KABANATA 02

4 1 0
                                    

Ikalawang Kabanata
Siren

Jay Park.

Exam na naman, kapagod.

Kaunti na lang ay iuntog ko na ang ulo ko sa desk ko habang nakikinig sa lecture ng professor sa harapan at pilit na sinawalangbahala ang announcement niyang mag-eexam bukas.

I just took a 100 item quiz a while ago sa isang major, may reporting pa mamaya. It's so overwhelming. Sarap magdrop out.

Kung wala lang akong pangarap, I ended up quitting my course and stay at home just to sleep. Because I no longer understand if the schools are aiming to create future professionals or just kill them with numerous school works and burned them out using activities.

Tanginang education system. Tapos gusto ko maging educator no? Galing.

Paglabas ko ng lecture room ay dumeretso agad ako sa cafeteria para bumili ng kape. I need to freshen up because everything is overwhelming lately, sabayan pa ang hindi magandang mood ni lolo na ewan ko kung ano nangyari. Isang linggo na siyang palaging galit. He would often project his emotions to the maid, or to his staffs in the office. Narinig ko na lang sa secretary niya na lolo fired another employee dahil sa sobrang galit na hindi ko alam where nagmula.

I tried talking to him pero hindi rin talaga siya makausap ng maayos because he do not allow anyone to disturb him inside the office.

"Mainit pa rin ba ang ulo ng lolo sungit?" tanong ni Hoon noong nagkita kami sa locker area para sa susunod na subject na sabay naming pupuntahan.

"Yes." bumuntong hininga ako. "Kailangan ko na atang samahan sa doctor si Lolo, masyado na lumalala ang anger issues niya."

"He might going through something we don't know bro." nakanguso niyang sambit. "Kausapin mo siguro muna si Lolo sungit, baka mamaya may pinagdadaanan pala iyan na hindi natin alam. Alam mong ayaw non sa mga doctor, baka madaan pa iyan sa usapan. Kilala mo naman kung paano magtago iyong lolo mo."

My grandfather is not use to opening up his feelings. Nahahalata lang namin na mayroong mali sa kanya dahil sa mga kilos niyang nakakapagtaka. He do have issues with his temper, now with his attitude. I was thinking na baka kailangan ni lolo ng session with a therapist, pero alam kong di rin iyon makakatulong. Ayaw ni Lolo sa mga doctor.

Kaya kahit ano pang mangyari sa kanya when it comes to his health, as long as hindi malala, hindi siya nagpapatingin sa doctor dahil lalo siyang magkakasakit kapag nakakakita siya ng isa. Hindi rin niya gusto ang amoy ng ospital.

"Ayaw mo sa hospital, yet you're finding ways for you to be admitted here, lo. Ano ba naman iyan, bakit hindi mo ininom ang gamot mo, tapos hindi ka pa kumain?" panenermon ko sa kanya noong makarating ako sa hospital. Muntik na akong lumipad the moment I got a call from his office na natumba raw siya sa opisina.

Ayon sa secretary niya ay hindi raw kumain ng maayos at puro kape na lang. Agad akong kumaripas papunta sa ospital, skipping my next class just to see him.

"I know you love coffee lolo, pero kailangan mo rin ng kanin." inayos ko ang kumot sa kanyang higaan.

"I'm fine, Jay." sagot niya sa akin. "Nakalimutan ko lang kumain, masyadong maraming kailangang gawin sa opisina ngayong araw." nag-iwas siya ng tingin kasunod ng buntong hininga.

"Lo, are you hiding something from me?" tanong ko pabalik. Gulat siyang napatingin. "What are you talking about?" sagot niya tsaka naglibot ng tingin. "Umuwi na tayo Jay, alam mong ayaw ko sa mga hospital. Ayos lang ako, nahilo lang ako kanina."

"Lolo," tawag ko, ignoring what he had just said. "What's wrong?"

My grandfather could never lie to me, I had been with him for my whole life and I know when something is really wrong.

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon