Chapter 1

1.2K 17 1
                                    

My family from my mother's side was noble when it came to traditions. Kung ano ang nakasanayan ng pamilya noon, kailangan iyong ipagpatuloy hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Whether you like it or not, no matter what the consequences were, what had been wonted should remain as it was.

Sa murang edad, alam ko na kung saan patungo ang buhay ko sa oras na nakatapos ako sa kolehiyo. Every thing had already been decided; kung anong klaseng estudiyante ako na dapat na maging; kung saang kompanya ako dapat pulutin; kung ano'ng posisyon sa trabaho ang dapat kong makuha; at kung sino. . . ang lalaking dapat kong mahalin at pakasalan balang araw.

It somehow made me feel relieved—the thought of not worrying about your future because it had already been fixed. Sino ba naman ang gustong maligaw pagdating sa hinaharap, hindi ba? The more fixed your future was, the lessen the burden.

Or so I thought. . .

"I won't be meeting you next Saturday as it's your acquaintance party. Mags-send na lamang ako ng assessment na ipapasa n'yo sa susunod pa na linggo," wika ni Mrs. Tan. "Dismissed.” Iniligpit niya ang mga gamit sa ibabaw ng kaniyang lamesa.

I heard a few yes's from my classmates na halatang natuwa sa balita. Napabuga na lamang ako ng hangin at saka niligpit na rin ang mga gamit ko.

"Gusto mong sumama, Amori?"

Sumulyap ako sa unahan kong upuan nang lingunin ako ni Darlin.

"Mamimili kami ng susuotin para sa acquaintance party," she said.

I lowered my head and continued to put my things in my bag. "Can't. May family dinner kami," sagot ko at tipid siyang nginitian. “Sorry,” I mouthed, and it was a genuine.

Darlin was kind of friendly—more likely, she was that kind of girl. And I did appreciate her effort trying to be my friend. In fact, she was the first one who approached me during our first semester in our freshman year. Though I wasn't lying. May family dinner talaga akong pupuntahan pagkatapos nito. Besides, may linggo pa naman ako bago makapaghanda para sa party. I could just find something to wear the day before that.

Ngumiti siya nang matamis, walang pagkadismaya na tila naiintindihan niya iyon. “Ano ka ba? Ayos lang."

Tumango lamang ako sa kaniya at isasarado na sana ang aking bag nang aksidente akong napatingin sa banda kong likuran, sa kaliwang panig.

I halted when I found him sleeping, his head resting on his arms. Though, it wasn't new because he was a working student. Ang alam ko, kaya siya nakapasok dito sa Northville International College ay dahil sa scholar siya. Hindi naman ito ang unang beses na tinulugan niya ang klase ni Mrs. Tan. Suwerte na lamang niya dahil mabait ang propesor sa hindi pagsita sa kaniya. Palibhasa ay palaging may laman ang mga sagot sa tuwing tinatawag siya sa recitation.

Umiling ako at mabilis na lumihis ng tingin nang gumalaw siya sa kinauupuan. I then clung my Louis Vuitton shoulder bag to my left shoulder. Tatayo na sana ako nang napansin ko si Darlin na nakatingin din sa lalaking nakaupo sa kaliwa kong likuran. I did the same thing.

Nakita kong tumayo si Lukas mula sa pagkakaupo at isinabit ang itim niyang bag sa kaniyang kaliwang balikat, blangko ang ekspresiyon at ni hindi man lang nag-abala na ayusin ang medyo magulong buhok nang nagsimula siyang lumakad paalis.

Biglang tumayo si Darlin. "Uhm, Lukas—"

I gasped when, out of nowhere, Jhayson intentionally bumped Lukas's shoulder. Napagilid si Lukas dahil doon kasabay ng paglagapak ng cellphone niya sa sahig.

"What the hell, Jhayson!" sigaw ni Darlin.

Pumihit paharap si Jhayson kay Darlin nang may ngisi sa labi bago ito sumulyap kay Lukas. "Pahara-hara kasi sa daan," ani nito bago tumalikod at lumabas ng silid.

There's Something About Lukas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon