Topic Warning: Physical and Verbal Abuse, Suicide, Murder, and Death
🖇️s' notes
sorry for the late update
ueue
and if may kulang sa topic
warning sabihin niyo agad
ueueue---------
The Villainous Girl: Angelica Alexis Villarreal
"Have you heard about the news?"
Angelica looked at Chrystal. "What news?" She asked.
"Patay na si Klaude." Chrystal looked at her. Itinapat nito ang phone niya sa kaibigan.
"Who did that!? Sobrang OMG!" Angelica responded.
"I don't know. Pero ang sabi rito, wala na ang phone ni Klaude pati na ang wallet nito." Chrystal explained.
Napatingin sila sa pintuan nang bumukas ito at pumasok ang dalawa pa nilang kaibigan. Si Krissandra at si Rie.
"Anong meron?" Sydney asked.
"Klaude is dead," Chrystal responded.
"Yung running for valedictorian sa star section?" Krissandra asked.
Angelica nodded. "Yeah. It seems like ninakawan pa siya after sex."
"Pinutol pa private part niya." Dagdag ni Chrystal.
Rie tsked. "Kawawang birdie."
"WTF ka..." Krissandra laughed.
In the next following days, mas dumami pa ang kaso ng mga lalaking namamatay gabi-gabi. Same case, same cause of death, same murderer. Nawawala ang mga wallet at iba pang mga mamahaling gamit nila. Madalas ay sa hotel, sa condo, at sa kalsada nakikita ang mga bangkay.
They only have two suspects.
Two girls na palaging nakikita sa CCTV footages na lumalabas ng building.
"Gabriella Herrera, meron kaming arrest warrant para sayo."
Nanlaki ang mata ni Rie sa narinig. "A-ano hong g-ginawa ko?"
"Murder and robbery."
"Hindi ako! Ano ba? Hindi ako!" Nagpumiglas si Rie nang hawakan siya ng mga pulis.
"May karapatan kang manahimik o mapagsa walang kibo, lahat ng sasabihin mo ay maaring gamiting pabor o laban sayo sa harap ng korte, may karapatan kang kumuha ng abogado, kung hindi mo kayang kumuha ng sariling abogado ang gobyerno mismo ang magbibigay sayo."
"Angelica! Tulungan mo naman ako!" Rie cried, nagmamakaawa sa kaibigan niyang nakatayo lang sa front door ng bahay niya.
Angelica started to tear up. "S-sorry..."
Wala nang nagawa si Rie nang posasan siya ng mga pulis at ipasok sa kotse. Nakatingin lang siya sa kaibigan niya hanggang sa makalayo ito.
"Not sorry." Angelica smirked before wiping her tears. "Shit, pwede na akong artista." Proud niyang sabi sa sarili.
Justine came out in front of him. "What did you do?"
"Nothing, just cleaning up my mess." She replied.
"Why did you frame up my sister?" Tinignan niya ng mariin si Angelica.
"Kasi uto-uto siya? Kasi bobo ang mga pulis? Kasi uhm... bored ako?" Natatawang sagot niya. "Kasalanan ko bang tanga 'yang half-sister mo?"
"Bakit mo ba ginagawa lahat ng 'to!?" He yelled.
"Kasi ang fuck up ng mundo! Sobrang unfair!" She yelled back.
Hinila siya ni Justine papasok sa loob ng bahay nila. "What you did was wrong. Framing my sister is also wrong."
"Putangina, kailan ba ako may nagawang tama!?" Her tears started to fall again. This time, it's real.
"Those luxury things just blinded you! Hindi ka naman ganyan dati." Justine stated.
"Ano ako dati?" Natatawa niyang sagot. "Bata pa lang ako, ako palagi ang hindi binibilhan ng mga magagarang gamit. Bata pa lang ako kailangan ko nang paghirapan lahat ng gusto kong makuha. Bata pa lang ako, Justine, inggit na inggit na ako sa mga katulad niyo!"
Justine went silent. He cannot find a word to tell.
Her expression changed. "Edi pinag-hirapan ko 'yung gusto ko." She smirked. "You see. I dated all those freaking guys na sex lang ang habol sakin. Pumayag ako sa gusto nila. But, in one condition."
"They need to pay you," Justine replied.
"Exactly." Angelica smiled. "Ang hindi magbayad, hindi na sisikatan ng araw kinabukasan." She laughed.
"Hindi ako ang gagamitin nila, sila ang gagamitin ko."
A week later, Krissandra, Chrystal, and Angelica decided to visit their friend, Rie. However, they need a guardian since they're still a minor, unlike Rie who is eighteen years old na.
So they come with Rie's older sister, Nath.
"Okay lang ako." She stated first as the four did not say a word.
"I cooked your favorite food," Nath said, handing the lunchbox to her.
She smiled. "Thank you."
Nath excused herself when she saw the handcuffs in her sister's hands nang abutin nito ang lunchbox. Hindi niya kayang makitang nasa ganong kalagayan ang kapatid niya. She treasured her the most and yet she cannot help her get out of the jail.
Nang sundan ni Chrystal at Krissandra si Nath, Angelica was left alone with Rie.
"Do you wanna hear a secret?" She asked, smirking.
"Bakit mo ginawa sakin 'to?" Rie asked.
Angelica smirked. "So, you knew."
"I think of you as my real sister." Rie started to cry. "I felt betrayed."
"Really?" Angelica chuckled. "Then, why don't you end yourself so you cannot feel that way?"
Nanlaki ang mga mata ni Rie habang nakatingin kay Angelica. Hindi siya makapaniwalang kaya itong gawin sa kaniya ng kaibigan.
"No one wants you alive, Gabriella." She laughed. Tumayo na siya para sundan ang mga kaibigan.
Nakatulala lang si Rie habang inaalalayan siya ng mga pulis pabalik sa selda.
Kinabukasan, Justine came in Angelica's condo unit na bigay sa kaniya ng bago niyang biktima. "Angelica!" He called. Galit ito nang mabalitaan ang nangyari sa kulungan.
Bumukas ang pinto at sumilip mula sa loob si Angelica na inaantok pa. "Ano ba 'yon-"
Biglang tinulak ni Justine ang pinto. Tumama ang likod ni Angelica sa pader. Kinwelyuhan siya ni Justine. "Patay na ang kapatid ko. Masaya ka na ba?"
"Oh," Napangiti si Angelica sa narinig. "She did my advice huh?"
"Putangina." Mas diniin ni Justine ang pagkakahawak sa kwelyo ni Angelica at galit na galit na tumingin ulit sa kaniya. "I'll get the justice she deserves. Mabubulok ka sa kulungan."
Napaupo siya sa sahig nang bitawan ni Justine ang damit niya.
"Ngayon gets ko na kung bakit hindi ka mahal ng mama at papa mo." He stated before leaving.
***
"What the fuck?"
"Ginawa 'yan ni Angge?"
"Shh!"
"Ay, sorry, ***."
"Nandito rin pangalan mo, ***."
"Okay lang 'yan, Rona. Wala naman akong pinatay. 'Di ba, ***?"
"Nagnakaw ka pa rin, ***."
"'Wag nga kayong mag-away."
"Publish mo na 'yang story ni Villarreal."
BINABASA MO ANG
Silakbo
Mystery / ThrillerAng mga estudyante sa ika-12 baitang Pangkat Z mula sa Unibersidad ng Granby ay kinikilala bilang mga patapon at wala ng pag-asa sa buhay. Bilang parte ng kanilang proyekto sa siyensya ay kinailangan nilang bisitahin ang Bundok Sungay sa pamamagitan...