HIRAYA: 08

4 0 0
                                    

The Jar Of Dreams - A collection of his notes for him.

February 10, 2023

Gustong gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon, dahil sa nadiskubre ko. Hindi ko inakala, kanina pa ako umiiyak dito ngayon, nabibigla ako sa sarili kong nararamdaman. Hindi ko inakala, hahahaha. Sorry, hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadyang mahalin ka. Mahal kita, oo, nakakabigla tangina. Kanina ko pa inuuntog sarili ko kasi baka kulang lang ako sa kain pero wala e. Nakita ko ang status mo, tungkol na naman sa kanya. Mahal na mahal mo talaga siya no? Nakaramdam ako ng sakit, bigla na lang may kumirot sa puso ko. Naisip ko bigla out of nowhere, kailan mo kaya gagawin sa akin iyon? Tapos napatanong ako ulit, bakit mo gagawin? Bakit ko ineexpect na gagawin mo? Bwiset, magkaibigan tayo, ni minsan hindi mangyayari ang lahat ng iyon, nakakatawa gago.

Iyon pala, gusto kita, tangina hindi lang basta gusto, mahal na ata kita.

February 12, 2023

Pangalawang araw na pero wala ka pa ring paramdam, hinintay ko reply mo pero wala, pero huwag ka na sigurong magreply muna baka kasi bigla akong mapaamin sa iyo, hindi ako handa. Ayokong umamin, never iyan mangyayari. Kung pinakita ko sa iyo ang buong pagkatao ko, siguro isa ang nararamdaman ko sa iyo ang itatago ko sa iyo, pasensya na kung sa lahat ay ito ang ililihim ko.

Magsisikreto muna ako sa iyo ha? Pasensya na rin kung iniiyakan kita mga tatlong araw na, ikaw kasi e. Joke lang, HAHAHAHA. Natanga na naman ako, paano ito? Eh tuwing natatanga ako ikaw ang nilalapitan ko? Ikaw ang sumasampal sa akin na tama na ang tangahan, paano ito ngayon, sa iyo na ako natatanga?

Tangina talaga.

February 14, 2023

Happy Valentines Day.

Counted ba pag binati mo ang taong mahal mo sa Valentine's Day kahit hindi niya alam na mahal mo siya at hanggang liham ka lang? Hindi bale, ang importante ay mahalaga.

Wala ka pa ring paramdam tangina, nasaan ka na ba? Naghihintay pa rin ako ng mga sagot mula sa iyo, iniisip ko na baka tinambakan na naman kayo ng gawain kaya bigla ka na lang naglalaho pero iniisip ko rin na baka tumakbo ka na papalayo at hindi ka na babalik. Huwag naman sanang ganon, may naiwan ka pa rito oh. Hinihintay ko iyong paliwanag mo. May mga tanong pa na hindi nasagot.

Tsaka,

Hindi pa ako nakakaamin sa iyo, kaya sana hayaan mo ako. Bumalik ka rito.

Anyways, Happy Valentine's Day, sana masaya ka ngayon kung nasaan ka man. Bumili ako ng bulaklak para sa iyo, ihabol ko na lang ang chocolates kasi baka langgamin lang dahil hindi ko naman kakainin dahil para sa iyo naman iyon.

March 3, 2023

Hello.

Halos isang buwan na rin, wala ka pa rin. Naghihintay ako para alam mo. Alam mo ba napatingin na lang ako bigla sa kalendaryo noong biglang tumunog ang cellphone ko sa isang familiar na alarm. Alas dose, gising pa ako, bigla siyang tumunog, wala naman akong natandaan na nagset ako ng alarm kasi nga bakit ako magseset ng alarm ng hating gabi eh hating gabi rin ako natutulog? Iyon pala, reminder na sinet ko last year, nakadefault na siya sa calendar ng phone ko. Happy Birthday kay bunso, kumusta na siya? Pakisabi sa kanya, hindi ako galit sa kanya, bumalik na siya sa akin, bumalik na kayo, pati ikaw. Miss na miss ko na kayo. Kailan niyo ba ako uuwian? May regalo pala akong ginawa para kay bunso, 17 na siya. Sana hindi na masama ang loob niya sa birthday niya kasi kagaya ng sabi ko noon, it's special because it's his day. Sa 18th birthday niya, bibilhan ko na siya ng material na bagay na mamahalin kasi he's on legal age na! Pag-iipunan ko ngayon pa lang, HAHAHA.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon