Chapter 6.
"Bakit niya kaa nagawa yun? Baka naman may dahilan siya?"
"Kung anumang dahilan niya, naiinis pa din ako sakanya." Haay, ganun pala ang feeling ng i deny.
Christmas party na pala bukas. Madami nang nanghihingian ng regalo. Pati sakin andami. Buti nalang at nakaipon ako ng konti. Pero andami nila. Ano kayang maireregalo ko?
Hindi pa din kami nagpapansinan ni Alron. Kahit magkatabi, walang kibuan. Ewan ko ba, pag di siya naka poker face, ang suplado naman.
"Best. Mall tayo mamaya? Bibili ako ng pang exchange gift." Oo nga pala. Kelangan pa namin ng exchange gift. Haay.
"Sige. Bibili nadin ako ng mga panregalo."
---
Mabilis naman lumipas ang oras. Naglakad nalang kami ni Jade papunta sa mall. Malapit lang naman siya sa school namin.
Nakabili si Jade ng cute na picture frame na pa slant. Ang galing nga kasi hindi siya natutumba. May support siya na parang tao na binubuhat yung frame patayo.
Ako naman nauwi dito sa cute daw sabi ni Jade na animal print na umbrella. Cute naman nga. Color pink at black siya na dalmatian print. Oo dapat black and white yun. Ewan ko nga eh. Pero cute naman talaga siya.
Para sa mga gifts, personalized na keychain na lang para sa mga kaklase ko. May panda na figurine. Cute din siya. Kay Jade naman, ako lang daw reregaluhan niya. Ewan ko ba dun, may pa secret pang nalalaman.
---
Christmas party.
Tulad ng nakasanayan, sayawan, palaro, kantahan, palitan ng regalo at kainan. Nabigay ko na sa lahat ang regalo ko at tuwang tuwa sila, pwede daw nila isabit sa mga bag nila. Except na lang kay Alron. Hindi ko nga alam kung mabibigay ko pa ba to. Hindi pa din kami nagkikibuan.
Dumating na ang time na exchange gift na. Nakareceive ako ng cute na figurine ni Mama Mary, Joseph, at Jesus. Natutuwa ako kasi kahit hindi man ganun ka useful, napakalaki ng importance at meaning nito. Hindi ko na inalam kung kanino nanggaling yung gift. Number lang kasi yung nakadikit sa gift kaya hindi ko alam.
"Best! Merry Christmas!" Nag-abot si Jade ng gift. Nakabalot lang siya sa bond paper. Ngumiti ako at binuksan agad.
"Paa na ballpen?"
"Grabe ka naman! Ballpen pa din yan! May paa lang na design sa taas. Ang cute noh?" Pag-eexplain ni Jade.
"Anung tingin mo sakin? Kasing baho na ng paa?" Sarcastic kong sabi.
"Hindi naman! Kamukha mo lang siguro." Napa poker face naman ako at alam kong niloloko lang naman niya ako.
Natapos na ang party. Nag volunteer kami ni Jade na maglinis sa kalat ng klase namin.
"Loise." Pamilyar na boses. Siya lang naman ang tumatawag sakin nun. Alam kong si Alron yun. Ano bang dapat kong maging reaksyon?
Napalingon ako sa likod ko.
"Oh, Alron. Akala ko ba hindi mo ko kilala?"
He took a very deep sigh.
"Pwede bang samahan moko lumabas? Pagkatapos mo maglinis?" Lumabas? Anong ibig niyang sabihin?
"Kasabay ko pauwi si Jade eh."
"Nakausap ko na siya. Pumayag naman siya." Nagtaas siya ng kilay. "So, pwede mag-usap tayo?"
Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Ano pa bang magagawa ko."
---
Natanaw kong nag-iintay na si Alron sa guard house. Haay. Kung hindi ka lang pumayag, Jade.
BINABASA MO ANG
Her Affliction
Teen FictionI love her. Yes. I really do. Wala akong pakialam kung hindi man niya ako masuklian basta ang alam ko mahal at mamahalin ko siya sa oras na minahal at minamahal niya ko.