Hiraya; Panaginip Sana
An original song compositionDedicated to my one and only greatest love.
This is not the full version since I decided to gatekeep some parts of the lyrics, hoping that if ever I got the chance, I'll sing the song to him personally, with it's full lyrics.
(Verse 1)
Di mawari ang takbo ng isipan
Utak ay nakalutang sa kawalan
Naiisip, natutuliro
Bakit ka nandito?
Mahal ko, panaginip lamang ito
Bakit di na lang naging totoo?Isa kang kathang-isip
Gumuhit ang iyong larawan
Sa aking panaginip
Isang anghel na naghahalukhiphip
Kibit balikat na nakatitigO'kay tamis pagmasdan
Kay pait maramdamanKay tagal na rin mula noong
Ako'y iniwan mo
Natutuliro, bakit di na tayo nagtagpo?
Hiwaga ng inyong mga tingin
Ay para bang hiraya sa akinHugis ng inyong mata'y tumatak sa akin
Di mawari bakit ika'y nakatingin
Kahit ika'y di na akin
(Di ka magiging akin)
(Di ka naging akin)(Chorus)
Oh hiraya, ika'y kathang-isip
Humihiga sa aking panaginip
Ang puso'y naghahangad
Na sana'y di ka kathang-isip
Oh hiraya, nais kang makita
Nang hindi sa panaginipAng mga sulyap mo'y isang kathang isip
Ramdam ang yakap mong hanggang panaginip
Naghahangad, nag-iilusyon(Post-chorus)
Ala-ala mo'y patuloy nakabaon
Aking musika, mahal kong hiraya
Iniisip, nagtatanong
Sana narito ka pa
Mahal ko, ako'y pagod na
Ngunit patuloy na lumalaban pa
Para sa pagmamahal na
Hindi ko alam
Kung san papuntaUmaasang maramdaman
Ang sulyap at yakap
Na hindi hanggang panaginip(Repeat Chorus)
(Verse 2)
Mahal pa rin kita
Kahit ika'y isa na lamang kathang-isip
Di mawala sa aking panaginip
Naghahangad sa iyong pagbalik
Hiraya, isa kang panaginip
Sana'y di ka na lang kathang-isipSana'y di ka na lang kathang-isip
Oh hiraya, aking mahal sa panaginip(Repeat post-chorus)
(Bridge)
Paglipas ng mga taon
Ang puso ko'y sayo pa rin aahon
Di aalpas, kakapit pa
Sinta, kakapitan kita
Mahal, hihintayin kita
Nasasaktan na, pero anong magagawa
Mahal pa rin kitaKahit sa panaginip, oh hiraya, aking kathang-isip
Aking mahal sa panaginipSana sa pagdaong at ating pag-ahon
Ako'y mamulat na
Na ika'y isang malaking sana
BINABASA MO ANG
HIRAYA
RomanceA book anonymously published by an individual gone viral and reached a wide range of people, that includes Jay Park, a college student from Ateneo De Manila University who was never interested in novels. That novel had somewhat caught his attention...