Chapter 14.
"Beeeeeesssst!!!!"
Nagising ako kung sino mang tumawag sakin. Napatingin ako sa bintana, kasisikat palang ng araw. Nandito pa pala ako sa ospital.
Pagtingin ko sa kanan ko, si Jade. Lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Grabe ka. Kinabahan ako sayo. Pinag-aalala mo ako eh." Nanginginig ang boses niya. Sa tingin ko naiiyak din siya pero pinipigilan lang niya.
Nakita ko naman sa likod si Mark, kasama yata ni Jade. Ngumiti siya sakin.
Tumingin ako kay Jade. Umiwas siya ng tingin. Ngumiti nalang ako at muling hinarap si Mark.
"Iingatan mo 'tong bestfriend ko ha. Fragile ang puso niyan."
Hinampas naman ako ng mahina ni Jade. "Nakakainis ka! Para namang maglalaho ka na kung makapagsalita ka." Panay ang pahid ng luha ni Jade sa pisngi niya. "Diba, ikukwento mo pa sakin kung kamusta na kayo ni Alron??"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Jade at napatingin kay Mark. Ngumiti nalang siya sakin.
"Ano na palang araw ngayon?" Tumingin naman si Jade sa watch niya.
"December 31, Saturday, 7:30am."
"New Year na pala mamaya."
"Oo nga eh. Sayang naman di ka pwede lumabas ng hospital. Kung pwede lang, sama sama nating icecelebrate ang new year!" Tumabi siya sa kama ko. "Naaalala ko pa ikaw, takot ka sa paputok! Sa ano nga yun? Pop-pop lang? Ahahahahahahaha! Nung binato kita, hinataw ako ni mama. Hahahahahahahaha!"
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni Jade hanggang nung lunch time, umuwi na sila ni Mark. Sumama ang buong pakiramdam ko kaya pinainom nalang ako ng pain reliever at pinagpahinga. Mga bandang 6pm na ako nagising at nanood saglit ng tv nang bumukas ang pinto. Napatingin ako kung sino ang pumasok.
Umupo siya sa sofa na mejo malapit sa higaan ko. Ngumiti siya sa akin. Napansin kong may pasa siya sa pisngi.
"A-alron? Okay ka lang ba? Bakit may pasa yang pisngi mo?" Ngumiti lang siya at yumuko saglit. Tumingin nadin siya sakin.
"Resbak to ni Billy. Hindi kasi kita naiuwi eh. Naaalala mo pa, sabi niya, iuwi daw kita ng buhay." Tumawa naman siya. Ang weird niya. Di ba siya nasaktan sa ginawa ni Billy sakanya?
"Pero mas okay naman tong ginawa niya sakin, natauhan din ako." Dagdag pa niya.
"Huh?"
Nagchuckle siya. Mahina lang. "Wala." Tumayo siya at lumapit sakin.
"Okay ka na ba? Kailangan na natin matapos ang thesis. Tara, puntahan na natin si Dr. Santos, tutal nandito naman na din tayo." Natawa naman ako sakanya. Nagtawanan kami saglit.
"Alron, sorry. Pasensya ka na talaga ha. Kung hindi natin matatapos ang thesis ng dahil sakin. Kung gusto mo, magtrio nalang kayo ni Jade."
"Hindi na kailangan. Madali lang naman. Tutal nandito na din ako sa ospital, ako nang gagawa." He assured me. Napailing na lang ako.
"Sorry talaga, kung hindi ako makakatulong."
We stayed silent for a while.
"Advance happy new year." Napatingin naman siya sakin. "Baka kasi hindi na kita mabati mamaya. Wala naman akong cellphone dito. Hindi naman din tayo magkikita."
"At sinong may sabing hindi?" Na curious ako sakanya? What does he mean?
Napa huh na lang ako.
"I'll stay with you till midnight."
BINABASA MO ANG
Her Affliction
Teen FictionI love her. Yes. I really do. Wala akong pakialam kung hindi man niya ako masuklian basta ang alam ko mahal at mamahalin ko siya sa oras na minahal at minamahal niya ko.