Chapter 9

8 1 0
                                    

Seriously,  

LAME UPDATE.

Sorry. Bawi na lang next chapter. =)))

--

Chapter 9.

December 24 na pala. Noche Buena na mamaya. Groggy pa ko ng magising. Hindi kasi ako makatulog ng ayos. Nasa isip ko pa din ang sinabi sakin ni Alron. Nagtatalo pa din ang isip ko kung alam ba niya ang sinasabi niya ng pagkakataong iyon. Hindi siya nagtetext na sakin simula ng insidenteng yon.

Nahilo pa ko pagkatayo ko. Binibigla ko na naman yata ang katawan ko.

Naligo na ko ng maaga para makatulong kay kuya. Napag-usapan namin kasi kagabi na maghahanda kami kahit papano sa Noche Buena. Nalulungkot ako kasi wala sila mama. First time naming walang kasamang magulang ngayong pasko. Sabi ni kuya wag ko na daw isipin yun para hindi na ko malungkot. Lalo ko lang daw palulungkutin ang pasko namin.

Nagbihis naman na ko ng damit at nagsuklay. Pagkabukas ko ng pinto ko, hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Good Morning anak!!! Merry Christmas!!" Si mama at papa at si Tita Maricelle! Kailan pa sila dumating?!

"Ma?! Pa?! Tita?! Kailan pa kayo dumating?" Napakalaki ng mga ngiti ko sa labi ng makita ko sila. Niyakap ko sila.

"Naku, etong papa mo atat na atat na umuwi, miss na miss na daw kayo ng kuya mo!" Sabat ni tita.

Teka, parang may kulang?

"Si Billy po? Hindi po ba siya kasama?"

Nagbago ang mga itsura nila. Napayuko nalang ako. Sayang naman. Medyo nalungkot ako dahil inaasahan ko pa naman si Billy na dumating pero di bale na, nandito na sila Mama at Papa!

"Tara! Baba na po ta---" hindi ko na natuloy ang sinabi ko Nang biglang may yumakap sakin ng napakahigpit mula sa likod.

"Huli ka Mich!" Pagkalingon ko, lalong lumaki ang ngiti ko.

"Billy?!??!" Humarap ako sakanya at nagtatalon at niyakap siya. Matagal din kaming hindi nagkita.

"Nasorpresa ba kita? Akala mo di na ko pupunta noh? Hahaha!" Tuwang tuwa kami sa isa't isa. Sa lahat kasi ng magpipinsan, siya ang pinaka close at alam ang mga kalokohan na ginagawa ko.

At dahil sabik na sabik ako sa pinsan ko, hindi na ako ang nagluto. Si Tita at Mama na ang umako sa kusina. Sila daddy at Kuya Miko naman ang runner nila mama. Nag-aayos din sila para sa pang noche buena. At kami ni Billy? Nagchikahan ng nagchikahan. Hindi na kami naghiwalay simula nang dumating siya. Shinare ko din naman lahat ng nangyari sakin. Kasama na yung kay Alron. Ano pa bang itatago ko, ones a cousin, always a cousin. Kaya asahan na ang pagshshare ng mga secret.

"Gusto ko makilala yung Alron. Siguro naman may similarities kami. Baka pwede kami magbasketball habang nagbabakasyon ako dito."

"Malapit lang ang bahay niya dito. Hindi ko alam kung nagbabasketball siya eh. Speaking of sports," umupo ako ng maayos at hinarap si Billy. "May training kami sa 26. Tuesday. Sa school. Gusto mo manood? May laban kasi kami sa 28? I think." Naalala kong may training pa pala kami.

"Good. Makikita ko yang si Alron."

"Yun ay kung nandoon siya sa school."

"Wala ka bang number niya?" Akmang kukunin ni Billy yung CP ko sa kama pero inilayo ko ito.

"Meron. Pero hindi pwede ipamigay. Hindi na kami nag-uusap simula nung nangyari sa kanto."

"Well, kung nandun man siya sa tuesday, good. Dadaan muna siya sakin."

"Billy naman. Magkaibigan lang kami nun."

"Talaga lang? Gasgas na kasi yang linyang yan. Tignan nalang natin."

Hindi namin namalayan ang oras. 7pm na pala. Napasarap na kami sa pag-uusap ni Billy. I realized how much i miss him.

Sama sama naman kaming kumain. Wala pa ring kupas sa pagluluto si Tita. Ansarap kasi nung niluto niyang morcon. Nag-usap usap naman kami. Inaalala nila nung mga bata at anliliit pa namin. Lagi kong kasundo si Billy sa lahat. Kaya para daw nagiging lalaki na din ako at naiimpluwensiyahan na ni Billy. Sabi ko nga babaeng babae ako at Volleyball Player ako. Si kuya naman halos manliit dahil puro funny moments yung kinukwento sa kanya nung bata pa siya. Natutuwa naman ako kasi hindi ko pa talaga alam nalaglag na pala siya sa kanal sa kalikutan.

Nang matapos na kami kumain ay lumabas kami dahil dun namin icecelebrate ang pasko or noche buena. Pero dahil mabait ako ay natulog muna ako. Mga past 11 na ng nagising ako. At kung pano? Hinampas lang naman ako ni Billy ng regalo niya para sakin.

"Wow. Thank you nag-abala ka pa. Ako nga eh walang regalo sayo. Pero teka," lumapit ako sa tukador ko. "Ang alam ko may sobra pa ako nun eh.." Nakita ko na naman yung panda na keychain kaya inabot ko to sakanya. Binawi ko naman agad.

"Hoy! Ngayon lang ako nakakita ng nambabawi ng regalo!"

"Teka!" Kinuha ko yung gel pen ko at sinulatan ko ng pangalan niya. Binigay ko din naman sakanya agad. "Mas maganda pag self-handwriting. Sana magustuhan mo."

"Thanks. Mamaya mo nang 12 buksan yung akin." Pumayag naman ako.

Tinignan ko yung oras, 11:15 pa lang naman. May time pa ko para batiin yung mga friends at classmates ko. Kaya pinagtatadtad ko na sila ng messages.

Nagdadalawang isip pa ko kung babatiin ko siya. Oo. Si Alron. Haay ewan ko. Galit ba ko sakanya? Naiinis lang siguro. Naniniwala ba ko sa sinasabi niya? Umaasa lang na totoo. Haynako Misha! Tama na nga kakaisip! Baka sumabog na ulo mo. Paskong pasko kung an--

"MICHELLE!! BUMABA KA NA DIYAN AT MAGPAPASKO NA!!"

Boom. Ayun. Kumaripas na ko ng takbo sa baba. Tinignan ko ang wristwatch ko. Wow. 11:30 na. Oo nga.

"Ayun. Nagkakasayahan sila. Videoke, kainan, may mga kapitbahay na nga daw na pumupunta at shineshare ang handa nila. Yeah. As if kaya kong ubusin mga dala nila.

Nang nag 12 midnight na ay nagbatian naman na kami. Bigayan at bukasan ng regalo siyempre. At ang regalo sakin ni Billy? Simple lang naman. Bola ng Volleyball. Nakwento yata ni mommy na varsity ako. Syempre, malilimutan ko ba ang regalo ko sa pamilya ko? Na-uh. Kay kuya, syempre set ng ruler. Useful naman sa course niya eh. Kay mama at papa naman, cute na stuff toy na dalawang bear na magkayakap habang nakaupo sa sofa. How cute.

Sila kuya naman, binigyan ako ng earphones. Tama! Wala akong ganito simula ng masira yung pinakaluma ko pang earphone. Si mama at papa? Syempre wala. Sapat nang regalo sakin ang presensya nila ngayong pasko. Including tita. Wala din kasi akong napaghandang regalo sakanya.

Mga quarter to 1 na siguro nang magligpit kami. Tumulong ako sa paghuhugas ng pinggan para naman makabawi ako, wala na kasi akong naitulong. Matapos lahat, ako na din ang huling umakyat at nagpatay ng ilaw.

Pumasok na ko sa kwarto ko at gumawa na ng ritwal ko. Naligo, nagtoothbrush at nag pj's na. Nakita ko ang cellphone ko na nakatiwangwang sa kama. Oo nga pala, naiwan ko to dito nung tinawag ako ni mama.

Chineck ko naman kung may nagtext at syempre meron naman. Puros bati lang din at textback nila sa text ko. May text din ni Alron. WHAT? 3 messages.

From: Alron Arellano. 

12;00 am >Ei. Merry Christmas! 

12;05 am >Psst. Galit ka ba? 

12;40 am >Sige. Gudnight.

Ano ba yan! Bat ko ba kasi iniwan ko tong phone eh. Ha? Misha? Ayos lang naman ah! Isa lang naman tong season greeting. Not a big deal.

Nireplyan ko nalang din siya ng 'Hey slr. Merry christmas din. Nyt' nang hindi man lang nasasagot yung tanong niya kung galit ba ako sakanya. Galit nga ba?

Sa dami kong iniisip, di ko namalayan na nakatulog na ko.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon