"Thanks, Pau," ani ko.
Nagpatulong kasi ako sa kaniya sa pag-aayos ng buhok dahil hindi ko kakayanin kung ako lamang. Besides, she was really good at styling my hair.
"Wala 'yon, ma'am. Ako pa ba?"
I smiled at her and looked at myself in front of the mirror where she turned my straight hair into wavy. Palagi tuwing may okasyon, kay Pau talaga ako nagpapaayos kahit may mga pagkakataon na kumukuha si Mommy ng make-up artist para sa aming dalawa. I just trust her amazing skills. Kung tutuusin ay daig niya pa nga iyong ibang mga make-up artist dahil plakadong-plakado siya kung mag-ayos.
"Bakit hindi ka nag-try maging make-up artist?"
She had been working here for two years now. Originally, ang nanay niya talaga ang original na nagtatrabaho rito sa amin. She stayed here for years with her dahil nag-aaral pa siya noong mga panahon na iyon. Until the car accident happened that took her mother's life. Naging dahilan iyon upang mahinto siya sa pag-aaral. We were supposed to be in the same year now. Actually, buwan lang ang tanda niya sa akin.
Napakamot siya sa kaniyang batok. "Hindi naman po ako gano'n kagaling—"
"Paulina."
Napanguso siya. Alam niyang ayaw ko nang ganoon sa tuwing tinatawag ko siya sa kaniyang buong pangalan.
"I wouldn't ask you to be my personal make-up artist if your skills weren't astonishing. You're excellent."
Namula ang kaniyang mga pisngi. "Compliment accepted.”
Mahina akong tumawa. Ang tisay talaga nito! Maputi rin naman ako, pero iba ang pagkatisay niya. Iyong tipong kaunting hampas mo lamang, mamumula na ang balat. Minsan nga nai-insecure ako rito kasi kahit madungis, maganda pa rin. Kuwento ng mama niya noon, Russian daw ang tatay niya na hindi ko alam kung nasaan na ngayon.
She was like my sister already. Kapag wala sina Mommy, siya palagi iyong nandiyan para sa akin. May iba pa naman kaming katulong pero siya talaga ang pinaka-close ko.
Nagpaalam si Pau sa akin na magluluto muna kaya naiwan akong mag-isa sa kuwarto. My dress was a sparkling hip strap. V-neck ang istilo sa dibdib, abot hanggang sahig at may slit sa kanan kong hita. It was the less revealing dress that I had found yesterday kaya ito na lamang ang pinili ko.
The event would start around 7 PM and I was already done fixing myself 30 minutes prior. Nakaupo lamang ako sa harapan ng salamin, kunot ang noo na sinipat ang cellphone ko sa ibabaw ng study table. Kinuha ko iyon at binuksan. Kanina pa ako online at kanina pa rin maingay sa group chat ng program namin, nagtatanungan kung nasa venue na ba sila.
But those weren't the messaged that I was expecting.
Hinanap ko ang pangalan ni Lukas sa chat list ko at kaagad siyang ni-chat.
Ako:
San ka na?
Inabot ng ilang minuto bago siya nag-reply.
Lukas:
Apartment?
Ako:
What time u r going to fetch me?
Lukas:
Why?
Ako:
Because you're my date? And we're gonna be late?
BINABASA MO ANG
There's Something About Lukas
Fiksi Umum"There's something about Lukas, and he. . .is my biggest secret."