------------------------------------------------------------------------------------------------------------
" i always trying loving someone,
but still i always end up of breaking up with them
because whatever i do, my hearts always loving you"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"NANDYAN NA SI ATE AYA! ! !" sigaw ng kapatid ni Aya na si Heidi ng makita siya nitong palabas ng airport. Galing siya sa Canada, nag trabaho siya duon bilang isang receptionist sa isang sikat na hotel para mapagamot ang Tatay niyang may sakit sa puso. She gave up everything just for the sake of her father and her family.
Masaya siyang sinalubong ng Tatay at Nanay niya, pati na din ng apat niyang mga kapatid. Lima silang mag kakapatid at pang-apat siya. Tatlong lalake at dalawa lang silang babae ni Heidi. May mga pamilya na ang mga kapatid niyang mga lalake. Si Heidi naman ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Siya ang nag susuporta sa pamilya niya kasama na dun ang mga pamilya ng mga kuya niya since wala naman itong mga trabaho. Wala siyang reklamo kahit sobrang hirap na ang nararanasan niya sa ibang bansa. Basta't makita lang niyang masaya ang kanyang mga pamilya.
Niyakap niya ang mga ito. Masayang-masaya siya ng mga oras na iyon. Humigit kumulang anim na taon siya sa Canada. Hindi niya mapigilan ang lumuha ng mayakap niya ang mga ito.
"oh anak bakit ka umiiyak?" tanung ng Tatay niya.
"wala po Itay masaya lang po ako na nakita ko na ulit kayo" sagot naman niya sabay pahid sa kanyang mga luha.
"tara na nga't tayo'y umuwi na ng makapagpahinga at ng makakain ka na" wika naman ng Nanay niya sabay akbay sa kanya.
Binitbit ng mga kapatid niya ang mga dala niyang mga maleta at isinakay ito sa isang van. Pagkatapos nun ay umalis na sila. Habang nasa byahe sila ay naka tingin siya sa labas ng bintana.
"ang laki na po ng pinag bago ng Pilipinas" wika niya.
"naku sabi mo pa, hight teach na ngayon dito " sagot naman ng kuya Gado niya na nag mamaneho.
"high tech kuya hindi high teach" saway naman ng kapatid niyang si Heidi dito. Umugong ang asaran sa loob ng van na isa rin sa mga namiss niya pag mag kakasama sila ng mga kapatid niya. Tumawa na lang siya habang nag aasaran ang mga ito.
Muli niyang ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan. Patuloy siya sa pag tingin sa mga nag tataasang mga gusali na nung umalis siya ay wala pa. Nakita niya din ang mga ibat-ibang mall. Di nag tagal ay dumating na sila sa bahay nila sa Quezon City. Nagulat siya dahil kahit iyon ay nag bago. Nag karoon na ito ng tatlong palapag at may rooftop pa.
"pina ayos namin yung bahay anak" wika ng Nanay niya.
"buti naman po, ang ganda na ng bahay natin Nay"