HINDI AKO tumigil sa paghahanap kay Stelie. Ayaw kong sumuko. Alam kung nagtatago lang siya kung saan man siya ngayon.
Nandito ako sa bahay nila Ruwi kasama si Lord. Tatlong araw na akong nakatambay dito para tutukan ang lahat ng cctv kung saan nahagip si Stelie n'ong araw na yun.
Pati ang sinakyan niyang taxi ay nahanap namin ni Lord. Sinabi niya sa 'kin na nagpahatid lang daw ito sa dalampasigan at mula do'n ay wala na siyang alam.
Nagtanong-tanong na kami sa paligid hanggang sa nakausap ko ang isang matandang babae. Sinabi niya sa 'kin na nakita niya daw ang hinahanap ko n'ong hapon na yun. Humiram pa daw sakanya ng cellphone si Stelie pero pagkatapos no'n ay umalis na daw ang matanda at hinayaan si Stelie na nakaupo lang daw sa dalampasigan. Kahit anong tanong daw ng matanda sakanya ay lagi lang daw sagot ni Stelie ay ayos lang siya habang nakangiti.
Natatakot akong isipin ang mga sinabi ni Lord na baka nagpakamatay daw ito at nilunod ang sarili. Kaya maging sa karagatan ay hinanap ko din siya.
Napahilot ako sa sentido ko saka sumandal sa likod ng upuan.
"Bukas naman tayo maghanap," saad ni Lord sa 'kin na ikinatango ko.
"Kailangan ko pang pumunta ng underground. Pinapapunta ako ni kuya Lucian." Dagdag niyang sabi.
"Thanks, buddy. Asahan mo ang dalawang kartong marie biscuit pati narin ang chuckie mo." Sabi ko na ikinatawa niya.
Tinapik ko lang ang balikat ni Lord saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Naglakad ako para umuwi muna sa bahay ko. Hindi ko na magawang maligo dahil sa paghahanap ko kay Stelie. Lagot talaga sa 'kin ang babaeng yun kapag nahanap ko siya. Binaliw niya ako ng sobra sa pag-aalala.
Kampante akong lumabas ng bahay nila Ruwi dahil nakatali ang tatlong malalaking alaga niya. Lagi kasi akong pumupunta dito sa bahay nila kaya pinag-utos niya kay Lorcan na itali muna.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko pa si Storm na mukhang galing sa school. Nakasuot kasi ito ng uniporme. Pinag-aaral kasi ito ni boss Lucian kaya dito siya nakatira sa bahay nila.
"Uuwi ka na po ba kuya Eros?" Tanong niya sa 'kin nang makalapit siya sa 'kin.
"Oo. Tatlong araw na akong hindi naliligo eh. Baka pag uwi ng nanay-nayan mo dito ay bigwasan niya ako pag nakitang ito parin ang suot ko." Sagot ko sakanya.
Mahina siyang tumawa kaya lumabas ang dalawang malalim niyang dimples. Maamo kasi ang mukha ni Storm, halatang mabait na bata. Magalang din. Nakikita ko sakanya si Kier dati n'ong mga bata pa kami. Maamo din kasi ang mukha ni Kier.
"Sige po, kuya Eros. Ingat ka po!" Sabi niya na ikinatango ko.
Tinapik ko lang ang balikat niya saka ako naglakad papunta sa gate. Lumabas ako ng gate nila Ruwi at tinungo ang bahay ko.
Maliligo lang muna ako saka ako aalis ulit para hanapin si Stelie.
Wala na akong balita kay Marigold simula ng pinalayas ko siya sa bahay ko. Maging ang cellphone na kinuha niya kay Stelie ay kinuha ko sakanya. Nag makaawa pa siya sa 'kin na patawarin siya at bigyan ng pagkakataon para mag bagong buhay. Hindi ko siya pinakinggan dahil alam kung hindi siya magbabago. Masama talaga ugali niya.
Nakarating ako sa harap ng bahay ko at agad akong pumasok. Naabutan ko pa si manang na nag pupunas ng mga display sa sala.
Lumingon siya sa 'kin ng marinig niya ang pagbukas ko sa pintuan. "Buti naman at umuwi ka ng bata ka. Kumain ka na ba?" Tanong sa 'kin ni manang.
"Opo, manang." Sagot ko saka ako naglakad sa pang isahang upuan at umupo.
Sumandal ako sa likod ng upuan at ipinikit ang aking mga mata. Umaga at gabi kasi akong naghahanap kay Stelie. Nag paskil narin ako ng picture niya kung saan-saan at may reward ng dalawang million kapag may nakahanap sakanya.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 10: Eros Mendez
Romantizm||🔞R-18|| ⚠️Matured Content|| ✅Complete|| Under editing|| Si Eros Mendez, ang lalaking baliw na baliw sa kababata niyang si Marigold. Sa muli nilang pagkikita ng babae ay makikita din niya ang babaeng kababata niya na kinaiinisan niya na si Princes...