I sigh as I stare at my phone screen. Ilang beses ko na yatang nakagat ang kuko sa hinlalaki kong daliri at naitapik ang sapatos sa sahig habang naghihintay na may mag-pop up na messages doon mula sa kaniya.
He's not replying to my messages since yesterday, and I still can't reach his phone up until now. Naka-off ang status niya sa messenger, kaya hindi ko malaman kung nag-online ba siya kanina o hindi. I'm starting to feel worried. Although it's not new whenever he wants to shut himself for a while, and whenever this kind of scenario occurs. . .I know that something's happening to him. Something happened to him.
"I told you, he wouldn't come. Stop waiting for him, Darlin."
"Waiting for whom? Kay Lukas?"
I stop staring at my phone and glance at some of my blockmates having conversations. I knit my forehead after I heard Lukas' name. I notice the sweet, petite, and blonde-wavy hair, Darlin. Nakita kong namumula ang pisngi nito, marahil ay nahihiya.
"May gusto ka pa rin sa gago na 'yon?" nakangiwing untag ni Michelle, Darlin's older sister with invisible horns on either side of her head - that's how I described her. Namumutok sa sobrang pula ang nangangapal nitong labi, at kumpara kay Darlin, hanggang balikat lang ang tabas ng kaniyang tuwid at itim na buhok. "Gosh, Darlin. Gumagana pa ba 'yang utak mo? He's a psycho and an asshole!"
"He's not an asshole-"
"Yes, he is! Gusto mo ba gumising ka na lamang isang umaga, nasa kabaong ka na?"
I tighten the grip on my phone. Wala sa sariling nandilim ang paningin ko habang pinapanood sila. This bitch really has a lot of guts to spit out from her filthy mouth.
Lumukot ang mukha ni Darlin sa inis at sa halip ay inirapan na lamang ang kapatid.
"Don't be too harsh on her, Mich. Hindi mo rin naman s'ya masisisi, at saka amininnn. Lukas is hot kaya," sabat ni Nikka.
"And that doesn't change the fact that he's an asshole. Tanga na lamang ang papatol sa lalaking 'yon."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at padabog na tumayo sa upuan. My motion grabs some of my blockmates' attention, including Michelle's group. Nagtama ang mga mata namin ni Michelle. I glare at her. Kumunot ang noo niya sa akin, nagtataka sa ginawa ko.
"May problema ka, Amori?" she asks.
Suminghap ako at tuluyang napaawang ang bibig. Tila roon lang sumagi sa isip ko kung ano ang aking ginagawa. I just glared at her, and probably she's now wondering why I did that.
Napakurap ako at saka huminga nang malalim, pinapakalma ang sarili.
Calm down, Amori. Now's not the right time to do such scandals.
"Nothing. I'm just. . .packing my stuff," I tell her, trying my best not to grit my teeth and smash her face with my books resting above my armchair.
Umangat ang kilay niya sa akin at saka lumihis ng tingin. Natagpuan ko pang nakatitig sa akin si Darlin. Tinutop ko ang aking bibig at saka umiwas ng tingin bago isinilid sa bag ko ang aking mga gamit. Binitbit ko ang bag gamit ang kanan kong kamay bago ako diretsong lumakad patungo sa gawi nina Michelle, malapit sa pintuan.
I don't mind Darlin's eyes watching me while I'm passing beside her sister, who's putting lipstick on her lips. Walang pasubali kong pahampas na itinaas ang bag sa gilid ng kamay ni Michelle. I hit her arms, almost losing her balance. Her lipstick falls to the floor.
"What the hell, Amori! Nananadya ka ba?" singhal niya sa akin at saka ako nanggagalaiting hinarap.
Inosente ko siyang nilingon, kunwari'y may pagsisisi sa mga mata. "Oh, I'm sorry."
BINABASA MO ANG
There's Something About Lukas
Ficción General"There's something about Lukas, and he. . .is my biggest secret."