Chapter 7

427 11 0
                                    

"Are you seeing someone?"

Nabitin sa ere ang kubyertos na hawak ko dahil sa biglaang tanong ni Mommy. This was the first time she asked me that kind of question, at hindi ko alam kung bakit biglang kumabog nang mabilis ang puso ko gayong alam ko sa sarili kong wala naman akong kinikitang ibang lalaki.

"No," diretso kong sagot, hindi siya binabalingan ng tingin.

Si Daddy naman ay tahimik lang na kumakain at hindi nagsasalita. Ano pa ba ang bago? Ni minsan naman ay hindi siya nakisawsaw sa mga gusto ni Mommy para sa akin. He would just support her with the things she wanted—no questions, no buts.

"He's handsome."

Kunot ang noong napatunghay ako sa aking ina. "What?"

Nanatiling blangko ang reaksiyon niya. "The guy you're hanging out with."

Kaagad na kumabog ang puso ko sa kaba. Was she talking about Lukas? How did she know about him? Wala pa naman akong natatandaan na may naikuwento ako sa kaniya tungkol kay Lukas, maliban na lamang kung. . .

"Pinasusundan n'yo ba ako?" Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

"I don't see anything wrong with that." Sumimsim siya sa baso na may lamang juice bago ako malamig na tinignan. "So, tell me about this guy in your class."

Humigpit ang kapit ko sa kubyertos, nagsisimulang manginig ang mga labi habang hindi maipinta ang ekpresiyon. "He's out of your business, okay? He's just. . .a friend." At least for me.

She tilted her head like she was observing my expression; tila naghahanap siya ng butas na nagsisinungaling lang ako, na may ginagawa akong taliwas sa kagustuhan niya.

Nilabanan ko ang kaniyang mga tingin. There was no way she would accuse me like that when I did nothing wrong. I am not seeing anyone, not Lukas. May mga pagkakataon na madalas ko siyang makasabay patungo sa library, o makita siya sa 7/11, oo, pero hindi intensiyonal ang mga iyon.

I just. . .wanted to be friends with him. Bawal na ba ako ngayong makipagkaibigan sa mga lalaki nang dahil lang sa babae ako?

She gave me a faint smile. "Mabuti na 'yong malinaw," aniya. "Ayaw mo naman sigurong matulad sa pinsan mong si Calli, hindi ba?"

“Don't threaten her, hon. Baka matakot ang anak,” sabat ni Daddy subalit nanatilang determinado ang mga mata ni Mommy sa akin.

Mariin kong tinutop ang bibig matapos magsimulang manginig ng mga luha sa sulok ng aking mga mata. My hands began to tremble because I knew that it wasn't a treat; wala iyon sa bokabularyo ng angkan nila.

"Of course, I don't," mahina kong sambit, diretso ang tingin sa mga mata niya.

A small beam plastered on her lips. "Good. I just want what's best for you," she said, causing my knees to softened their strength.

Para akong naubusan ng enerhiya sa araw na iyon. I was gawking the whole day. Sa garden pa ng department ako tumambay nang natapos ang unang period namin dahil alam ko na kung sa library ako pupunta, makikita ko lamang si Lukas. It wasn't like he was going to approach me, but I might if I saw him.

Hindi naman sa gusto ko siyang iwasan—not that he cared if I ignored him. I just wanted to clear my mind. Kung bakit ganoon na lamang ang takot ko nang nalaman ni Mommy ang tungkol kay Lukas. I was pretty sure that it wasn't because she mentioned what her family did to Calli; no, that didn't horrify me.

It was something. . .I needed to figure out.

"Dismissed," wika ng aming instructor bago ito lumabas ng aming silid-aralan.

There's Something About Lukas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon