Ikatlong Kabanata.
1989.Jay Park.
"Bakit mo naman hinihingi iyong number ng bagong lead vocalist natin?" nagtatakang tanong sa akin ni Lia noong bigla ko siyang lapitan para lang sa number ni Heeseung.
Hindi ko rin alam ang pumasok sa utak ko at bigla kong hiningi number niya.
Paano kasi, ilang linggo na nasa akin itong panyo niya at nagagamit na rin. Ang ganda kasi ng quality ng tela, hindi pa ako nakakakita ng ganitong panyo sa mga tindahan. Nakatatlong laba na ako rito, pero hindi ko pa rin naibabalik. Nawala kasi sa isipan ko na hindi akin. Sa sobrang daming requirements at kung ano ano pang demands ng mga minor subjects kong feeling major.
I had been looking for Heeseung during my free time, kaso hindi ko siya mahagilap. Hindi ko siya makita sa campus. Hindi ko rin alam ang program niya. Wala rin siya sa naunang meeting ng music club.
Tsaka hindi lang panyo ang kailangan kong ibalik sa kanya kaya kailangan ko talaga siyang mahanap. May nakita pa akong mahalagang bagay na pakiramdam ko kailangan kong isauli. Ito iyong hindi ko pinakialaman dahil alam kong masyado itong personal.
Isang music box na naiwan niya sa upuan. Ako iyong nakakakita. Muntik ko pang maupuan dahil hindi ko napansin, buti na lang. Ugali ata niya na maiwanan ang mga gamit ng kung saan saan. O sadyang makakalimutin lang talaga.
"May kailangan lang akong ibalik sa kanya."
"Ang galing, nagkakilala na pala kayo." aniya sabay kuha ng papel at ballpen tsaka nagsulat, humahagikhik pa siya.
"Ayan na, libre mo ako mamaya ah."
Heeseung Lee - Business Management.
Number: 09*********
Email: seunglee09@gmail.com
Facebook: Heeseung (one name, nakaBNW profile, tapos iyong featured photo ay dagat)
Instagram: iamhee (public, puro pusa post)
heeseungarchives (photographs niya na mga sunset at dagat)
hee1989 (private, selective)
Twitter: lhs_1989 - main account
heearchives - dump account (priv)
Telegram: @pandorabox
Roblux: @pandoratale
ML ID: 567868888 (if online, baka naglalaro)
Telephone Number: 1234 - 7000Nalaglag panga ko noong makita ko lahat ng social media accounts ni Heeseung na nakasulat sa papel, eh iyong number lang naman ang hiningi ko.
"Huwag kang mag-alala, may permission lahat iyan ni Heeseung, sabi niya kapag may magtanong sa kanya, ibigay lahat ng iyan at kontakin daw siya sa any of those accounts." ngumisi siya. "Kung type mo iyong si Heeseung, okay lang ano ba. Ally niyo ako. Kaya ayan, i-go mo na."
Namula ang tenga ko sa pinagsasabi niya. I just want to return Hee's handkerchief sa kanya kasi nakakahiya na at ilang beses ko na ginamit. "Issue ka, may ibibigay lang ako. Pero salamat dito. Number lang naman ang kailangan ko. Libre kita mamaya."
Rinig ko pa ang hagikhik ni Lia noong umalis ako. Agad kong tinype ang number niya at tinext, sana lang talaga ay hindi siya mahilig magDND mode sa phone.
BINABASA MO ANG
HIRAYA
RomanceA book anonymously published by an individual gone viral and reached a wide range of people, that includes Jay Park, a college student from Ateneo De Manila University who was never interested in novels. That novel had somewhat caught his attention...