Topic Warning: Prostitution, Mention of Rape, and Verbal Abuse
—————
AOI HIDALGO: THE GRANDE HORIZONTALE
I was ten years old and had already tasted this country's bad side. I was thirteen and have become a victim of poverty and crime. I was fifteen and had experienced being at the bar, taking what customers wanted, and if they wished to have me in their bed, they would have me in their bed.
I am seventeen now, and I just want to be a normal teenager. Going to school, talking with their friends, and laughing without thinking about the consequences.
I want to live a normal life.
Ang unfair ng mundo.
Gusto ko lang naman ng maayos na pamumuhay pero ang binigay sakin ay mga demonyo.
Totoo ngang kapag may pera ka, mayroon kang choice. Kapag mayaman ka, magagawa mong gawin ang lahat ng gusto mo.
You can live the way you want if you have money in your hand.
“Asan ang kinita mo kagabi?” Tanong sa akin agad ng nanay ko pagpasok ko sa bahay. May hawak siyang bote ng gin at lighter. Malamang ay maglalasing na naman siya ng ganito kaaga.
It’s five in the morning at katatapos lang ng duty ko sa bar kung saan niya ako pinasok para magtrabaho noong thirteen years old pa lang ako.
Binigay ko sa kaniya ang sampung libo. Binilang pa niya ‘yon bago tumingin sa akin ng nakakunot ang noo.
“Ito lang?” She asked disappointedly.
Umirap ako at nilampasan siya. “What do you expect? A million?” Pabalang kong sagot. Hinubad ko ang suot kong takong at umupo sa isang mono block para hilutin ang paa ko.
“Hindi ka na naman tumanggap ng maraming customer?” Naiinis na tanong niya.
Hindi ko siya pinansin.
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ‘wag kang mamimili ng lalaki!? Kung gusto nilang ikama ka, magpakama ka!”
I looked at her with a blank expression. “Edi ikaw magpakama, ikaw nakaisip e,” I responded.
Tumayo na ako para umakyat sa kwarto ko. Hindi ko na kayang makipag-usap sa kaniya.
It sucks to have her as a mother.
Siya ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ko.
When I was ten years old, she brought her so-called boyfriend into our house. I thought he was nice just like my father. Akala ko siya na ang papalit sa namatay kong ama. I can treat her like a real one but…
That fucking boyfriend of hers raped me.
At itong ina ko ay wala man lang ginawa.
Akala ko 'yon na ang pinaka worst na nangyari sakin.
Tangina, akala ko lang pala.
My mom broke up with that guy and brought another into our house. The new guy did the same to me. So she broke up with that one and found another one, and the cycle began.
Just when she learned that lahat ng naging boyfriend niya ay nagkakaroon ng interes sakin, she used that thought and made me her business.
She stopped looking for a boyfriend. Instead, she started looking for a customer.
I begged for her to stop. Iniyakan ko siya, niluhuran, nagmakaawa akong 'wag niya 'yon gawin sakin pero para bang hindi niya ako pinakikinggan.
Noong thirteen years old ako, binigay niya ako kay Feliz, ang manager ko ngayon sa bar, para gawing prostitute. Akala ko hindi papayag ang babaeng 'yon dahil menor de edad ako pero putang ina, akala ko lang pala.
Akala na naman.
Kung maraming namamatay sa maling akala, bakit hindi pa ako mamatay-matay.
I once asked her why, dahil gusto kong malaman kung bakit niya ako laging ibinebenta sa mga malilibog noong ten years old ako, gusto kong malaman kung ano ang dahilan at ipinasok na ako sa bar para maging prostitute knowing na I was just thirteen years old.
But she answered me, shouting, raging with anger, "'Wag ka nang mag reklamo dahil mahirap lang tayo!"
I wanted to tell her na meron! Maraming matinong trabaho dyan pero bakit mas inuna niya noon maghanap ng boyfriend!? Kung iniisip niya ako, at hindi ang pansarili niyang kagustuhan, malamang ay hindi ganito ang buhay ko.
Hindi magiging ganito ang buhay namin.
"Gusto ko nang tumigil, ma."
Kauuwi ko lang ulit galing trabaho at ang nanay kong may hawak ng emperador lights na naman ang nadatnan ko sa sala.
"Gutom ka lang, kumain ka na dyan." Malamig niyang sagot.
Tumulo ang luha ko. Pagod na ako. Ilang lalaki ang kumama sakin ngayon dahil gusto kong kumita ng malaki at ibigay lahat 'yon sa kaniya.
Inilapag ko ang bag ko na maraming laman na pera. Pati ang inipon ko ng ilang taon ay nandyan na.
"Five hundred t-thousand 'yan ma. Kasya na siguro 'yan para mag-umpisa tayo ulit?" I cried.
Tinignan niya ako.
Her eyes became sorrowful when she saw me crying.
"Ma, pagod na ako." I sobbed. "Gusto ko namang mabuhay bilang isang normal na tao."
She started to cry. Puno ng pagsisisi ang mga hikbi niya.
"Ipinagkait mo na sakin ang ilang taon, ma." I hold her hand while sniffing. "Pwede ko bang hingin ko na sayo ang mga susunod na taon?"
Hindi siya sumagot at tumingin lang sa ibang direksyon.
Sa pangalawang pagkakataon, lumuhod ako sa harap niya. "Nagmamakaawa ako sayo ma…" I put my head on her hands at doon umiyak. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Ma… please… ayoko na ng ganito."
Lumuhod rin siya para pantayan ako. Umiiyak siya habang nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ko.
"P-patawarin mo ako, nak…"
I shook my head.
"B-binayaran na ako ng malaking halaga ni Mr. Ferrer. Gusto ka niyang maging asawa."
Parang bumagsak ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala pero ginawa na niya ito noon sakin.
"Patawarin mo 'ko, Aoi. Patawarin mo si Mama…"
Akala ko sapat na 'yung perang inipon ko para saming dalawa, hindi pala.
Maling akala na naman.
Tumakbo ako palabas ng bahay namin nang umiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Ang gusto ko lang ay makalayo sa bahay na 'yon. Ang makalayo sa nanay ko. Ang makalayo sa lahat.
Mr. Ferrer.
Ang tatay ni Gabriel Ferrer.
Ang tatay ng lalaking mahal ko.
BINABASA MO ANG
Silakbo
Mystery / ThrillerAng mga estudyante sa ika-12 baitang Pangkat Z mula sa Unibersidad ng Granby ay kinikilala bilang mga patapon at wala ng pag-asa sa buhay. Bilang parte ng kanilang proyekto sa siyensya ay kinailangan nilang bisitahin ang Bundok Sungay sa pamamagitan...