NAKATITIG LANG siya sa 'kin at halatang nagulat sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagka gulat at halatang nag-iisip ng isasagot sa 'kin.
Tumikhim siya at agad nag iwas ng tingin. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Mr. Mendez." Sabi niya na hindi man lang ako nililingon. "Hindi ko alam kung bakit mo nasabi yan pero hindi nakakatawa, Mr. Mendez." Dagdag niyang sabi sabay tingin sa 'kin.
"Sinong may sabing nakakatawa sinabi ko?" Tanong ko.
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Hindi ko alam kung bakit mo nasabi na nag papanggap akong si Princess. Kung nababaliw ka na dahil sa pagkawala ng kakambal ko, pwes wag mo akong idamay." Sabi niya sa inis na boses.
Agad siyang tumalikod sa 'kin at agad pinihit ang siradura ng pinto. "Uhugin.." saad ko kaya natigilan siya sa ginagawa niya.
Hindi siya lumingon sa 'kin kaya napangiti ako. "Stelie uhugin!" Saad ko ulit kaya lumingon siya sa gawi ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang galit at halatang papatayin niya ako.
''Isa pang tawag sa 'kin niyan, sisiguraduhin kong lalabas ka ng kwartong 'to na mukhang panda." Pagbabanta niya sa 'kin.
"Go on! punch me, Princess Stelie." Saad ko saka iginilid ang mukha ko para ipasuntok ang pisngi ko.
"Pwede ba! Tigilan mo ko sa kakatawag na Princess Stelie. Putangina! Stelie Rose ang pangalan ko!" Galit niyang sigaw sa 'kin.
"Ayaw ko nga! Princess Stelie ang pangalan mo at hindi Stelie Rose." Naka ngisi kong sabi sakanya kaya masama niya akong tinignan. Gusto ko siyang inisin para kusa siyang lumapit sa 'kin.
"Gago! Bahala ka kung yan ang gusto mo. Basta, Stelie Rose ang pangalan ko." Saad niya sa seryosong boses.
"Okay. Sabi mo eh. Alam ko namang hindi ka aamin. Napatunayan mo lang sa 'kin na isa kang sinungaling, Stelie." Saad ko kaya agad siyang humakbang papunta sa 'kin.
"Anong sabi mo?" Galit niyang sabi habang naglalakad papunta sa 'kin.
"Sinungaling ka, isa kang manloloko,'' naka ngisi kong sabi. Agad niyang inangat ang isang kamay niya para siguro sampalin ako. Ngunit, mabilis kong hinuli ang kamay niya at hinila ko siya palapit sa katawan ko.
Naramdaman kong nanigas ang katawan niya at nanlaki ang kanyang mga mata. "B-Bitawan mo nga ako!" Nauutal niyang sabi habang nakatitig kami sa isa't-isa.
"Ayaw ko nga!" Walang buhay kong sagot kaya inirapan niya ako.
Bumuntong hininga ako habang nakatitig parin sa mukha niya. "Tama na ang pag papanggap mo, Princess Stelie. Unang-una palang kitang nakita sa apartment mo ay alam kong ikaw si Princess Stelie." Saad ko sa seryosong boses.
"A-Ano? Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong niya na halatang nagkukunwari.
"Talaga bang magkukunwari ka parin? Kahit huling-huli ka na?" Tanong ko sakanya.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Bitiwan mo nga ako!" Sigaw niya
sa 'kin habang nagpupumiglas."Akala mo siguro mapapaniwala mo ako, Stelie. Nakalimutan ko yatang sabihin sa'yo na isa akong assassin." Seryoso kong sabi sakanya kaya natigilan siya.
"Assassin?" Tanong niya sa 'kin, halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"Yeah. Kaya hindi mo ako maloloko, Princess Stelie Uy. Sinasakyan ko lang ang drama mo. Para naman hindi masayang yang acting skill mo." Nakangisi kong sabi.
"Acting pala ha!" Saad niya saka mabilis na hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at mabilis akong sinuntok sa pisngi.
"Fuck!" Mura ko dahil ang lakas niyang sumuntok.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 10: Eros Mendez
Romance||🔞R-18|| ⚠️Matured Content|| ✅Complete|| Under editing|| Si Eros Mendez, ang lalaking baliw na baliw sa kababata niyang si Marigold. Sa muli nilang pagkikita ng babae ay makikita din niya ang babaeng kababata niya na kinaiinisan niya na si Princes...