Her Affliction.
Written by mysteriousES_.
---
Chapter 1.
"Michelle Loise Fernandez, please proceed to the gym now."
Ayan nanaman. Pinapa page nanaman ang name ko. Palagi nalang kasi akong late tuwing training namin sa volleyball.
Tumakbo nako papuntang gym. Hindi pa ako nakakapagpalit ng jerseys. Patay na naman ako nito. Bahala na.
Nang makarating nako, lahat sila, nakatingin sakin. Nanliliit tuloy ako.
Nilapitan ako ni Mam Reyes, ang coach namin.
"For the sixth time. Late ka na naman." Mabait naman si Mam R. Strict lang siya pagdating sa training. Hindi nagsisimula lahat hangga't hindi kumpleto.
"Sorry po mam. May tinapos lang po akong project sa library. Promise, this will be my last."
Tumango naman si Mam R at nginitian ako. Alam kong naiintindihan niya ako. Ako kasi ang taong inuuna ang pag-aaral bago ang curricular.
Pumasok na ko sa locker slash shower room para magpalit ng jerseys. Nagmadali ako para makapagsimula na kami.
Fourth year high school nako sa Anderson Academy. Yeah, graduating ako. Nagsimula akong maging varsity nung third year. May potential daw kasi ako.
Tumakbo na ako sa court at nagsimula na kaming mag warm-up.
Misha ang nickname ko. They prefer to call me that. I mean, my friends. Michelle ang tawag sakin sa bahay. Ng mga kamag-anak ko. Kahit ano namang itawag sakin ayos lang.
---
Matapos ang training, nagshower at pack up agad ako para bago magdilim ay nasa bahay na ako. Malapit lang naman ang bahay namin sa school. Walking distance lang. Kasabay ko palagi umuwi ang bestfriend ko. Si Jade. Babae siya. Minsan kasi namimiss interpret nila ang name ni Jade sa una. Inaakala nila tong lalaki. Varsity din siya. Mas magaling siya nag volleyball kesa sakin. Oo, totoo yun.
"Tara na bes?" Oh, nandito na pala siya.
Ngumiti ako sakanya at tumango.
Nagsimula na kaming maglakad sa hallway, namg makasalubong namin si Mark.
"Hi girls." Tapos nag wink siya samin. Siya ang tipong chickboy dito sa school. Ewan ko pero naririnig kong walang tumatagal na girlfriend sakanya.
Pagkalagpas namin, nakita kong namula tong katabi ko.
"Huy, okay ka lang? Namumula ka?" Nagulat siya at tumingin sakin.
"Uhh, o-oo. Ayos lang ako. Tara na dalian na natin, baka magdilim na." Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Crush mo padin siya?" Ewan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at naitanong ko yun kay Jade. Lalo tuloy siyang namula.
"Ano eh, crush lang naman. Hindi na lalagpas dun. Ayoko dun, siguradong di kami magkakasundo nun."
Simula first year pa lang kami, crush na niya si Mark. Hindi kasi kami yung tipong 'star' o sikat sa school. Typical students lang naman kami. At pag may secret kami, saming dalawa lang ang boundary nun. Hindi rin kami yung karaniwang school girl na pag may crush sila, go na sila. Fling here, make-out there, palit dito, palit doon. Never pa kaming nagka boyfriend ni Jade. Focus kasi kami sa mga syllabus namin. You know, acads.
Nang makarating na kami sa labas ng bahay ni Jade, nagpaalam na kami. Una kasi naming nadadaanan ang bahay ni Jade.
"Sabay tayo bukas papasok ah. Baka iwan mo nanaman ako."
Natawa ako sakanya. "Sige. Promise hindi na. Kakatukin na kita sa banyo sa sobra mong tagal maligo!" Ginulo ko ang buhok niya. "Sige, una nako."
Nang makarating nako samin, napansin kong ang bango bango sa kusina. Ang aga naman yata magluto ni mama?
"Oh, anak, nandito ka na pala." Lumapit ako sakanya at nagmano. "Halika, umupo ka dito at kakausapin kita."
Naupo naman agad ako. Pag ganito kasing sitwasyon, kinakabahan ako.
"Aalis kami ng papa mo for about a month. Wala pang exact date kung kelan kami babalik. Pinapapunta kasi ako ni tita Maricel mo sa Palawan tutal may project ang papa mo doon." Engineer kasi si papa. Civil. "Pagbalik namin, sigurado, dito muna pansamantala si tita Maricel mo.
Teka, ang ibig sabihin ba nito..
"Kasama si Billy?!?"
Natawa naman si mama sa reaksyon ko. "Oo. Ang pinakamamahal mong pinsan." Pinisil niya ko sa pisngi at nginitian. "Nandyan na nga pala ang kuya mo sa taas. Kayo nang bahala dito sa mansyon natin ha?" Pabirong sabi ni mama.
"Ayt ayt! Pero, bakit parang ang aga niyo nagluto ng hapunan?"
Napakamot ulo si mama at sinabing, "mamaya na kasi ang flight namin kaya pinaghanda ko na kayo ni Miko ng pagkain."
"Ano?! Agad agad?" Bakit?
"Pasensya ka na anak, hindi ko nasabi agad sayo. Busy ka kasi sa school mo. Dibale, anong gusto mong pasalubong?"
Sakto namang bumaba si Kuya Miko at sumigaw, "Ma! Iuwi mo dito yung underground river dito! Para may swimming pool na tayo!" Hay nako, kahit kelan talaga si Kuya.
---
Umalis na sila mama at papa. Ang bilis naman. Sana mabilis lang din sila makabalik. Ayokong mag-isa sa bahay lalo na pag ginagabi si kuya ng uwi. College na kasi siya eh.
"Mich, inaantok ka na ba? Tara matulog na tayo."
Sa paanyaya ni kuya, agad ako nakaramdam ng matinding pagod at antok kaya naman sumunod nako sakanya. May pasok pa bukas at kelangan ko na ipasa ang project ko.
BINABASA MO ANG
Her Affliction
Teen FictionI love her. Yes. I really do. Wala akong pakialam kung hindi man niya ako masuklian basta ang alam ko mahal at mamahalin ko siya sa oras na minahal at minamahal niya ko.