NANDITO AKO sa hospital para bisitahin si Caleb na nainlove sa isang bata. Dinukot kasi kahapon ang bebe love niya kaya nasa hospital.
He called me earlier to go to the hospital so I immediately went here. Pinagmamasdan ko lang ang kaibigan kong pabebe. Walangya! Nagka jowa lang naging corny na.
Kanina pa din niya ako pinagsasabihan tungkol sa paghahabol ko kay Mari. Hindi kasi nila alam na wala na akong pakialam kay Mari. Hindi kasi ako nag kwe-kwento para hindil nila imbistigahan si Stelie. Mga gago pa naman mga kaibigan ko.
"Tangina, magiging daddy na ako." Bulong na sabi ni Caleb sa 'kin.
"Congrats, buddy. Dalawa na ang bebe mo. Bata binuntis mo eh," sabi ko kaya masama niya akong tinignan.
"Gago!" Sabi niya saka niya ako siniko sa balikat. "Yung sinabi ko sa'yo.. wag mo nang habulin ang babaeng yun lalo na't kasal na. Kawawa naman yung Stelie kung ginagamit mo lang." Sabi niya na naman kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko.
"Oo na." Suko kong sabi dahil kanina pa sumasakit ang teynga ko sa paaalala niya. Pati ang iba ko pang mga kaibigan ay yun ang laging sinasabi sa 'kin. Panay lang ang oo ko para hindi na humaba pa ang usapan.
Tinapik ko ang balikat ni Caleb sabay tayo sa kinauupuan. "Uwi na ako pre." Pagpapaalam ko sakanya. Kaya naman na siguro niya ang buhay niya. Hindi na niya kailangan ng assist ko dito, marunong nga siyang gumawa ng bata eh kaya kayang-kaya na niya ang buhay niya.
Tumango naman siya sa 'kin. Tumingin ako sa ina ni Cataleya saka ako ngumiti at yumukod sa harap niya para magpaalam.
Lumabas agad ako ng hospital room. Nakasalubong ko pa ang kaibigan kong doctor na si Salem na nagpapa-cute sa 'kin habang naglalakad. Punong-puno na naman ng hangin 'to sa katawan.
"Uwi ka na?" Tanong niya sa 'kin habang pinupungay ang kanyang mga mata.
"Tigilan mo nga ako sa hitsura mong gago ka! Ang laswa." Sabi ko sakanya kaya mas lalo siyang nagpa-cute sa 'kin.
"Where are you going? Wag mong sabihing pupunta ka kay Marigold." He said while staring at me seriously.
My face crumpled at what he said. "Puro kayo Mari!" Inis kong sabi.
"Eh ano bang sasabihin ko? Pupunta ka kay bebang, ganun ba?" Tanong niya habang nakangisi.
"Sinong bebang?" Kunot nuo kong tanong.
"Hindi mo kilala si Aling bebang? Yung inuutungan ko ng kape." Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko. Hinithit na naman siguro ang katol nito at kung ano-ano na naman ang pinagsasabi.
"Hindi ka na naman ba naka inum ng gamot mo?" Tanong ko sakanya.
"Naka inum. Ang dami ko nga ininum kagabi sa asawa ko eh," sagot niya kaya napangiwi ako. Gago talaga 'to.
"Bahala ka nga! Aalis na ako. Pupunta pa ako sa companya ko." Pagpapaalam ko sakanya.
"Kailan ka pa pumunta ng companya mong gago ka eh, para kang pusang gala kung saan-saan nagpupunta. Anong nakain mo at pupunta ka?" Takang tanong niya sa 'kin.
"Wala. May gusto lang akong makita do'n. Gusto kong masiguro na kumain na siya," walang buhay kong sagot sakanya.
"Sino sa dalawa? Si Marigold o si Stelie?" He asked me.
Bumuntong hininga ako at itinikom nalang ang aking bibig. Wala akong balak sagutin ang tanong ni Salem. Dakilang tsismoso pa naman ang gagong 'to.
"Silent ahh. Pero kung ako ang papipiliin, buddy. Kay Stelie ako. Oo, old style siya manamit at medyo manang pero unang tingin ko palang sakanya ay napaka desinte niyang tignan. Hindi katulad do'n sa isang babae na pangalan pa lang mukhang pera na." Sabi niya kaya napa-iling nalang ako.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 10: Eros Mendez
Romance||🔞R-18|| ⚠️Matured Content|| ✅Complete|| Under editing|| Si Eros Mendez, ang lalaking baliw na baliw sa kababata niyang si Marigold. Sa muli nilang pagkikita ng babae ay makikita din niya ang babaeng kababata niya na kinaiinisan niya na si Princes...