KANINA pa ako panay sayaw para lang mapatahan ang sanggol na dinelever sa 'kin. Hindi ko muna pinaalis ang lalaking nag deliver at baka pinagtri-tripan lang pala ako nito.
Tinawag ko din si manang kaya maski siya ay gulat na gulat din. Hindi ko alam kung sinong nagpadala sa 'kin ng baby. Wala kasing pangalan, kaya hiningi ko ang address n'ong nagpadala.
Mabuti nalang at binigay ng delivery boy kahit pa nga bawal sakanila yun. Wala siyang nagawa dahil pinagbantaan ko siyang hindi makakalabas ng buhay sa subdivision na 'to kung hindi niya ibibigay sa 'kin.
Nandito kami sa loob ng bahay ni manang. Hindi ko magawang umupo dahil umiiyak ang baby. Kaya heto ako nasayaw kahit hindi naman ako marunong.
"Pipilipitin ko talaga ang leeg kung sino mang nagpadala sa 'kin ng baby." Galit kong sabi. Naiinis ako! Kung bakit ba naman kasi pinadala ang baby sa isang rider. Paano pala kung hindi dinelever ng rider na yun ang baby. Kung sino man ang nanay nito ay hindi nag-iisip kong mapapahamak ba ang anak niya.
"Wala bang sulat na nakalagay dyan, Eros?" Tanong sa 'kin ni manang.
Natigilan ako sa pagsasayaw ng maalala ko ang sinabi sa 'kin ng rider. Agad kong hinanap ang sulat sa damit ng baby at hindi nga ako nabigo. May nakita akong maliit na papel na naka ipit sa damit ng baby.
Kinuha ko 'to at gamit ang isa kong kamay. Binuklat ko 'to saka ko binasa ang nakasulat.
Alagaan mo sana si Stella. Ikaw ang ama niyan kaya sana maging mabuti kang ama sakanya.
Kumunot agad ang nuo ko ng mabasa ko ang sulat. Tumingin ako sa mukha ng baby at hindi makapaniwala sa nabasa ko. Anak ko ang baby na 'to.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil alam kong galing 'to kay Stelie. Siya lang naman kasi ang babaeng ginalaw ko kaya walang ibang magpapadala sa 'kin kundi siya.
Tumingin ako kay manang at nakitang inaayos ang binigay na kukunting damit ng baby. "Manang.." tawag ko sakanya kaya lumingon siya sa 'kin.
"Ano yun? Nangalay ka na ba? Ako naman para makapagpahinga ka saglit," saad ni manang.
"Ayos lang po ako manang. Pwede po bang pakikuha ng cellphone ko." Utos ko sakanya sabay turo sa mesa kung saan nakapatong ang phone ko.
Agad namang tumalima si manang at kinuha ang cellphone ko saka siya lumapit sa 'kin at inabot. Tinanggap ko ang phone at agad binuksan 'to para tawagan si Salem.
Nakailang ring pa ako bago sagutin ni Salem.
"Yes, buddy? Miss mo kagwapuhan ko?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Nasaan ka ngayon?" Tanong ko sakanya at hindi pinansin ang kahanginan niya.
"Nasa hospital. Bakit?" Tanong nito.
"Pwede ba akong makisuyo sa'yo. Pwede mo ba akong bilhan ng formula milk ng baby at bottle milk para sa baby. Kailangan na kailangan ko kasi." Saad ko.
"Gago! Kailan ka pa nagka baby ha! Sinasabi ko sa'yo tigil-tigilan mo na kakasinghot ng katol pre. Nanaginip ka eh!" Sabi niya.
"Basta gawin mo nalang. Isali mo narin ang diaper. Bilhan mo din ako. Ngayon na ha!" Saad ko saka pinatay ang tawag. Hindi ko na hinintay na makasagot si Salem dahil alam kung puro mura lang ang sasabihin niya.
Hinintay ko lang dumating si Salem. Dumating siya dala ang mga pinabili ko. Kasama niya si Aizen na halos manlaki ang mga mata ng makita niya ako na may kargang baby.
"May matres ka na pala ngayon?" Tanong sa 'kin ni Aizen.
"Tangina! Bakit hindi ko nasagap ang tsismis na 'to.'' Saad din ni Salem na nakatitig sa baby na karga-karga ko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 10: Eros Mendez
Romance||🔞R-18|| ⚠️Matured Content|| ✅Complete|| Under editing|| Si Eros Mendez, ang lalaking baliw na baliw sa kababata niyang si Marigold. Sa muli nilang pagkikita ng babae ay makikita din niya ang babaeng kababata niya na kinaiinisan niya na si Princes...