Chapter 9

295 9 2
                                    

"Calling all the BSA first year. Kindly proceed to the quadrangle."

Mistulang natuod sa kani-kanilang mga puwesto ang mga kaklase ko matapos marinig ang announcement na iyon. Today's our organization day, at ngayong umaga gaganapin ang acceptance na labis na kinatatakutan ng mga freshmen students-just overheard that from higher levels.

Wala ako masiyadong alam sa kung ano'ng pinagagawa ng mga organizers, pero bali-balita na pinipiringan daw ang mga freshmen pagkatapos ay may ipagagawa ang mga organizers ng kung ano.

"Shit. 'Di naman siguro marurumihan 'tong sapatos ko 'no?"

"Pagagapangin daw tayo sa putikan, mga binghal."

"What?! No way! Pa'no 'tong make-up ko?!"

Parehas kaming nagkatiningan ni Zyrel bago tumango sa isa't isa.

"Bawal maaarte rito. Kung ayaw n'yo mag-acceptance, bahala kayo. 'Di kayo magiging part ng organization. 'Di kayo ga-graduate," pananakot ni Zyrel na ikinaingit ng halos mga kababaihan.

"E, bakit si Lukas, wala rito? Unfair!"

"H'wag mo ngang idahilan si Lukas dito. He's excused, okay?" depensa ni Darlin na ikinairap naman ng isa, na ikinaismid ni Jhayson sa isang tabi habang may kung anu-anong ibinubulong. Tinignan tuloy ito ni Darlin nang masama.

Napakamot na lamang ako sa aking kilay. Lukas' indeed excused, from his classes up to the organization's activity. Ako ang nagpa-excuse sa kaniya dahil ako lamang din naman ang nakaaalam sa totoong nangyari. He didn't want the whole class to know what happened to him except the professors. Kaya ang alam lang nila ay excuse siya dahil may importanteng bagay siyang inaasikaso.

"Mauna na kayo sa soccer field. May daraanan lang ako sandali." I asked Zyrel to assist them, which she accepted wholeheartedly.

Dumaan muna ako sa locker upang iiwan doon ang bag na dala kung saan naroon ang pamalit ko para sa team building mamaya, dumiretso rin ako sa soccer field pagkatapos.

"As part of our organization's activity, it is our pleasure to give you our warmest welcome," the organizer said. May kung anu-ano pa itong sinabi tungkol sa aming program bago tinawag ang pinakang-adviser namin upang i-welcome kami.

It was past 8 a.m., at nararamdaman ko na ang mainit na sikat ng araw mula sa silangan.

"Are you ready, freshmen?!"

"Ready!"

"Hindi pa! Puta!"

"Organizers, bring out the blindfolds!"

Paliritan ang narinig ko nang nagsipuntahan ang mga organizers sa puwesto namin bitbit ang mga kulay pula na pampiring. My heart pounded fast when my eyes caught a tall guy coming in my direction. Clean cut ang gupit nito, may kaputian, at may magandang postura at pangangatawan.

He's smirking, subalit hindi katulad ng ibang ngisi na mapang-asar ay tila nanghahalina iyon.

"I see. You're Darlin's classmate," turan niya. Kumunot ang noo ko. Kilala niya si Darlin? "This activity could pass as torture, so be ready," paalala niya. Napangiwi ako.

Pagak naman siyang tumawa bago naglahad ng kamay sa akin. "I'm Samael, by the way. Darlin's cousin."

Oh. Kaya ba kilala niya ako?

Hinintay niyang tanggapin ko iyon, subalit hilaw lamang akong ngumiti sa kaniya. "Nice name."

Mahina siyang tumawa dahil do'n pagkatapos ay umiling. Ang masayahin naman nito.

There's Something About Lukas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon