Chapter 4

508 15 2
                                    

“Good evening, everyone. Please go to your respective table. We’ll be starting in five minutes,” announced ng emcee.

I bit my nails as the venue started to fill with students wearing their suits and evening gowns. Kanina pa ako nakaupo rito sa table ng year namin, hindi mapakali ang mga paa sa pagtapik sa sahig habang pabalik-balik ang tingin sa screen ng cellphone upang tignan ang oras.

It had been 26 minutes, and Lukas didn’t show himself. Hindi rin siya online sa messenger, kaya hindi ko siya magawang i-chat. Kompleto na kami at siya na lamang ang kulang, though I was pretty sure no one would try looking for him, gayong ang plano naman talaga niya ay hindi pumunta.

“Drinks? Ayaw mo rin?”

Sumulyap ako kay Jhayson na ngayon ay nasa katabing upuan ni Darlin, may hawak na flask at nag-aalok ng inumin dito.

Darlin shook her head, not bothering to look at Jhayson. Kanina pa siya ganiyan, tahimik at nakabusangot. I didn't know how, ngunit si Jhayson na ang naging date niya ngayong gabi. Maybe she said yes to Jhayson's proposal after Lukas told her that he wouldn't be attending the party.

Now that I had thought about it. . . Shit.

Naitukod ko ang aking siko sa lamesa upang hilutin ang aking sentido. Sumasakit ang ulo ko sa mga kilos kong padalus-dalos. I should’ve thought about that sooner! Ano na lamang ang iisipin ni Darlin sa akin kapag nalaman niyang pupunta si Lukas pagkatapos ako ’yong date? Na patago kong sinusulot iyong lalaking gusto niya? Not that they're together for her to act like that, but still, I knew somehow that it would affect her. Lalo na't ilap si Lukas sa mga babae. She would surely wonder kung paano ko siya napapayag.

Ngunit hindi muna iyon ang kailangan kong isipin. ’Tsaka na lamang ako magpapaliwag kapag narito na siya. At bakit ba ang tagal niya?! Malapit na mag-trenta minutos!

Tiim-bagang na inilapag ni Jhayson ang flask sa lamesa, halatang iritado na.

“You okay, Pres?”

Bumaling ako kay Nikka.

“Kanina ka pa mukhang balisa,” dagdag niya.

Hilaw akong ngumiti. “I'm fine. Medyo nilalamig lang ako,” palusot ko at hinaplos pa ang mga braso.

Totoo naman na nilalamig ako, ngunit kaakibat niyon ay dahil sa kaba dahil ni anino ni Lukas ay hindi ko pa nakikita. Hindi naman siguro siya iyong tipo ng lalaki na iiwan ako sa ere matapos niyang sabihin na susunod siya. If he did really ditch me, dapat ay nag-chat man lang siya sa akin na hindi na siya tutuloy, ngunit hindi. . .

What if something happened to him? What if those men in black did something terrible to him?

No! Walang nangyaring masama sa kaniya! Kaya ko nga siya susunduin after 30 minutes, ’di ba? Para siguraduhin na maayos siya.

“Amori.” Suminghap si Darlin nang bigla’y tumayo ako sa aking kinauupuan.

I glanced at her, my hands getting cold. Bakas ang kunot at pagtataka sa kaniyang mukha marahil dahil sa biglaan kong pagtayo.

“I. . . I need to go,” wala sa sarili kong sambit bago ko inilibot ang paningin sa palihid upang hanapin si Zyrel na siyang bise presidente ng aming klase.

Natagpuan ko siya sa kabilang table, katabi namin kaya’t kaagad ko siyang nilapitan.

“Hi, Pres!”

“As always, Pres. Stunning,” bati ng ilan kong mga kaklase sa akin na tipid kong nginitian bago dumiretso sa mismong upuan ni Zyrel.

“Zyrel.”

There's Something About Lukas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon