Simula

97 10 35
                                    

Topic Warning: Violence, Gunshots, and Death

———

Year 1988…

Isang lalaking may hindi katandaan ang patuloy na tumatakbo at tinatahak ang kadiliman ng Bundok Sungay. Ramdam na niya ang pagod. Tagaktak na rin ang pawis niya mula ulo pababa sa katawan. Tumigil siya upang habulin ang paghinga. Hinubad niya ang suot na lab gown para gawing pamunas sa kaniyang pawis. Nais man niyang uminom ng tubig malapit sa ilog ng bundok, ngunit hindi niya magawa.

Muli siyang naging alerto nang makarinig siya ng mga yapak at kaluskos.

"Magpakita ka sakin!" Isang malaki, katakot-takot, at mala-demonyong boses ang pinakawalan ng lalaking naghahanap. Maitim ang mga ilalim ng mata nito at tila nawawala sa sarili.

Agad siyang tumakbo nang marinig ang tinig ng mga taong humahabol sa kaniya kahit na nahihirapan na siyang huminga.

Nanlaki ang mata niya nang hilahin siya ng kung sino patago sa isang malaking puno. Tinakpan nito ang kanyang bibig gamit ang isang panyo upang hindi makagawa ng ingay. Nang tingnan niya kung sino ito, agad na palagay ang loob niya.

Tinanggal nito ang pagkakatakip sa bibig ng lalaki pero agad nitong sinenyasan ang kasama na huwag maingay.

Gaya ng lalaki, may suot din itong lab gown. Nakatali ang mahaba niyang buhok, at medyo madungis na ang kanyang mukha. Ngumiti ang lalaki dahil buti na lang ay buhay pa ang natitira niyang kasamahan. Pero ilang minuto lang ang nakalipas, nawala ang mga ngiti niya sa labi nang makarinig sila ng putok ng baril malapit sa pinagtataguan nila.

Sinilip nila ang lugar ng kaganapan.  Nakita nila ang isang lalaking nakasuot pang giyera. Nakatutok ang baril nito sa lalaking humahabol sa kanila na ngayon ay nakadapa na.

Tumakbo siya papunta sa lugar ng kaganapan. "Heneral! Huwag mo silang patayin! Magagamot pa natin sila!" Aniya habang tumatakbo. Nakasunod sa kaniya ang kasamahan niyang babae.

Tumingin ang Heneral sa kanila. Walang emosyon ang mga mukha. Itinutok nito ang baril sa mga bagong kalalabas lang mula sa pinagtaguan.

Lumuhod siya sa harapan ng Heneral.

"Parang-awa mo na... bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon, Heneral."

Hinawakan ng babaeng naka-lab gown ang kasamahan sa balikat at pilit na pinatatayo ito.

"Hijo de puta. Hanggang kailan kami maghihintay sa proyekto na 'yan!?" Sigaw ng Heneral. Galit siyang tumingin sa dalawa.

"H-hindi kami titigil... hanggat hindi tayo n-nagtatagumapay, Heneral." Sagot ng babae habang umiiyak.

Ikinasa ng Heneral ang hawak niyang baril. Itinutok niya ito sa babae at saka kinalabit ang gatilyo.

Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ng babae. Akala niya'y mawawala na siya sa mundo. Binaril pala ng Heneral ang isa pang lalaki na gaya ng humahabol sa kanila kanina.

Ibinaba ng Heneral ang hawak niyang baril. "Don't disappoint me this time." Malamig nyang wika. Tumalikod na siya upang pumunta sa ilog at doon maghugas ng kamay.

Pinagsama-sama ng mga militar ang mga bangkay ng mga namatay. May mga sibilyan na gusto lamang mamasyal sa nasabing bundok ngunit nadamay sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga kasamahan ng dalawang doctor na siyang gumagawa ng gamot, at ang iba pang mga militar.

Humukay sila ng sobrang lalim at doon nila ibinaon ang mga ito.

Sa isang gabi lang, sila'y pinagkaitan na makita ang kagandahan ng hinaharap at binawi ang buhay na hiram para sa sariling kagustuhan.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon