Mabilis kong tinanggal ang seatbelt na suot.
“Amori, h'wag!”
Tinulak pabukas ang pintuan ng sasakyan at walang pagdadalawang-isip na tumakbo patungo sa walang malay na katawan ni Lukas.
“Amori!” sigaw ni Frederick na sinundan ako palabas.
Napatakip na lamang ako sa aking bibig nang nakumpirmang si Lukas nga iyon. Tuluyang nag-unahan ang mga luha ko sa pagbagsak.
“A-Anong. . .Lukas. . .”
He was bleeding all over na halos humalo na sa malakas na buhos ng tubig ulan. Putok ang gilid ng kaniyang noo ganoon na rin ang kaniyang labi, subalit ang labis na ikinatakot ko ay nang makita ang iilang saksak niya sa tagiliran.
No. No. No. No! “Frederick!”
“Fuck! They went away.” Natatarantang lumapit si Frederick sa direksiyon ko. “Is he alive?”
Paulit-ulit akong umiling kasabay ng mga hagulhol na hindi ko na mapigilan. “H-Hindi ko alam! H-Hindi ko alam. . .” Humikbi ako. “F-Frederick dalhin natin siya sa ospital! D-Dalhin natin siya ospital. . ." pagmamakaawa ko sa kaniya, hindi malaman kung ano nang gagawin.
My hands wouldn't stop trembling. Gusto kong hawakan si Lukas subalit natatakot ako sa mga posibleng mangyari. What if touching him would hurt him to death? Paano. . . Paano kung—
“Hey. Hey, Amori!” Mariin niyang sinapo ang pisngi ko at pilit na ipinaharap sa kaniya. “We will, okay? Dadalhin natin siya sa ospital, pero sa ngayon tulungan mo muna akong itayo siya, okay ba ’yon?”
Paulit-ulit akong tumango kahit na parang hihimatayin na ako sa takot. “O. . .Okay.”
“He's still breathing. Come on, Amori, tulungan mo ako.”
Tinulungan ko siya sa pagbuhat kay Lukas hanggang sa nakarating sa kaniyang sasakyan.
Binuksan ko ang backseat bago ako naunang pumasok doon upang alalayan ang katawan ni Lukas papasok sa loob. I put his head on my lap while Frederick quickly ran to the driver's seat to maneuver the vehicle. Walang humpay sa panginginig ang duguan kong mga kamay ganoon na rin ang pag-agos ng aking mga luha.
Maputla na ang mukha ni Lukas at pakiramdam ko anumang oras ay mauubusan siya ng dugo.
I felt cold and scared to death. Please. Please. Sana umabot kami. . . Kapit lang, Lukas. Kapit lang.
Pasalamat na lamang ako dahil may malapit na ospital kaming napagdalhan ni Frederick na kaagad namang dinaluhan ng mga doctor at nurse.
We were both instructed to wait at the waiting area, kaya wala kaming nagawa ni Frederick kung hindi ang umupo sa isang tabi, balisa at hindi mapakali. My tears already stopped from falling, yet both of my knees wouldn't stop trembling. Kanina pa ako pinapakalma ni Frederick at sinasabi na magiging maayos din ang lahat subalit walang epekto iyon.
The only assurance that I want is to know that Lukas is okay.
Hindi ko na nabilang kung gaano kami katagal na naghintay roon hanggang sa bumukas ang pintuan ng E.R at lumabas ang doktor.
“Sino ang pamilya ng pas’yente?”
I quickly stood up. “Doc.” Kaagad ko itong nilapitan. “Kumusta na po ang kalagayan ni Lukas?”
“You’re his?”
Nabitin ang mga kataga ko sa ere. What should I say? Hindi ko puwedeng sabihin na kaibigan ako ni Lukas dahil paniguradong hahanapin pa rin nila ito ng kapamilya.
BINABASA MO ANG
There's Something About Lukas
Fiction générale"There's something about Lukas, and he. . .is my biggest secret."