Chapter 2

671 15 2
                                    

"Look what have you done!"

Umigtad ako nang pabalang na ilapag ni Mommy ang bag niya sa sofa. Umupo siya roon at hinilot ang sentido. Matalim niya akong tinignan pagkatapos, bakas ang galit at pagkadismaya. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina sa restaurant ay umatras na kaagad sa proposal nina Mommy ang mga Velasco.

They even brought their son to the nearest hospital, for goddamned sake! Napaka-OA naman! Pero malay ko rin ba kung nadurog ba 'yong buto n'on sa katawan sa ginawa ko.

Napahinga na lamang ako nang malalim bago nagsalita, "I didn't mean to-"

"They were our company's best match!" sigaw niya. "Alam mo ba kung pa'no kami nagpakahirap ng daddy mo makuha lamang ang tiwala ng mga Velasco? And then what? Ended up ruining it! Ano na lamang ang sasabihin ng pamilya nila sa 'tin? That the Gatchallan's only daughter was rude and-" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sinapo niya ang kaniyang noo.

Napakagat ako sa aking labi at napalunok. "I'll be good next time-"

"You should," malamig niyang sambit.

Bahagya akong nakaramdam ng kaba nang nawala ang matalim niyang tingin sa akin bagkus ay napalitan ng malamig.

"Because there will be no next time, Amori," banta. "And if you failed to make this a success, alam mo na kung sa'n ka pupulutin." Tumayo siya at saka ako iniwan sa kabahayan nang mag-isa.

Ilang sandali akong natulala bago nilunok ang namuong bukol sa aking lalamunan. I closed my eyes and calmed my nerves.

It's okay, Amori. It's okay.

Although her words were that sharp to prick my chest, I couldn't shed a single tear. Marahil ay dahil nasanay na ako sa mga katagang lumalabas sa bibig niya na kailanman ay hindi ko hinanapan ng katwiran.

Throughout the whole year that they had been looking for someone to be my half, none of them were successful. Hindi dahil sa tumatanggi ako sa mga lalaking ipinakikilala sa akin-I honestly liked the first man they had introduced to me-kung hindi lamang antipatiko na ni-turndown ako dahil ilang taon din ang tanda nito sa akin.

At bilang si Amanda Gatchallan na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo, siya ang unang pumutol sa kasunduan na ipagkasundo ako rito.

"And you do think that my daughter likes your arrogant son?" my mother backfired. "Huh! I changed my mind. Let's go, Amori. Hindi karadapat-dapat sa 'yo ang mga lalaking katulad n'yan. You deserve someone on your level."

Although mukha namang mabait na anak si Herbert sa mga magulang niya-at mukhang mahal na mahal din siya ng mga magulang niya base sa nasaksihan ko kanina-I didn't think were a match. Baka isang hampas ko lamang do'n, mabalian iyon.

Huminga ako nang malalim at umakyat sa kuwarto pagkatapos.

"Go na kasi, ask him!"

"Sa tingin mo talaga papayag siya?"

"E pa'no mo malalaman, e hindi ka naman nagtatanong?"

Sumulyap ako kina Nikka at Darlin na nagbubulungan sa unahan ko. They were slightly glancing at my left back kaya napatingin din ako roon. Of course, they were talking about him. Wala yatang araw na hindi iniladlad ni Darlin na interesado siya kay Lukas Alexander Morrison.

There's Something About Lukas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon