chapter 8

40 3 0
                                    

Sorry for grammatical errors and misspelled words and typographical errors

Please do not take it seriously
--
"Her broken book" (chapter 8)
--
"Sigurado kang susunduin natin sila sav? Kaya ko na naman to eh" si kiel! Paano si kiel?

"Hindi na, i insists, marami kang dalang gamit" halos pinag shopping nya ako ng mga masusuot ko sa trabaho eh, medyo marami rami din yun

"Okay" tahimik lang ako hanggang sa nakarating kami sa school ng tatlo, naabutan naming nasa labas yung mga bata at hinihintay ako alam ko, bumaba ako ng kotse at nilapitan sila

"Nanay!" Sigaw nilang tatlo

"Bakit nasa car ikaw?" Tanong ni gab

"Yeah? You don't have car? And it's not a taxi?" Binuhat ko si kiel at naglakad pabalik ng kotse, sumalubong naman agad yung daddy nila "stranger?"

"Hi Sav"

"Nanay? Diba sabi mo don't talk to strangers?" Bulong nya sakin, tumawa naman sya

"Anak he's not a stranger eh, sinabi nya lang yun dahil ayaw nyang malaman ko na sya yun" alam ko dahil kilala ko sya, alam ko ang nasa isip nya

"Yeah, that's true"

"Then who is he?" Tanong ni sav, maybe this is the time

"He's tatay, kaya sabi mo kilala mo sya pero hindi mo maalala, you're just three when he left anak"

"I'm sorry sav, Gusto ko kasing si nanay lang yung magsabi sainyo eh, sa totoo lang ayaw ko nang makilala nyo ako eh, alam ko kontento na kayo kay nanay, pero alam ko din na kailangan eh" tiningnan ako nito at tumakbo palayo

"Sav"

"Ako na" sambit ko at sinundan si sav "savannah"

"Nanay, i wanna go home" umiiyak nya na sabi sabay yakap sakin

"Sorry sav, hindi ko man lang nagawang sabihin sa inyo yun, natatakot si nanay eh isa pa ayaw na ayaw kong iniisip sya anak, binabalik ako eh"

"Why did he left?"

"I don't know anak, walang alam si nanay, hanggang ngayon hindi ko alam bakit sya umalis, palaisipan parin yun kay nanay hanggang ngayon"

"I want to go home nanay, let's go home" binuhat ko sya at bumalik dun sa kotse
--
"Napatulog ko na, masyado atang napagod"

"Nanay" napatingin kami kay Ezekiel, binuhat ko sya at niyakap

"Don't tell me you're married?" Tanong nito, tumawa naman ako

"No, this is Ezekiel Matthew, he's three already turning four, he's yours, nung gabi na umalis ka, i-i was supposed to surprise you about dun, but you left, hindi ko man lang nasabi"

"I'm so sorry, wala akong alam hindi ko alam"

"Naiintindihan ko naman eh, wala na naman rin akong magawa tsaka it's been more than three years already, I'm trying to move on already"

"Ang laki ng kasalanan ko sa inyo eh, iniwan ko si sav tsaka si gab ng ganon ganon lang, tapos hindi ko pa alam na nanjan tong batang to?"

"Ayus na yun, umuwi kana gabi na oh, salamat ah?"

"I'll see you tommorow on my office?"

"Yeah, thank you"
--
"Hi aya! Where's ogie? Sabi nya nasa office nya daw sya eh" napatingin ako sa Napaka-gandang babae na nasa harap ko

"Ah? Nasa meeting po ma'am hera, emergency meeting po" sambit ni aya

"Ahh Okay, tell him I'll be on his office lang, thank you aya!" agad rin tong pumasok sa opisina ni ogie, dali dali naman akong lumapit kay aya

"Aya? Sino yun?" Tanong ko

"Ah yun? Si ma'am hera, Hera Sanchez may ari ng AHLS brand? Girlfriend ni sir"

"Ahh, wala lang ang ganda nya lang"

"Oo, sobrang bait nun anghel na anghel, hulog sya ng langit samin, minsan nag papakain yan tas kahit mayaman yun nako hinding hindi nag dadalawang isip na kausapin kaming maba-babang tao, tingin talaga namin sa kanya anghel well hindi dahil Angel Hera Luisa yung totoo nyang pangalan kundi anghel talaga sya"

"Ahh? Matagal na ba sila?" Tanong ko

"Ah oo, halos mag aapat na taon na rin siguro? Hindi ko alam kung may balak pa ba silang mag pakasal o hindi na? Halos ang tagal tagal na nila eh, mga four or five years ng sila"

"Ganon naman diba? Kahit gaano katagal yan kung mahal nyo ang isa't isa mag hihintay kayo?"

"Ay true, biro mo sampong taon na kaming mag kasama ng asawa ko sa hirap at ginhawa"

"Oh diba"

"Ikaw ba? Alam ko may anak ka? So syempre may asawa ka rin?" Tumawa ako

"Meron akong tatlong bulinggit, seven yung panganay ko five yung pangalawa three yung isa mag f-four, pero wala akong asawa"

"Ha!? Ibig sabihin single parent ka?" Tumango ako

"Parang ganon na nga, pero hindi naman ako nag sisisi, mababait naman yung mga anak ko, siguro swerte na ako dun"

"Well, yeah"
--
Paguwi namin ng bahay hindi ko na nagawang bihisan sila dahil naka tulog na naman rin si Ezekiel tsaka si gab sa byahe pauwi si sav naman agad ng humiga pagpasok na pagpasok ng bahay, ngayon ko nararamdaman kung gaano kahirap mag multitasking, nag ta-trabaho ako at the same time nanay ako? Hindi ko man lang alam paano hatiin sa katawan ko yung oras ko para sa mga bata at para sa trabaho?

"Pagod na rin ang nanay, Anak" napatingin ako sa kanilang tatlo na nakahiga sa kama, may kinuha akong akong isang kahon na punong puno ng mga gamit ko, nakita ko yung parang libro na wala namang laman "nandito nanaman tayo? Bubuo nanaman ba ako ng sarili kong kwento?" Naparawa ako, maybe it's time for me to create story mag hahanap lang ako inspirasyon

"Nanay? Hindi! Ayaw!" Napatingin ako kay gab

"Gabbie? Are you okay?" Tumayo sya at niyakap ako, hindi na sya sumagot at hindi na rin ako binitawan "look? It's baby gabbie?" Pinakita ko sa kanya yung mga litrato nya nung maliit pa sya

"It's me?"

"It's you" kung pwede ko lang itigil ang oras matagal ko ng ginawa para sa inyo, pero hindi eh hindi pwede

"It's me" ngumiti sya habang nakayakap parin sakin, niyakap ko rin sya at himiga na sa tabi ni sav, pinagmasdan ko lang silang natutulog hanggang sa inantok na rin ako at nakatulog na
--
See yah at next!

Her Broken BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon