Chapter 13.
Pag tulog ako alam kong nagpapatay ako ng ilaw. Pero bakit parang ang liwanag? Naiwan ko bang bukas ang ilaw?
Nasa ospital ako. Tumingin ako kung sinong nakatuon sa tabi ko. Si Billy yata to. Teka, si Alron yaa ang huli kong kasama. Nasa ospital kami?
"Billy." Agad siyang napatingin saakin.
"Mich! Ahh, gising ka na.."
"Nasan si Alron?"
Nagkunot kilay naman siya. "Siya ba agad una mong hahanapin?" Inisip ko, kunsabagay. Parang napaka unfair naman nun.
"S-sorry, siya kasi yung huli kong kasama."
"Alam mo, importante talaga para sayo si Alron noh? Tingin ko inlove ka na Mich."
Pinalo ko naman siya. "Loko ka talaga. Hinahanap ko lang naman siya, ginawa mo namang big deal."
"Seryoso ako Mich. Umamin ka nga, gusto mo din ba si Alron?"
Kung alam mo lang Billy, pero sasabihin ko kaya sakanya? Natatakot ako. Baka lalo niya kong protektahan kay Alron eh.
"Hay nako. Sa nakikita ko, Mahal mo na siya Mich. Madagdagan nga ng matauhan siya." Naguluhan ako sa sinabi ni Billy. Madagdagan??
"Billy! Anong ginawa mo sakanya???"
Natawa naman si Billy sa sinabi ko. "Tingin ko, nasagot mo na ang tanong ko. Mahal mo nga siya."
Umiwas nalang ako ng tingin. Nakakainis naman tong pinsan ko eh. Nakakabasa ng nararamdaman.
"Sila Mama nga pala? Alam na ba nila? Teka, ano bang nangyari sakin at nahilo ako?"
Nag-iba naman ang expression ng mukha ni Billy. Hindi ko maintindihan pero parang nahihirapan siyang ilabas.
Bumukas naman na ang pinto at Nandun si Mama at Papa.
"Billy, tinawagan ako ng Mama mo. Umuwi ka muna daw at magpahinga. Kami na muna ang bahala."
Nagpaalam naman na si Billy sa amin at umalis na. Tinignan ko ang wall clock. 7pm na pala. Ang tagal ko palang tulog.
"Ma, ano bang nangyari sakin?"
Humarap naman siya kay Papa. Nagtanguan naman sila. Wala na talaga akong naiintindihan.
"Michelle anak, kailan mo pa ba to nararamdaman? Bakit hindi ka man lang nagsasabi samin?"
Huh? Anong, anong nararamdaman? Anong klaseng nararamdaman?
"Ma, hindi ko po kayo maintindihan." Sabi ko sa di maintindihang mukha.
Tuluyan nang nag breakdown si mama. Tumingin naman ako kay papa ni kino-comfort si mama.
"Ang doctor na dapat ang magsabi sayo."
Lumabas na sila ng ospital at pumasok naman na doctor.
"Doc, pwede bang diretsuhan na? Nag collapse lang naman ako diba dahil nahilo ako. Ganun diba?"
"Hindi lang dahil nahilo ka. Ibang case to, Michelle."
"Ano? Ano Doc?"
"You have Blood Dyscrasia."
Blood Dyscrasia? Ang alam ko abnormality to sa blood condition. Pero, anong klase???
"Doc? Pwede bang diretsuhin niyo na ko?" Nangingilid na ang mga luha ko. Alam kong sandali na lang eh papakawala na ang mga to.
"Thrombopenia. A rare kind of blood disease. Konti lang ang platelet count mo kaya madalas kang magnosebleed."
Teka, pano nalaman ni doc na madalas dumugo ang ilong ko?
Ngumiti naman si Doc. "You're lucky dahil inagapan agad to ng," nag-isip naman si doc. Nilagay niya sa bulsa ang kamay niya. "Should I say, boyfriend?"
Boyfriend? So, sinabi pala lahat ni Alron kay Doc ang kundisyon ko?
"Friend."
Lumapit sakin si Doc at tinap ang shoulder ko.
"You're strong lady, Michelle."
I think, The doctor's word is enough to know on what is my current condition. Alam kong pinapalakas niya ang loob ko para di ako mawalan ng pag-asa.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko at ngumiti.
"Doc, can i ask you a favor?"
"Anything."
I smiled weakly.
BINABASA MO ANG
Her Affliction
Teen FictionI love her. Yes. I really do. Wala akong pakialam kung hindi man niya ako masuklian basta ang alam ko mahal at mamahalin ko siya sa oras na minahal at minamahal niya ko.