si gab at eze sa day care na pinag ta-trabahuan ng kapatid ko, kailangan ko rin kasing iwan silang dalawa dahil bawal sa trabaho ko ang may kasamang bata eh

"Hi ate"

"Hi eli" agad pumasok si gab dun at binigay ko sa kanya si eze pati yung mga gamit nila"nanjan na lahat ng gamit nila ah, ikaw na bahala"

"Okay te, ako na bahala"

"Thank you eli" hinalikan ko si eze sa noo at kumaway kay gab sa loob naglakad na rin papuntang trabaho, tatlo kaming magkakapatid, ako si rey at si eli, si rey lang yung medyo umasenso samin tatlo, mayaman na yun ngayon nasa ibang bansa at napaka raming negosyo at bahay dito sa Pilipinas, si Elisse dahil hilig nya ay mga bata nagbabantay sya ng mga bata ngayon sa day care, ako? Kung hindi ko iniwan ang pagkakanta ko siguro aasenso pa kami, pero napalitan yun ng pag susulat eh, pasulat sulat lang ako ng kanta noon hanggang sa napansin kong kaya ko palang mag sulat ng istorya at gawing isang libro, kagaya lang din naman ang pagsusulat ng kanta at pag susulat ng kwento eh, pareho parin silang may istorya
--
Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ko, agad ko namang sinundo si gab at eze kay eli para masundo na namin yung ate nila sa school

"Bye pamangking see you tomorrow" paalam ni eli

"Parang hindi kita kapitbahay" tabi lang talaga ng bahay yung tinitirahan nya nag fe-feeling nanaman sya

"Epal ka talaga, bye"

"Bye tita, see you tomorrow" sambit ko at kinuha sa kanya yung mga gamit nila, agad kaming dumeretso sa school ni sav
-
"Nanay!"

"Hi, ano? Nag enjoy kaba?"

"Opo, ang dami kong classmates na umiiyak eh" sambit nya "maingay" tumawa ako

"Did you makes friends?"

"Opo, marami"

"That's good, hindi kaba umiyak?" Baka kasi umiyak eh

"Hindi po, nanay pwede akin nalang tong necklace mo? Kasi hindi ako natatakot eh"

"Of course, sayong sayo na yan sav, basta ingatan mo yan ah?"

"Opo, promise"
--
"Ate, you go to sleep na, did you pray already"

"Opo"

"Sge na, tulog na" tinanggal ko yung mga tali nya sa buhok at hinalikan sya "good night Sav"

"Good night nanay" hinalikan nya rin ako sa pisnge at humiga tabi nung mga kapatid nya, nilagyan ko sila ng kumot at tsaka lumabas para mag pahangin

"Pst, ate" sulpot ni eli mula sa kabilang bahay

"Parang tanga naman elisse eh, gabing gabi oh, papatayin mo naman ata ako sa takot"

"Sorry na, hindi ako makatulog eh" inakyat nya yung wire na pader nila para makapunta dito sakin

"Ang tanga talaga, may gate kayo di ba? Bakit kailangan mo pang akyatin yan?"

"Eh wala lang, gabi na eh, baka napagkamalan akong nag sasaya kapalit ng pera" tumawa ako at sinapak sya

"Prostitute?" Tanong ko

"Sinabi pa talaga" nilapitan nya ako at niyakap "ate namiss kita"

"Magkapitbahay lang naman tayo ah?" Niyakap ko rin sya, sila talaga yung unang mga anak ko, nung iniwan kami ng pappa, nawala si mamma, ako na yung nag tayong magulang nila ni rey, nangako ako noon sa kanila papaaralin ko sila pero hindi ko nagawa, nagkaron sila ng kanya kanyang magulat at naiwan ako, dahil hindi naman pala pwede kahit alam ko ring hindi ko silang kaya palakihin dalawa, si eli lang yung bumalik sa akin.

"Kahit na, namiss parin kita" tumawa ako at mas lalong niyakap sya ng mahigpit "teka? Nasaan ang kwintas ni mamma!? Nawala mo!? Nako dadalawin ka mamaya ni mamma yan sa panaginip mo"

"Hindi no, suot suot ni sav natatakot syang pumasok ng iskwela eh eh sabi ko basta suot suot nya yun hinding hindi sya nag iisa, pero sana nga makita ko si mamma sa panaginip ko, ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya eli"

"Hinanakit ba yan te? Pwede ako"

"Hindi mo ako maiintindihan Elisse, tsaka madami mo yun eh, alam ko ni isa dun wala kang maintindihan dahil ako mismo hindi ko naiintindihan eh"

"Ihh, palagi mo namang sinasabi yan eh!" Tumawa ako at ginulo yung buhok nya "ate naman"

"Bakit hindi ka nalang tumira dito sa bahay, para hindi kana nag babayad jan kay aling martha ng upa"

"Ate kaya ko naman sarili ko eh, tsaka ayoko maging pabigat sayo, tatlo kaya anak mo tapos dadagdag pa ba ako? Alam mo naman yun eh na ayaw ko maging mabigat sayo, makikikain nalang ako pag wala na akong makain"

"Yun na din yun eh, pangako hindi ka maging pabigat, tsaka kapatid kita eh, kailangan"

"Ate, dala na ako sa pangako mo, diba nangako kang hindi tayo mag hihiwalay tatlo noon? Nangako kang pagpapaaralin kami? Ang labas nagkaron kami ng kanya kanyang magulang na inampon kami tapos alam mo na" napatingin ako sa kanya

"Ni isa sa mga pangako ko hindi natupad? Alam ko, kailangan eh"

"Buti nga si kuya eh, mayaman yung umampon sa kanya, walang anak, kung ganon rin siguro nakaampon sakin mayaman na rin sana ako" may kaya talaga yung pamilya nya, ngayon mas mayaman na sila eh

"Tapos hindi mo na rin ako babalikan?" Tanong ko at tumawa "alam mo Elisse, kaya ko nahanap yung tatay nila sav hindi dahil mayaman sya, pero mahal ko sya, isa pa, gusto ko kayo hanapin, malay mo kilala pala ng pamilya nya yung pamilya ni rey tapos pag nahanap ko si rey ikaw naman, pero wala ni isa ang sumakto, sya yung sumama sakin dahil tinakwil sya dahil nag mahal sya ng kagaya ko, eto lang naman ako eh"

"Bakit kayo nag hiwalay?" Tanong nya tumawa ako ulit at tumayo sa pagkakaupo ko

"Bukas na natin pag usapan yan, inaantok na ako, isa pa baka magising yung mga anak ko at hanapin ako, umuwi kana, sa gate ka dumaan parang awa mo na"

"Oo na" tumawa muna sya tsaka umalis, pumasok ako ng bahay at dali dali sinarado yung pinto, napaupo ako sa kama at tiningnan yung tatlo na natutulog, wala ni isang pangako ko ang natutupad kailanman, alam ko yun, pagod na akong mangako.
--
See you at chapter 2!! 

Her Broken BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon