“Mom, you've got to be kidding me.” Sinundan ko si Mommy sa kabahayan.
We just went home after having dinner with Mr. Rogelio. Pumayag ako dahil ganoon naman palagi ang nangyayari. I would obey her wants, but tonight was an exception. Hindi ko yata kayang sikmurain ang gusto niya para sa akin ngayong gabi.
“It's finally settled.” Humarap siya sa akin. “Besides, Frederick is a fine man and has a good reputation—”
“For God's sake, Mom! He's 40!” I exclaim, “and I'm only 19—”
“You don’t get to use that tone on me, Amori!”
Natigilan ako nang humarap siya sa akin at duruin ako ng kaniyang hintuturo, nandidilat ang mga mata. I left my words inside my mouth and looked at her, begging.
“Mom, please don’t do this to me. Pumayag naman ako sa gusto n’yo, ',di ba? But please, h'wag naman sa ganoong lalaki.” Umiling ako, nagsisimulang mag-init ang sulok ng mga mata.
Hindi man lang ba niya naisip na masiyado akong bata para ipagkasundo sa ganoon katandang lalaki? She didn’t even know him personally! Palibhasa maganda ang tayo ng negosyo nito sa industriya, walang asawa kaya nagustuhan niyang ipagkasundo ito sa akin.
Gusto kong makakita ng kahit kaunting awa at pag-aalala sa mga mata niya, subalit nanatiling malamig iyon, walang bakas ng kahit na anong emosyon.
“I'm just doing what's best for you. You know I wouldn't find someone that could harm you, Amori.”
Muli akong umiling. “But. . .”
“Naibigay ko na kay Frederick ang number mo. Kapag inaya ka niya lumabas, h’wag ka nang magdalawang isip na tumanggi. Magpapahinga na ako,” saad niya bago ako tuluyang lampasan.
Naiwan akong tulala, kinakabig ang mga luhang nagbabadyang pumatak.
“Amori. . .”
Bumaling ako sa may pintuan ng kusina nang namataan ko roon si Pau, nakasilip at may pag-aalalang nakatingin sa akin. I gave her a faint smile.
“I'm fine,” bulong ko bago sumenyas sa kaniya na aakyat na ako sa kuwarto. Tumango lamang naman siya at tipid akong nginitian.
Ibinagsak ko ang likod sa kama at nagpakawala ng buntonghininga habang nakatitig sa kisame.
Pagak kong tinawanan ang sarili bago umiling.
Right. What was the point of telling her about my concerns anyway? She liked the man for me, and he didn't refuse about my mother’s proposal, kaya ano pa’ng silbi sakaling umayaw ako? Ano pa’ng silbi kung magrereklamo ako?
As long as the other party agreed, my opinions wouldn't matter.
Sinubukan kong matulog noong gabi na iyon, subalit hindi ako dinadalaw ng antok. I was already not in the mood. Sa huli ay naisip ko na lamang na lumabas ng bahay.
I changed into a plain gray hooded jacket and paired it with denim shorts. Hindi kalayuan ang 7/11 dito kaya naglakad na lamang ako imbis na magdala ng sasakyan. Hindi ako nabusog sa dinner na pinuntahan namin ni Mommy kaya bumili na lamang ako roon ng makakain.
Pinili kong bumili ng ramen pagkatapos ay naghanap na ng bakanteng lamesa. Unang higop sa sabaw at pakiramdam ko ay natanggal na ang bigat sa aking dibdib na kanina ko pa dinadala sa dinner hanggang sa pag-uwi namin ni Mommy sa bahay.
I had no idea, but sometimes I couldn't understand my mom. She wanted what was best for me, ngunit hindi ko maramdaman na tama ang mga ginagawa niya sa akin. Ultimo ang makitang sweet siya kay Daddy ay hindi ko nasilayan. She was often cold. . .and distant; maybe because their marriage was made to be fixed and not because they did love each other.
BINABASA MO ANG
There's Something About Lukas
Ficción General"There's something about Lukas, and he. . .is my biggest secret."