Chapter 33

28.8K 681 82
                                    

NANDITO KAMI ngayon sa Nueva Ecija kasama ang pamilya ko. Pinuntahan namin ang puntod ng kakambal ko.

Puro hagolhol ng iyak ang maririnig bawat isa sa pamilya ko. Naipaliwanag ko na din sakanila kung bakit Princess Stelie Uy ang naka lagay sa lapida ng kakambal ko.

Malungkot akong tumingin kay Lucas na nakaluhod habang nakayakap sa lapida ni Rose. Umiiyak 'to habang kinakausap niya ang puntod ni Rose.

Nalulungkot ako para sakanya. Alam ko kung gaano niya ka mahal ang kakambal ko. Humingi ako ng pasensya sakanya dahil sa nangyari, ngunit sinabi niya na wala akong kasalanan dahil aksidente lang lahat. Ngunit hindi ko magawang hindi maawa at malungkot para sakanya.

Naramdaman kong hinawakan ni Eros ang kamay ko kaya agad akong lumingon sakanya. Nakita kong nakatitig siya sa 'kin. Ngumiti ako kay Eros kaya nginitian din niya ako.

One week narin simula ng malaman ng pamilya ko ang nangyari. Hindi kami agad umalis sa probinsya nila mama para samahan muna sila. Alam ko kasing wala sa sarili si mama. Si papa naman ay walang ginawa kundi yakapin ang picture frame ni Rose. Si lola naman ay panay ang iyak kaya laging pinapatahan ni lolo, kaya hindi na muna namin sila pinauwi sa Catarman at baka mapano pa si lola.

Gusto ni mama na ilipat ang bangkay ni Rose sa probinsya namin. Sa tulong ni Eros ay matutupad ang gusto ni mama. Ngayong araw ililipat ang kabaong ni Rose.

Madaming tao ang nandito para sa paglilipat ng kabaong ni Rose. Hindi ko alam kung mga tauhan ba ni Eros pero lahat ng mga nakapalibot samin ay naka suot na parang men in black.

"Ayos ka lang, mon chéri?" Tanong
sa 'kin ni Eros.

"Oo. Pero nalulungkot lang ako," sagot ko. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Eros sa kamay ko saka niya inangat ang magkahawak kamay naming dalawa. Dinala niya yun sa labi niya saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko.

"Wag ka ng malungkot. Ayaw ng kakambal mo na malungkot ka. Sigurado ako na masaya siya ngayon habang pinagmamasdan niya kayo." Saad ni Eros kaya ngumiti ako saka tumango.

Nakita naming nagsimula ng hukayin ang puntod ng kakambal ko. Gumilid kami ni Eros pati narin ang pamilya ko. Pinapanood lang namin ang mga tauhan ni Eros na nagtra-trabaho.

Lumingon sa 'kin si mama saka ngumiti. "Wag ka ng sumama pauwi sa probinsya, anak. Kami na bahala sa puntod ng kakambal mo. Magpahinga ka din." Saad ni mama sa 'kin.

"Sigurado p ba kayo mama? Pwede naman po namin ihatid kayo." Sagot ko ngunit agad umiling si mama.

"Ayos lang anak. Alam ko pagod ka din. At isa pa baka umiyak si Stella. Baka hanapin kayong dalawa ni Eros." Saad ni mama. Tumango ako kay mama saka nginitian siya.

Tumingin naman si mama kay Eros. "Alagaan mo ang anak ko, Eros. Wag na wag mo siyang paiiyakin." Sabi ni mama kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Ano yan mama.. binibigay mo na ba ako kay Eros?" Tanong ko kaya mahinang natawa si mama kahit namumugtong ang mga mata niya dahil sa pag-iyak.

"Bakit ayaw mo ba?" Balik tanong ni mama sa 'kin. Sasagot na sana ako ng mabilis hawakan ni Eros ang kamay ko.

"Wag po kayong mag-alala tita. Hindi ko po paiiyakin si Stelie. Paiiyakin ko lang po siya sa sarap." Sagot ni Eros kaya masama kong tinignan si Eros.
Ngumiti naman sa 'kin ang loko saka ako kinindatan. "Sa sarap talaga dahil sa pagmamahal ko. Walang mapait sa pag-ibig ko sa'yo, Stelie. Kaya puro sarap lang dahil pagsisilbihan kita habang buhay at mamahalin hanggang sa huling hininga ko." Saad niya habang mapupungay ang matang nakatitig sa 'kin.

"Dapat lang, Eros. Kundi paiiyakin kita gamit ang kutsilyo kapag pinaiyak mo ang anak ko." Sabat ni papa sa usapan.

"Papa!!" Saway ko sa ama ko.

Assassin Series 10: Eros MendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon