Ate At's Note: Hi loves! Malapit na tayo mag 2k views! Although, hindi naman ganun karami but, still I am happy na padami ng dami yung mga readers. I hope rin na mas dumami pa like 5 to 10k? HAHHA. At dahil ginanahan ulit si Ate. Here's an update! Enjoy my loves.
(Ps. Nag eedit ako ngayon ng ibang previous chapters. May nadagdagan, may napalitan, etc. Kaya naman feel free to reread it for a better understanding of the flow of the story. I'm also trying my best to update at least three to five chapters before school starts. August 22 start ng klase ni Ate pero, no worries I will keep updating the best as I can and will find time to write.)
THIRD PERSON
Tahimik na pinagmamasdan ni Masafumi ang tanawin mula sa private room ng arena. Ang room na iyon ay para lamang sa mga opisyal na membro ng council. Tanaw nito ang unti unti na napupuno ang mga bench ng mga estudyante na narito upang mapanood ang nagaganap na laban ng mga senior high. Dahil sa biglaan ang tournament na 'ito na naganap isang linggo pa lamang ng klase ay muhkang nakuha ng atesyon ang bawat estudyante sa iba't ibang lebel.
Masafumi just stood there. Para ba itong isang rebulto dahil sa walang galaw nito na nakatitig lang na nakatanaw sa labas. Walang ni-isa ang lumapit o kuma-usap sa kanilang presidente dahil ramdam nilang wala rin ito sa mood.
Napatingin si Blythe sa kaniyang katapid na napahikab. Yuki stretched his arm. Bored na bored na napatingin pa ito sa presidente nila bago inilapit ang kaniyang muhkang kay Blythe. May ibubulong sana ang binata ngunit nagtaka ito sa naging reaksyon ng dalaga. Bahagyan naman itong lumayo at napakunot 'noo sa ginawa ng binta.
Nagtataka itong nakatingin sa dalagita na tinarayan lamang siya. "Problema mo?" Tanong niya sa katabi.
Napairap si Blythe. "Wag mo kong lalapitan baho ng hininga mo." Ani nito na ikinasinghap ni Yuki.
"Grabe? Nagtooth brush ako!" Dahil sa lakas ng boses ni Yuki napabaling sa kaniya ang ibang membro ng council.
"You? Nagtotooth brush? As if." Blythe flipped her hair.
At dahil mapang-asar si Yuki. Mas lumapit pa ito kay Blythe at hinawakan ang pisnge ng dalagita at sapilitan na pinapaamoy ang kaniyang bunganga. "Haa. Amoyin mo pa!"
"The fuck? Lumayo ka sa'akin! Kadiri!" Sinapak naman nito si Yuki na napa-aray na lamang at napahawak sa pisnge na namumula.
Hinimas himas nito ang pisnge bago bumulong ngunit sapat na marinig ng katabi. "Gorilla talaga." Bulong nito.
Napataas ng kilay si Blythe. "Ano sabi mo?"
"Both of you shut up." Bigla suway ni Taliah sa dalawa na nakatayo na pala sa likuran nila at parehas itong binatukan.
"Ouch!"
"Ow." Napakamot si Yuki. "Ano ba naman 'yan, Vice Pres. Sinapak na nga ko nitong gorilla pati ikaw binatukan mo pa ko?" Komento nito. Tiningnan lamang siya ni Blythe ng masama.
"Can't you two freaking sense the vibe of this room or what?" Nagkatinginan si Blythe at Yuki sabay silang napatingin sa pwesto ni Masafumi na nakatayo pa rin na nakatingin sa labas tanaw ang arena.
Muling nagkatinginan ang dalawa at napatingin ulit sa kanilang vice president. Blythe shrugged her shoulders while Yuki just hummed na parang walang paki-elam.
"Let him be. Nag-eemote lang yan." Ani ni Yuki sabay tumayo mula sa kinauupuan niya. Naglakad ito tungo sa kabilang bahagi ng kwarto. Binuksan nito ang isang mini ref na katabi lang kung saan nakaupo ang ibang membro ng council. Kumuha ito ng isang slice ng chocolate cake bago bumalik sa kaniyang kinauupuan.
YOU ARE READING
Prison University: Jail of the Devils
ActionKanao Serizawa is a smart, kind, gentle woman. She is downright gorgeous like a blooming flower-no, like a Goddess of Beauty. With her intense green eyes, long eye lashes, stylish eyebrows, perfect cupids bow pinkish lips, pale skin, pointed nose...
