Chapter 8

24.1K 608 74
                                    

NAKATULALA AKO habang iniisip ang aksidenteng nangyari kahapon. Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang halik na pinagsaluhan namin ni Eros.

Hindi tuloy ako makakain ng maayos kahapon dahil sa nangyari. Si Eros naman ay patay malisya sa nangyari at sinabi sa 'kin ay kalimutan ko nalang daw ang halik na yun.

Ngunit, hindi ko magawa dahil yun ang unang first kiss ko. Kung para sakanya ay wala lang yun, pero para sa 'kin mahalaga yun. Pangarap ko kasi talaga dati na si Eros ang maging first kiss ko, at talagang na tupad pa. Kaya para tuloy akong tanga na nakatulala kahapon hanggang sa pag-uwi ko. Hindi ko kasi makalimutan ang labi ni Eros, napakalambot nito.

Wala akong pasok ngayon kaya nakahiga parin ako habang nakatitig sa kisame.

Hinihintay ko din na mag text si Eros sa 'kin. Sabi kasi niya kahapon na lalabas daw kami ulit. Ngunit, hindi niya sinabi kung anong oras. Kanina pa din ako panay text sakanya pero kahit isa man lang ay wala siyang reply.

Bumuntong hininga ako at napalingon sa bedside table ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sa pag-aakala na si Eros ang tumawag ay dali-dali akong bumangon at agad kong inabot ang cellphone.

Umupo muna ako sa kama saka ko pinindot ang cellphone ko. Nawala agad ang ngiti ko ng makita ko ang pangalan ni Marigold.

Binuksan ko ang message niya at agad kong binasa. Hindi ko alam kong re-replayan ko ba siya. Gusto kasi niyang makipag kita sa 'kin dahil may gusto daw siyang sabihin sa 'kin.

Inilapag ko nalang ang cellphone ko ulit sa bedside table saka ako tumayo para magbanyo.

Pumasok ako at agad naghilamos ng mukha. Habang ginagawa ko yun ay iniisip ko si Eros. Siguro ay hindi niya nagustuhan ang nangyari kahapon kaya hindi na siya nagparamdam sa 'kin. Sino ba naman kasi ako.. isa lang naman akong nerd na simpleng babae. Baka nandiri yun sa 'kin.

Nang matapos ako sa banyo ay agad akong bumalik sa kama at umupo. Saktong umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko 'to. Nakita ko ang pangalan ni Eros kaya agad ko 'tong binuksan.

Napangiti ako dahil sa message niya na humihingi ito ng pasensya na hindi matutuloy kami ngayon dahil nandoon daw siya sa Leyte.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay hindi na siya magpaparmdam sa 'kin dahil sa kiss na yun. Siguro ay kakalimutan ko nalang ang nangyari para hindi ako mailang kay Eros kapag magkikita kami ulit.

Tumayo ako sa kama at napagdesisyonan na magluto ng pagkain ko. Bigla akong nagka ganang magluto dahil sa chat ni Eros.

Kinuha ko muna ang lulutuin ko ng biglang may kumatok sa labas ng apartment ko. Kumunot ang nuo ko dahil wala naman akong inaasahan na bisita.

Kahit nagtataka ay lumapit parin ako sa pinto at agad kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang mukha ni Mari na may ngiti sa labi.

"Mari.." sambit ko sa kanyang pangalan.

"Hi!" Bati niya sa 'kin.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong sakanya. Huling pagkikita namin kasi yung inaway niya ako at sinabihan ng kung ano-ano.

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya. Kahit ayaw ko ay niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan.

Pumasok siya sa at agad umupo sa nag-iisang stool ko sa apartment. Ako naman ay isinara ang pinto saka ako humarap sakanya.

"May kailangan ka ba sa 'kin?" Tanong ko sakanya.

"Yes. Wag kang mag-alala, wala akong balak magtagal dito sa apartment mo." Sabi niya sa 'kin.

Assassin Series 10: Eros MendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon