Chapter 25

25.5K 649 162
                                    

HINANAP KO si Stelie Rose sa paligid dahil baka mapano siya. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa medyo tagong lugar.

Naglakad ako papunta do'n at nagbabakasakali na nandoon si Stelie Rose. Palapit ako ng palapit hanggang sa may naririnig akong boses na nag-uusap.

Agad akong lumapit sa pader at sumilip. Nakita ko si Stelie Rose na nakatalikod sa gawi ko. Nakaharap naman sakanya si Marigold habang nakangisi.

Hindi ako nagpakita sakanila dahil naalala ko ang banta sa 'kin ni Stelie Rose. Lalabas nalang ako kapag lumala ang sitwasyon.

Tumawa ng malakas si Marigold kaya napadako ang ko sakanya. "Oh, ikaw pala uhugin. Ang laki ng pinagbago mo ahh.. pero ganun parin, pangit ka pa din." Pang iinsulto ni Marigold kay Stelie Rose.

"Ahh talaga ba! Wow! Hiyang-hiya naman ako sa ganda mo!" Sagot ni Stelie Rose sa sarkastimong boses.

"Aba! Marunong ka narin sumagot ahh.. hindi katulad dati, umiiyak lang sa tabi. Anong nakain mo uhugin na pangit?" Natatawang sabi ni Marigold. Lumapit pa talaga si Mari saka binangga ang balikat ni Stelie Rose.

Napa-atras naman si Stelie Rose ngunit nakatayo parin. Pinagpagan niya ang balikat niya na parang bang may dumi ro'n. "Nakain ko? Actually, wala pa akong kain eh. Pero may lakas pa naman ako para wasakin ang mukha mo." Sagot ni Stelie.

"Patawa ka! Wag mo nga akong yabangan dyan, Princess Stelie Uy. Hindi ba sinabi ko na sa'yo na papatayin kita kapag nagpakita ka ulit? Nakalimutan mo na yata kung paano kita nginudngud sa kalsada. Gusto mo ulitin natin?" Nakangising sabi ni Marigold. Mukhang hindi niya alam na hindi si Princess Stelie ang kaharap niya.

"Sige nga, gawin mo nga sa 'kin. Ingundngud mo nga ako ngayon!" Sabi ni Stelie Rose at inilapit ang sarili kay Marigold.

Nakasunod lang ang tingin ko sa dalawa na hatalang walang gustong magpatalo.

"Alam mo Marigold hindi ka naman maganda! Wala namang magandang tignan sa'yo! Tangina!" Mura ni Stelie Rose.

"Isuot mo kaya ang makapal mong salamin, malabo mata mo diba? Kaya siguro hindi mo nakikita ang kagandahan ko." Pang aasar ni Marigold na hinawi pa talaga ang buhok niya.

"No need. Kahit saang anggulo ko tignan pagmumukha mo mukha kang kabayo. Retokada pa nga yata ilong mo eh, lakas mong manlait eh gawa lang naman yan!" Pang aasar din ni Stelie Rose kay Mari.

"A-Anong gawa? T-Totoo 'tong ilong ko no!" Galit na sabi ni Marigold na nauutal pa.

"Talaga lang ha! Sige nga kung totoo.. pa suntok nga sa ilong mo kung hindi ba tatabingi." Sagot ni Stelie Rose. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong mabilis na gumalaw si Stelie Rose at sinuntok sa ilong si Marigold.

Napa awang ang labi ko habang naririnig ang sigaw ni Marigold na halatang nasasaktan.

"Oh, sabi mo hindi gawa. Bakit tumabingi?" Nakangising tanong ni Stelie Rose kay Marigold. Kitang-kita ko ang malademonyonh ngiti ni Stelie Rose na halatang tuwang-tuwa sa sigaw at iyak ni Marigold.

"Bwesit ka! Magbabayad ka sa 'kin!" Galit na sigaw ni Marigold at handa ng sumugod kay Stelie Rose.

Sasampalin na sana ni Marigold si Stelie Rose ngunit mabilis na nahawakan niya ang kamay ni Mari. Isang suntok ang pinakawan ni Stelie Rose na pinatama niya sa mukha ni Mari. "Sisirain ko mukha mong Marigold ka! Magbabayad ka sa pang-aapi mo sa kakambal ko!" Galit na sigaw ni Stelie Rose saka ilang beses na sinuntok ang mukha ni Mari.

Namamangha ako sa pinapakita ni Stelie Rose. Gusto ko silang awatin ngunit baka mabugbog ako ni Stelie Rose. Mukhang malakas siyang sumuntok dahil tumutulo na ang dugo sa ilong ni Mari pati narin sa bibig.

Assassin Series 10: Eros MendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon